Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, December 10, 2015

12 wishes for Christmas...

12 wishes for Christmas...

1. To be with Mommy.
2. To be with Mommy.
3. To be with Mommy.
4. To be with Mommy...and Daddy.
5. Boyfriend.
6. Books.
7. Lipstick.
8. Approved manuscripts.
9. Approved manuscripts.
10. Books.
11. To be with Mommy.
12. To be with Mommy.

Dear Santa, I want all of it... but want is different from need, ayt? Can you please even just fulfill my needs?

Okay?

All right.

Needs in the wish list:

Wish number 1, 2, 3, 4, 11 and 12.

xx

Cady

Monday, July 6, 2015

This could be the end of EVERYTHING...

"This could be the end of everything..."

`Yan ang isa sa mga lyrics ng kanta kung saan ko kinuha ang title ng latest approved MS ko. Ay teka, may binago pala ako sa isang word. Basta, noong narinig ko siya, sabi ko, ito na lang siguro ang title... Not knowing na gagawin ko pala na sign ang MS na ito kung "it could be the end of everything" na nga ba sa tanging bagay, well not really "tangi" pero pinakanakakapagsaya na lamang sa akin ngayon---which is writing.

You see, nang mawala si Mommy, feeling ko ang laki ng nawala sa akin. I do have major rough times in this 2nd quarter of the year. Pinakamasamang panahon sa entire life ko. Bukod kasi sa nawala siya, na-engage yung dalawang major crush ko, nagkasakit rin ako. Hindi yata ako nawalan ng sakit for a month. Inuubo ako, nilalagnat, nanakit ang tenga ko (which is hula ko nagsimula lahat dahil sa lintek na pagpasok ng tubig sa tainga ko) at ang pinakamatindi, nawalan ako ng boses ng almost 1 week.

Dahil sa mga nangyari, I feel so lost. Feeling ko, hindi na rin ako pinapakinggan ni God. I don't know how to be happy anymore. Then you see, nagkaproblema pa ako sa career ko rin in the 2nd quarter nga. I got a basher (not really pero ganoon yung feeling ko doon) then nagkaroon ako ng returned MS. I really feel so down. Kakagaling ko lamang noon mula sa pagkawala ko ng boses then problema na naman. I lose hope. Sai ko sa sarili ko, baka kaya ganito dahil mali na ako ng pinupuntahan. Baka kaya kinuha na sa akin si Mommy ay dahil kailangan ko ng umalis sa bagay na minamahal ko. Kailangan ko na ng new life.

Then there's this MS nga. Ang MS na ito ay ang pinakaunang MS na sinulat ko after mawala ni Mommy. Sabi ko sa sarili ko, ito ang kukuhanin ko na sign. Sa isip-isip ko kasi, baka mamaya sa pagkawala niya, I lost the magic in me (charot). Hindi na ako makakapagsulat muli. Feeling ko kasi talaga minsan, wala ng saysay ang buhay ko. Wala na akong kuwenta. Dumating na nga ako sa punto na tinatanong ko ang sarili ko na ano ba ang purpose ko sa buhay? sa mundo? So this MS is my last straw.

Kapag approved, tuloy ang pagsusulat. Kapag revised, mag-iisip-isip pa rin. Kapag returned, bahala na! maghahanap na talaga ako ng trabaho. --- Yan ang mga signs ko sa MS na ito. And fortunately, it is approved!

Todo dasal pa ako nang makita ko ang email. Hindi ko siya binuksan sa phone though nag-notify na talaga. Inantay ko na magbukas laptop ko at makapag-imis ako ng kinainan ko. Nagdasal pa ako bago ko i-open yung email...asking Lord na ibigay niyo na po sa akin ito. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko pa rin kayang iwan ang pagsusulat. Not now na nag-aaral pa ulit ako. Hindi ko alam kung kaya kong pagsabayin.

So Lord, thank you so much for answering my prayer. Totoo nga yung God wants to know ko kahapon. ASK FOR HELP. I did ask for help this time and you answer me in a positive way. Thank you so much!!! Thank you for telling me that this is not yet the end of everything... :)


xx

Cady

Tuesday, June 30, 2015

Dear Self

Dear Self,

Don't give up. Stay strong. These are just rough times---a long rough times. You'll soon find happiness....and if you did, you'll just laugh on these damned moments.

Love,

Self.

Friday, May 8, 2015

Shattered

Matagal ko ng pinaghandaan ang panahon na ito. Fourth year high school ako ay nagsimula na akong lumabas nang mag-isa lang ako. Natuto akong manood ng sine na mag-isa, kumain nang mag-isa, mag-mall nang mag-isa, dahil alam ko na sooner, darating ang panahon na magiging mag-isa na lang ako.

It happened now.

Matagal ko ng pinaghandaan ito. Palagi mo na rin naman sinasabi. Pero pagkatapos ng mga taon, hindi pa rin pala ako talagang handa. Minsan sinasabi ko sa sarili ko na kaya ko na siguro. Graduate na nga ako ng college eh. Kumikita na rin in a way.

But no.

I need you. I still need you. Kahit sa kabila ng kapansanan mo, you're still have a big worth, Mommy. Kahit madalas na huli ka na, you still know a lot of things. Minsan hirap ka na masabi pero alam mo pa rin. I still needed those informations.

I still need your presence. Your hugs. Your supports. I need someone to lean on. I need someone to hug whenever I'm stressed. To talk whenever I'm pissed. Kailangan ko pa rin ng kalokohan. Kailangan ko pa rin ng taong gigising sa akin, magsasabing kailangan ko ng kumain, maligo at matulog.

And most of all, I still need your warmth. Ikaw yung nag-iisang tao na kapag niyayakap ko, nararamdaman ko iyong init. The warmth. You make me calm and feel safe everytime....

I still need your guidance.

I still need you in my life.

I feel shattered now you're not here anymore.

I love you and I'm going to miss you forever.

Happy Mother's Day.

Tuesday, January 27, 2015

Boyfriend Vs Career

Palagi kong sinasabi at hinihiling na sana... dumating na siya. Sana dumating na si The One. Sana magka-boyfriend na ako. Pero feeling ko, ako naman ang may problema.

Last year, nagparamdam sa akin ang ex bf ko... and he was like.. magkabalikan daw kami. Dahil college pa ako noon, umayaw ako. Gusto ko kasi magseryoso noong college. Charot. Basta ang sabi ko noon, hindi na muna ako mag-BF. Sapat na ang kalokohan at kalandian ko noong HS.

Then ngayon,,.. nagpaparamdam muli siya. Medyo nagulo ako. Siyempre, para sa akin, okay na. Tapos na ako ng college. Pero feeling ko, nagulo ako. Ayaw ko ng nagugulo ako. Hindi ako makapagsulat.

Nag-iisip ako kagabi. Iniisip ko siya. Okay naman, natuwa naman ako. Sa halip nga na magtrabaho ako, in-entertain ko siya. Ang kulit niya kasi! At siguro nga...a part of me ay gusto ko rin naman na magka-BF na.

Di ko alam kung may nararamdaman pa ako sa kanya. Ewan ko, pero ang feeling ko, kaya ko lang naman talaga siya ine-entertain ay dahil gusto ko na magka-BF. Haha! Okay rin naman kasi siya. Di siya gwapo, pero mabait naman siya. Siya rin yung tipo ng maasahan sa bahay---which is dagdag sa gusto ko para sa lalaki ngayong namumuhay bahay na lang ako palagi. Gusto ko kasi yung kunwari, may nasirang gripo. Yung marunong mag-ayos, ganyan. Di kasi ganoon si Kuya eh. Tapos ung mahilig rin sa sasakyan para kapag nasira yung kotse, alam ang gagawin. Di kagaya ni Kuya! Haha! Tapos yung family namin, medyo pareho. Galing kasi siya sa family ng pulis. And my dad and grandfather is a police. Isa pa, noong high school ako, may nanghula sa akin. Ang sabi nung manghuhula, pang-anim daw yung magiging asawa ko. Nanliligaw siya sa akin that time. Tapos pang-anim siya sa magkakapatid! Iyan ang dahilan talaga kung bakit ko siya sinagot noon. Hahaha!

So yeah, siguro iniisip niyo na di ko naman talaga siya mahal kaya naguguluhan ako. Wala rin kwenta ang post ng title ko sa una kong sinabi. Pero naisip ko lang yung mga readers ko. Kapag nababalitaan ko na may BF na sila, hindi na sila nagbabasa ng pocketbook. May umamin rin sa akin na isa kong reader na ganyan. Ang dahilan niya... nakahanap na kasi ako ng totoong prince charming ko.

Paano kung kapag nagka-boyfriend ako, mas lalo na akong nabitter? Kasi paano kung hindi niya ma-meet ang expectations ko sa love? Di na ako makakapagsulat ulit pa. Saka ang BF need pa i-pamper. Mataas ang pangarap ko. Hindi ko need ng distraction. Isa pa, my work is at home. Madali akong ma-distract. Baka mamaya, imbes na magwork ako, ang isipin ko na lang ay siya. Mapo-focus sa kanya yung isip ko. Ayaw ko ng ganoon....sa ngayon. Masaydo ko mahal ang ginagawa ko at determinado ako na makamit ang aking pangarap so.... alam niyo na kung ano ang manalo.

Tanggal pa pala sa 2015 goals ang BF. Hahaha!

And anyway... di pa naman pala niya talaga ako pine-pressure. Ang sabi niya eh gusto niya na kapag nakipagrelasyon na rin naman siya, may work na siya. Nag-aantay pa siya ng results ng board kaya malamang... matagal pa yun. Isa pa, may sinasabi siya sa akin na 5 months training. Pero sinasabihan niya ako na hintayin ko siya.

???

xx

Cady

Saturday, January 3, 2015

2015 Writing Plans

I have a dream I want to fulfill this 2015. Writing dream, actually. Hah! Bakit ba? Dream high nga daw, eh. At the age of 17, I already fulfilled my greatest dream at iyon nga ay ang maging writer. Pero marami pa akong gustong makamit bilang writer at iyon ay... ma-double ang manuscript na naisulat ko this year. Haha!

Isang dream come true na rin naman ang naisulat ko na manuscript this year. Kahit ako, medyo nagulat rin sa dami noon. Kaya ko palang mag-produce ng ganoon? Hehe. Isama pa na first quarter of the year, wala talaga akong naisulat kaya mas naging proud ako sa sarili ko.

Pero hindi natatapos lahat sa 2014 ang ideya... Lets have goals this year. 2015, be a good year to me, okay?

Here's my writing plans.

International Billionaires Book 6: My Italian Lover
Last book for my first ever single series. Balak ko siyang i-2 books dahil makapal ang plot ko sa kanya. Isama pa na magkaka-years later siya para na rin magkaroon ng view ang mga readers sa kung ano ng nangyari sa love life ng first five books.

Sana lang maging madali siya since gusto ko talaga ang hero ko sa last book. May inspiration rin ako sa plot ko rito at nabubuo ko na siya sa isip ko. And like Greeks, I love Italians, too. Actually, medyo nakakaintindi ako ng language nila dahil tinuturuan ako noong friend/crush ko noong high school ako na nasa Italy. Haha!

To Infinitea And Beyond Series:
Naipasa ko na ang first book ng series na ito last year. The series is about a tea shop. Yung mga taong pumupunta roon, nagtatrabaho roon at nagmamay-ari, sila ang magiging characters ko for the series. Hindi ko alam kung gaano karaming books dahil puwede naman siyang dagdagan ng dagdagan. This is supposed to be a coffee shop series---mas una ko pa nga ito naisip kaysa sa International Billionaires---pero dahil may nagsabi sa akin na may gumagawa na raw ng ganoong series, nag-isip ako ng bago. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang masabihan ako na copy cat.

PS: Wholesome series ito. I mean, light romance lang.

Broken Vows Trilogy:
Kagabi ko lang naisip ang trilogy na ito. Nagpost ako sa FB na bet ko gumawa ng isang kuwento about sa mag-asawa na nagkahiwalay tapos nagkabalikan muli. Meron na akong isang plot---its actually a true story, kuwento ng buhay ng friend ko at matagal-tagal ko na rin siyang gustong isulat. Pero naisip ko...gusto ko ng medyo maraming ganoong klase ng kuwento. May naisip ako bigla kagabi na pampadagdag at nag-decide na gawin siyang trilogy.

It is about three brothers---whose marriage are kind of doomed? LOL. Well, yung dalawa, marriage. Yung isa, dating relationship lang.

Hopefully, mapanagutan ko talaga ito.

Red Room: Business And Pleasure
Gah! Why are you looking at me like that?! HAHAHA!

Last year ko pa talaga gustong isulat ang kuwento na ito. Nasimulan ko na siya, actually... Buo na rin ang plot sa isip ko. Pero di ko siya makayang isulat dahil.... gosh! BOLD words. I can't...STILL. Hahahaha! Hindi pa ako ready but hopefully, this year, maggawa ko. Ipinagpaalam ko pa ito kay HIM dati. Hahaha!


Alpha Males Series:
From the word itself... ALPHA! Love those kind of heroes. Ito ang nagagawa ng Harlequin sa akin. Pero di ko sure kung masisimulan ko talaga ito this year.

Independent Novels:
I'm yet to decide what independent novels to do. Wala ako masyadong maisip. Isa lang pala. Yung story na inspired sa August Rush with a twist! :P

Another one pala, yung More Than A Fairy Tale ko na isa. Kuwento siya ni Cinderella. Doon kasi sa una kong MTAFT, lumabas siya. Friend siya ni Phillip. Haha! Gusto ko siyang gawan ng kuwento.

---


That's all for now. Ipagdasal niyo ako na sana maggawa ko nga siya this year. And hopefully, madagdagan pa. :D

xx

Cady