Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, December 30, 2016

2017 Writing Goals

"What keeps me going is goals" - Muhammad Ali.

I felt lost last year and I think it's because of my lack of goals. Or maybe, dahil hindi ko kasi itinuloy ang plan ko last year. Sometimes I regret it but meeting my colleagues again last week, I decided na there is nothing to regret. I love what I am doing and I enjoy it.

So this year, magiging strong na talaga ako. Gagawin ko na ulit kung ano ang gusto ko at alam ko na makakapagpasaya sa akin---writing!

I will keep on going so here are my writing goals/to write books. Ha-ha!

If Only Series

This is a collaboration series na nabuo last 2016 brainstorming in Baguio. I did it na actually pero may problema so kailangan ko na umulit. But it's okay. I think I have a better plot and idea this time. Sana ganoon rin ang feeling ng evaluator ko. LOL

International Playboys Series

A series w/c I started last year. And hey, its not related to my International Billionaires Series. One book pa lang ang approved rito at ewan, ang hirap sundan. LOL. But this is a series that I started because of the TV show Jane The Virgin. Ha-ha!

International Billionaires Wannabes Series

O ayan, related talaga `yan sa International Billionaires. Mga anak ng Bilyonaryo ko ang bida at ang mga partner nila ay... secret! Yay! Approved na ang book 1 and 2... Sana next week, approved rin ang 3 :P

The Descendants Series

Another International Billionaires related series.... Ha-ha!

The Cavaliers/Philippine Aristocrats

A series that I conceptualized because of my addiction on Le Bal Debutantes. Hopefully, maggawa ko talaga siya. ^_^

To Infinitea And Beyond Series

Sana man lang, kahit isa ay may maipasa ako ulit. 3 books approved pa lang ito at last year pa!

Red Room

(Uy, may nag-aabang? Ha-ha!)

Abilene's Story... SANA, SANA, SANA
Beast - SANA, SANA, SANA rin.

And most of all.... TO BE ONE OF THE MOST PROLIFIC WRITER again. Ayan talaga ang pinaka-goal ko ngayong year kaya ang dami kong series. LOL. Pero sana sana sana sana talaga maggawa ko silang lahat. Layuan nawa sana ako ng katamaran.

So 2017, please be good to me.

xx

Cady

Friday, May 13, 2016

Dear Lord...

Dear Lord...

You have given a lot to me. Intelligence, skills and opportunities. Yet, I keep on wasting them.

I wish for them, yet I wasted them.

I'm sorry, Lord God.

I made bad decisions, I know. But what to do now? Just regret.

I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.

I will learn from this, yes. I will take everything that is happening to me as a challenge.

But Lord, let me ask you for something...

PLEASE DON'T GIVE UP ON ME.

xx

Cady

Tuesday, April 5, 2016

When the sign happened...

I am determined to be a teacher this year. Maraming reasons...gusto niyo bang malaman? He-he. Fine, I'll enumerate some.

1. I've done with my certificate of teaching proficiency course. Gusto kong matupad na `yung expectation sa akin ng mga tao.

2. I'd like to fulfill my dream to be a teacher...

3. I reached my goal as a writer. The prolific award is my sign to leave it (?)

4. I want a real job.

5. I want to grow up.

6. I want to inspire more people. Chos.

Actually, marami pang dahilan...personal reasons actually. But yeah, I might leave writing soon. At iyon nga ang dahilan ng post na ito. The sign...

So last Feb (I'm not so sure) nang magsimula ako na magpasa ng resume sa mga schools. Bale, 2 school lang sana ang trip ko na pagpasahan. Pero itong classmate ko na kasama ko, niyaya rin ako sa alma matter ko. Try lang naman so nagpasa rin ako...and err, ako na hindi ko naman sana bet na magturo sa alma matter ko pero ako ang siyang tinawagan sa halip na `yung classmate ko.

Okay naman. Initial interview na akalain mo nga naman ay nakapasa ako eh naka-T shirt lang ako nun! LOL. Akala ko kasi exam lang. Then tinawagan ako for demo teaching...nag-enjoy naman ako pero siyempre, I can't perfect it. It was my first time then! Pero grabeng paghahanda rin ang ginawa ko nun. The purpose is wag rin na mapahiya. I know my panel would be my former teachers. And they are nga. Nakakatuwa lang na `yung section kung saan ako nag-demo ay section ko rin noong fourth year ako.

I was happy that they invited me for final interview! So that just means that I've passed the demo teaching. `Kalain mo nga naman. Nagbunga ang paghihirap ko....

But another opportunity came....I was invited by my classmate and professor to do demo teaching and interview in public. Biglaan lang iyon. Saturday afternoon nang mangyari ang pangungulit. Monday na ang Demo at Interview. Walang problema sa Demo dahil `yun na rin naman na master Demo ko ang gagawin ko... (Though `di ko masasabi na natuwa ako sa demo ko. Medyo naasar ako sa students Grrr) but the interview. shet, feeling ko ginisa ako! Ayoko ng dumaan sa process na `yun so I wish na sana matanggap rin ako. Ha-ha! Alam ko naman kasi na hindi man sa ngayon pero sa hinaharap ay sa public rin ako babagsak. It's also a dream to serve the government. LOL. Plus the salary....and also the students in Public. Noong demo ko pa lang, nakaramdam na ako ng awa sa kanila. Sabi ko, kailangan nila ng magaling na teacher. Kailangan nila ako... (Shet napakabayani ng statement)

Pero `yun nga, torn ako sa kung ano ang dapat kong tanggapin. Bukas na ang final interview ko sa La Consolacion. Eh dba kapag final interview, madalas ay job offer na? So what if...ibigay na nila `yung job sa akin? Paano kung may chance pala ako sa public? Eh hindi pa alam ang date kung kailan ang ranking sa public.

So ito na nga iyong SIGN... Haha (Ang tagal ng before kuwento ano?) I said to myself na paghihintayin ko ang private kapag may dalawang approved MS ako bago mag-Wednesday. Pero nung Sabado, alam ko na nakuha ko na `yung sign na hinihingi ko. Paano, napa-revise `yung isa kong inaasahan na MS. Iyong isa, na-approved nung Monday...Pero ang nakakaloka....May unexpected ako na na-approve MS this Tuesday!!! So yeah, may dalawa akong approved MS...

Nabuo na `yung loob ko na papatusin ko na `yung private kapag nag-job offer eh. Pero nangyari `yung sign na hinihingi ko... Kaya Lord, ano po ba? If it's your will.. Lord, i-guide niyo ako sa nararapat. Nalito po ako bigla. Haay!

xx

Cady Lorenzana

Wednesday, February 17, 2016

What if...



This February, I've saw this photo from a random page. I know, hindi ako dapat nagpapaniwala sa ganito. It was just a random photo. For sure, hinulaan lang ito ng kung sino. But what if... what if, it's a sign for me that I did a wrong decision? Regrets alert!

I'm a January Baby. I was born on January 5, 1994. And nakita mo na? Makikita ko raw ang forever ko sa simbahan! Ha-ha! I'm not a so religious person. Hindi ako nagbabasa ng bible. Pero I make sure na nakakapagsimba ako if possible every Sunday. I feel comfortable when I am in church. Feeling ko kasi, ang lapit ko kay Lord. It made me feel lighter.

So yeah, let's start why I want to post this stuff. Actually, hindi ko na gustong ikuwento, i-blog o i-status man lang ang nangyari sa akin na ito. Ayokong isipin ng mga tao na ang yabang ko naman. Char! But when I saw that photo, bumalik ang feels. And shit! Feeling ko, ang tanga ko lang. Hayaan ko na nga rin. Blog ko naman ito.

So okay, ito na! Ha-ha! Last November, nag-reunion kami ng mga HS classmates ko sa as usual, resort ng classmate ko nung HS. So yung resort, katabi lang ng bahay nila. Bagong gawa `yung bahay nila so she made the chance of showing their house to us. May rooftop `yung bahay so hindi rin naman namin pinalagpas ang chance na tumingin roon. There, I saw a shooting star! I made a wish, of course. Naniniwala kasi ako sa pamahiin na kapag nakakita ka rw ng shooting star, puwede ka mag-wish. Nagkatotoo kasi `yung wish ko sa shooting star dati. Ha-ha! So dahil wala na si Mommy, which is my everytime wish na gumaling na siya, I made a self wish: LOVELIFE.

The next day came. Maaga ako umuwi kasi sabi ni Kuya, gagamitin raw niya ang car na dinala ko sa reunion. Natulog ako. Pagkagising ko, nagchat classmates ko (na magkakasama pa rin) na tara daw sa Starbucks. I'm feeling a rich kid. Ayoko na mag-commute! Isa pa, I heard na gusto pumunta ng classmate ko at jowa niya sa Padre Pio. Gusto ko rin pumunta roon para magsimba. Lalabas na rin naman ako, bakit hindi ko pa sulitin `di ba? So I texted my brother to come home and give me the car. Pinilit ko siya. Pumayag siya to the expense of driving him to the subdivision he will go to. Worst situation came, I bumped the car sa gutter ng subdivision. Hindi ko na na-meet ulit classmates ko. Nasira ko unahan ng kotse with oil leak. Asaaar!

It was painful for me, you know. Nahihiya talaga ako sa nangyari. But I still went to church. Yung simbahan na nga lang na malapit sa amin. Aba, kailangan ko rin na magpasalamat na ganoon lang nangyari sa amin ng Kuya ko. Sobrang gulo ng utak ko noon. May insurance naman `yung car namin pero iyon ang first time na gagamitin namin yun kaya hindi ko alam ang process. I contacted my ex-boyfriend pa para tulungan ako. He knows a lot about car. Minsan ko rin na nakita na dinala `yung kotse ng Ate niya sa  CASA so I thought, alam niya process. I did that before the mass started.

So `yun na nga, nasa simbahan ako. There was this guy na sinundan ko sa pag-upo. Katabi ko siya all through out the mass. And I don't care actually. Hindi ako ganoong tao! Ha-ha! I care about my seatmates, lalo na kapag lalaki. I'm a romance writer, and sometimes, I tend to look for romance. Kahit seatmate ko sa bus. Ha-ha! Pero sobrang occupied lang talaga ng utak ko. Ni hindi ako tumitingin sa seatmate ko na iyon. Sa peace be with you ko lang siya actually tinignan. And that was just one second. Wala talaga.

But...but! When the mass ended and I was in a hurry to go home, sinundan ako ni seatmate. Miss, wait!" sabi niya. Sinabayan niya ako sa paglalakad at inilabas niya ang cell phone niya. Tumingin naman ako sa kanya pero `yung tipong, "anong gusto mo?" Pero tingin lang `yun na nakakunot noo. Nag-stutter pa siya when he said, "puwede bang hingiin ang number mo?"

If you are in my situation, anong gagawin mo? Ha-ha! Tanga ba ako na tinignan lang siya tapos nagmamadali na naglakad palabas ng simbahan? Ha-ha! But damn, he was a total stranger! At kahit nag-wish ako ng lovelife ay...err...well, sabihin niyo sa kin kung tama ba ang ginawa ko? Ha-ha! Kasi nga, stranger siya. And my mind is so occupied. And there was my ex-bf which is I am thinking, paano kung siya na `yung hiningi ko sa wishing star? Dahil nagkaroon kami ng reason to contact each other again. Pero alam ko na ngayon na hindi si ex-bf. Hindi ko na talaga siya gustong balikan. Ha-ha!

Oh well.. well... Sinubukan ko na magsimba muli sa simbahan na yun. Three times na yata. Pero hindi ko na muli nakita si guy. Forever alone na ba ako, ganoon?

What if kaya ko nasira ang kotse ay para hindi ako makapagsimba sa Padre Pio at magkita kami? What if totoo ang post na ito? What if pinalagpas ko ang chance ko para sa forever?

xx

Cady

Sunday, January 17, 2016

Writing Plans for 2016

As I said to my last post, 2016 would be a life changing year for me. Plan ko na kasing magwork na full time...maging teacher perhaps? Dahil this March ay matatapos ko na ang education units ko. And I know, magiging madalang na ang maisusulat ko kapag nagwork na ako. So maybe, hindi muna ako magstart ng mga bagong projects this year. But...who knows? :D

Pero may mga writing plans pa rin ako. Haha! Sana lang talaga maggawa ko sila.

Series:

The Last Will Series Book 4 and 5

My Third single series for PHR. Hmmm... last year ko pa talaga gusto tapusin ito, eh. Pero tinamad ako! Haha! But anyway, book 4 and 5 na lang naman. Feeling ko, matatapos ko rin siya for the first quarter of the year. Balak ko na simulan ang book 4 this month.

The Present (collaboration series)

Wala pa akong plot! Haha! Buti na lang, di pa sila nagsisimula. :P

BSU Files (collaboration series)

This is from our collaboration trilogy, An Online Romance. Hindi ko lang sure kung masisimulan talaga namin ito ngayong taon.

To Infinitea and Beyond Series

Seryoso, hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang series na ito! Haha! Pero gusto ko na siyang matapos.

Independent Novels


More Than A Fairy Tale

Alladin and Rapunzel stories. Ali was said on my More Than A Fairy Tale: Part of your World book. Si Rapunzel naman ay ang nawawalang kapatid ni Ali. :P

The Unwanted Bride

This is a story dedicated for a dear reader. Sequel ito ng sa ngayon ay for evaluation MS ko na The Unsuitable Bride.

Precious Blooms book

Sana, palarin. hehe! Kasi wala na akong young feels, guys!


A not so sure series...but i am thinking about lately. Wedlocked series --- a mini series about wed couple....and their struggles. I'm a sucker of these stories!

Okay, Lord, wish ko po na maggawa ko nga sila. Hehehe..

xx

Cady

Another Dream Come True!

2015 had been the hardest year for me. My mom died, my dog died, my biggest crushes have been married and engaged! (yeah, this sucks too! haha) I've got sick for a lot of days, back pains, I've open doors with someone (it's hard for me because it seems like I betrayed my mom for that) nasira ko ang kotse, umako ng maraming responsibilidad and one of also the hardest, I've discovered I was betrayed by my most trusted friend. Kaya napansin niyo ba? I didn't do a year-end special blog post na anually ko ginagawa. Hindi ko kaya. Hindi ko na gustong balikan ang tungkol sa nangyari sa 2015 ko. Lahat lang ng naalala ko ay sakit.

So, I said to myself, I am still lucky. I survived it, though may mga times talaga na gustong-gusto ko ng sumuko. There are voices inside my head that saying I won't make it. I'm deeply sad, depressed. I'm in deep shit. Minsan nga, feeling ko baliw na ako dahil umiiyak na lang ako basta. Napaka-sensitive ko rin sa napakaraming bagay. I'm so not myself and because of that, I know I am not going to hit my goal.

When my mom is still alive, I asked her to give me year 2015. `Wag niya muna akong i-pressure na magtrabaho. May gusto kasi akong tuparin na pangarap at iyon nga ay ang maging prolific writer. Na-feel ko kasi nung 2014 na kaya ko pala. Hindi ko lang naggawa nung 2014 kasi almost half of that year is nag-aaral pa rin ako. Pinagtawanan lang niya ako when I said I want to be one. Hindi ko raw kaya. You see, I love my mom but there's just something in her na palagi akong dina-down. She doesn't support me the way others support me. Minsan nga, tuwang-tuwa ako na binalita na may approved manuscript ako, ang sagot niya sa akin ay "Wala na sigurong nagpapasa ng MS sa PHR kaya in-approve ang manuscript mo," that should be a joke pero dinibdib ko yun. Kasi di ba, Mommy ko siya. Dapat natutuwa siya, hindi yung ganoon ang mga sinasabi niya. My brother doesn't want me also to pursue the job. Pero gusto ko silang bigyan ng reason para masabi na kaya ko rin naman na mabuhay rito.

Pero `yun na nga, 2015 is a hard year for me. Hindi na ako umasa dahil sa mga naging struggles ko ngayong taon. And I even got a three returned manuscripts! Akala ko magaling na ako pero na-reject-an pa ako. HAHAHA! Ang kapal ko ba? Pero sa totoo lang, malakas na kasi ang confidence ko since madalas diretso approved na MS ko. Pero shit lang talaga... hahaha! Kaya isa rin yan sa mga nagpasira sa taon ko at nawalan na rin ako ng pag-asa na ma-hit ko ang goal.

January 12, I prayed na sana ibalik naman ang top 10 sa most prolific. Sabi ko, ma-recognize lang, masaya na ako. So noong sinabi na ang announcement na may top 10, sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Noong tinawag si Ate Andie, sabi ko sa sarili ko, shit kasama ako!!!! Hahaha! Alam ko kasi na mas mataas ang naproduce kong MS kaysa sa kanya. Then yun nga, masaya na ako na kasama na ako sa top 10. Medyo huli pa ako na tinawag, nakikipag-congrats at nagsisimula na rin na magtanungan kung ilan ga ang naggawa na MS noong taon kaya medyo wala sa announcement ang isip ko. Isa pa, alam ko naman na si Luna na yung makakuha sa puwesto na inaasam ko (2nd runner up, DREAM KO NA YUN) Tanggap ko na `yun. Masaya na nga kasi ako na kasama sa top 10. Then nung in-announce yung number ng MS na naggawa nung 2nd runner, I was like, shit, puwede yata na ako yun, ah! Then `di pa medyo nagsisink in sa akin na... WAAH, ako nga! Haha!

Sa totoo lang, medyo nahirapan talaga ako na i-sink in sa utak ko na nakuha ko yung pinapangarap ko na position. Hindi ko na nga kasi inaasahan eh. Consistent ang top 1 at top 2 so ang pinag-aagawan na lang talaga ay yung pang-top 3. But God gave me a miracle, nakuha ko ang inaasam ko na posisyon.





My heart is so shock when I received the plaque and the flowers. Sa totoo lang, mukha talaga akong pera pero wala...wala sa isip ko noon `yung cash na napanalunan. Kung hindi pa ako tinanong pagkaupo ko kung magkano raw, hindi pa magsisink-in sa utak ko na may cash award nga pala iyon. Haha! I'm just so happy and contented about the plaque...and the flowers. Haha! It was my first time to receive that kind of beautiful flowers. Sabi ko pa nga nung nahawakan ko, "Paano po ba hawakan ang flowers?" Haha. I'm just so overwhelmed. Pangarap ko lang dati na magkaroon ng isang published book and I produce more than I've dream for. Na-recognize pa ako ng top romance publishing house in the Philippines.

Haay, I know it's been almost a week since the incident happened but still, naroroon pa rin ang feeling ng happiness. Ang hirap maka-moved on! He-he! Isa pa pala, last year, naalala ko pa nung Christmas party, sa isip ko ay nangarap na ako noon na gusto ko maging prolific. Pero kung mapapanalunan ko man `yung cash award, ipanglilibre ko lang yun sa lahat. Haha! Eh, wala, eh. Wala yung mga BFF ko in writing sa event. Haha! At saka nagastos ko yung pangbayad ko for participation fee and well, gogora rin kami ng friends ko sa Clark sa Valentines. So doon lang napunta yung award ko. Haha! And some, treat to the family. :D

But anyway, 2016 should be my life changing year for me...so siguro, hindi ko na i-aim na maging prolific writer ulit. Siguro kahit sa top 10 na lang. Hehe! Eh kasi, balak ko na magwork this year. I think its time na since I'm done with the dream and I'm done with my teaching proficiency certificate. Pero...wag naman sana akong manghina sa sweldo ng teacher kaysa sa sweldo ng writer. Pero...what I love about my award is that mukhang napabago ko ang isip ni Kuya at ng family ko. Magsulat na lang daw ako! Hahaha! OMG, that's what I want to hear from them... but maybe, I'll try to have some experience so....I am going to think. Sabi naman nila, kung gusto ko, wag daw muna. Magboard na lang daw muna ako. Hmmm... I think its a good plan though. Parang hindi ko pa rin kasi yata kayang bitawan ang pagsusulat.


xx

Cady


Thursday, December 10, 2015

12 wishes for Christmas...

12 wishes for Christmas...

1. To be with Mommy.
2. To be with Mommy.
3. To be with Mommy.
4. To be with Mommy...and Daddy.
5. Boyfriend.
6. Books.
7. Lipstick.
8. Approved manuscripts.
9. Approved manuscripts.
10. Books.
11. To be with Mommy.
12. To be with Mommy.

Dear Santa, I want all of it... but want is different from need, ayt? Can you please even just fulfill my needs?

Okay?

All right.

Needs in the wish list:

Wish number 1, 2, 3, 4, 11 and 12.

xx

Cady

Monday, July 6, 2015

This could be the end of EVERYTHING...

"This could be the end of everything..."

`Yan ang isa sa mga lyrics ng kanta kung saan ko kinuha ang title ng latest approved MS ko. Ay teka, may binago pala ako sa isang word. Basta, noong narinig ko siya, sabi ko, ito na lang siguro ang title... Not knowing na gagawin ko pala na sign ang MS na ito kung "it could be the end of everything" na nga ba sa tanging bagay, well not really "tangi" pero pinakanakakapagsaya na lamang sa akin ngayon---which is writing.

You see, nang mawala si Mommy, feeling ko ang laki ng nawala sa akin. I do have major rough times in this 2nd quarter of the year. Pinakamasamang panahon sa entire life ko. Bukod kasi sa nawala siya, na-engage yung dalawang major crush ko, nagkasakit rin ako. Hindi yata ako nawalan ng sakit for a month. Inuubo ako, nilalagnat, nanakit ang tenga ko (which is hula ko nagsimula lahat dahil sa lintek na pagpasok ng tubig sa tainga ko) at ang pinakamatindi, nawalan ako ng boses ng almost 1 week.

Dahil sa mga nangyari, I feel so lost. Feeling ko, hindi na rin ako pinapakinggan ni God. I don't know how to be happy anymore. Then you see, nagkaproblema pa ako sa career ko rin in the 2nd quarter nga. I got a basher (not really pero ganoon yung feeling ko doon) then nagkaroon ako ng returned MS. I really feel so down. Kakagaling ko lamang noon mula sa pagkawala ko ng boses then problema na naman. I lose hope. Sai ko sa sarili ko, baka kaya ganito dahil mali na ako ng pinupuntahan. Baka kaya kinuha na sa akin si Mommy ay dahil kailangan ko ng umalis sa bagay na minamahal ko. Kailangan ko na ng new life.

Then there's this MS nga. Ang MS na ito ay ang pinakaunang MS na sinulat ko after mawala ni Mommy. Sabi ko sa sarili ko, ito ang kukuhanin ko na sign. Sa isip-isip ko kasi, baka mamaya sa pagkawala niya, I lost the magic in me (charot). Hindi na ako makakapagsulat muli. Feeling ko kasi talaga minsan, wala ng saysay ang buhay ko. Wala na akong kuwenta. Dumating na nga ako sa punto na tinatanong ko ang sarili ko na ano ba ang purpose ko sa buhay? sa mundo? So this MS is my last straw.

Kapag approved, tuloy ang pagsusulat. Kapag revised, mag-iisip-isip pa rin. Kapag returned, bahala na! maghahanap na talaga ako ng trabaho. --- Yan ang mga signs ko sa MS na ito. And fortunately, it is approved!

Todo dasal pa ako nang makita ko ang email. Hindi ko siya binuksan sa phone though nag-notify na talaga. Inantay ko na magbukas laptop ko at makapag-imis ako ng kinainan ko. Nagdasal pa ako bago ko i-open yung email...asking Lord na ibigay niyo na po sa akin ito. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko pa rin kayang iwan ang pagsusulat. Not now na nag-aaral pa ulit ako. Hindi ko alam kung kaya kong pagsabayin.

So Lord, thank you so much for answering my prayer. Totoo nga yung God wants to know ko kahapon. ASK FOR HELP. I did ask for help this time and you answer me in a positive way. Thank you so much!!! Thank you for telling me that this is not yet the end of everything... :)


xx

Cady

Tuesday, June 30, 2015

Dear Self

Dear Self,

Don't give up. Stay strong. These are just rough times---a long rough times. You'll soon find happiness....and if you did, you'll just laugh on these damned moments.

Love,

Self.

Friday, May 8, 2015

Shattered

Matagal ko ng pinaghandaan ang panahon na ito. Fourth year high school ako ay nagsimula na akong lumabas nang mag-isa lang ako. Natuto akong manood ng sine na mag-isa, kumain nang mag-isa, mag-mall nang mag-isa, dahil alam ko na sooner, darating ang panahon na magiging mag-isa na lang ako.

It happened now.

Matagal ko ng pinaghandaan ito. Palagi mo na rin naman sinasabi. Pero pagkatapos ng mga taon, hindi pa rin pala ako talagang handa. Minsan sinasabi ko sa sarili ko na kaya ko na siguro. Graduate na nga ako ng college eh. Kumikita na rin in a way.

But no.

I need you. I still need you. Kahit sa kabila ng kapansanan mo, you're still have a big worth, Mommy. Kahit madalas na huli ka na, you still know a lot of things. Minsan hirap ka na masabi pero alam mo pa rin. I still needed those informations.

I still need your presence. Your hugs. Your supports. I need someone to lean on. I need someone to hug whenever I'm stressed. To talk whenever I'm pissed. Kailangan ko pa rin ng kalokohan. Kailangan ko pa rin ng taong gigising sa akin, magsasabing kailangan ko ng kumain, maligo at matulog.

And most of all, I still need your warmth. Ikaw yung nag-iisang tao na kapag niyayakap ko, nararamdaman ko iyong init. The warmth. You make me calm and feel safe everytime....

I still need your guidance.

I still need you in my life.

I feel shattered now you're not here anymore.

I love you and I'm going to miss you forever.

Happy Mother's Day.