Palagi kong sinasabi at hinihiling na sana... dumating na siya. Sana dumating na si The One. Sana magka-boyfriend na ako. Pero feeling ko, ako naman ang may problema.
Last year, nagparamdam sa akin ang ex bf ko... and he was like.. magkabalikan daw kami. Dahil college pa ako noon, umayaw ako. Gusto ko kasi magseryoso noong college. Charot. Basta ang sabi ko noon, hindi na muna ako mag-BF. Sapat na ang kalokohan at kalandian ko noong HS.
Then ngayon,,.. nagpaparamdam muli siya. Medyo nagulo ako. Siyempre, para sa akin, okay na. Tapos na ako ng college. Pero feeling ko, nagulo ako. Ayaw ko ng nagugulo ako. Hindi ako makapagsulat.
Nag-iisip ako kagabi. Iniisip ko siya. Okay naman, natuwa naman ako. Sa halip nga na magtrabaho ako, in-entertain ko siya. Ang kulit niya kasi! At siguro nga...a part of me ay gusto ko rin naman na magka-BF na.
Di ko alam kung may nararamdaman pa ako sa kanya. Ewan ko, pero ang feeling ko, kaya ko lang naman talaga siya ine-entertain ay dahil gusto ko na magka-BF. Haha! Okay rin naman kasi siya. Di siya gwapo, pero mabait naman siya. Siya rin yung tipo ng maasahan sa bahay---which is dagdag sa gusto ko para sa lalaki ngayong namumuhay bahay na lang ako palagi. Gusto ko kasi yung kunwari, may nasirang gripo. Yung marunong mag-ayos, ganyan. Di kasi ganoon si Kuya eh. Tapos ung mahilig rin sa sasakyan para kapag nasira yung kotse, alam ang gagawin. Di kagaya ni Kuya! Haha! Tapos yung family namin, medyo pareho. Galing kasi siya sa family ng pulis. And my dad and grandfather is a police. Isa pa, noong high school ako, may nanghula sa akin. Ang sabi nung manghuhula, pang-anim daw yung magiging asawa ko. Nanliligaw siya sa akin that time. Tapos pang-anim siya sa magkakapatid! Iyan ang dahilan talaga kung bakit ko siya sinagot noon. Hahaha!
So yeah, siguro iniisip niyo na di ko naman talaga siya mahal kaya naguguluhan ako. Wala rin kwenta ang post ng title ko sa una kong sinabi. Pero naisip ko lang yung mga readers ko. Kapag nababalitaan ko na may BF na sila, hindi na sila nagbabasa ng pocketbook. May umamin rin sa akin na isa kong reader na ganyan. Ang dahilan niya... nakahanap na kasi ako ng totoong prince charming ko.
Paano kung kapag nagka-boyfriend ako, mas lalo na akong nabitter? Kasi paano kung hindi niya ma-meet ang expectations ko sa love? Di na ako makakapagsulat ulit pa. Saka ang BF need pa i-pamper. Mataas ang pangarap ko. Hindi ko need ng distraction. Isa pa, my work is at home. Madali akong ma-distract. Baka mamaya, imbes na magwork ako, ang isipin ko na lang ay siya. Mapo-focus sa kanya yung isip ko. Ayaw ko ng ganoon....sa ngayon. Masaydo ko mahal ang ginagawa ko at determinado ako na makamit ang aking pangarap so.... alam niyo na kung ano ang manalo.
Tanggal pa pala sa 2015 goals ang BF. Hahaha!
And anyway... di pa naman pala niya talaga ako pine-pressure. Ang sabi niya eh gusto niya na kapag nakipagrelasyon na rin naman siya, may work na siya. Nag-aantay pa siya ng results ng board kaya malamang... matagal pa yun. Isa pa, may sinasabi siya sa akin na 5 months training. Pero sinasabihan niya ako na hintayin ko siya.
???
xx
Cady
No comments:
Post a Comment