Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, March 16, 2012

Susi para sa sariling tagumpay

Good mid---night!
Feeling ko, wala ng kuwenta ang blog ko. Hahaha. Pero gusto kong mag-entry dahil napanood ko iyong video namin. Para sa akin, napaka-walang kuwenta ng talumpati ko na ito. Kung talumpati ba na matatawag ito. Project namin sa Filipino. I feel so lame dahil feeling ko paulit-ulit lang ang sinasabi ko. Wala talaga ako sa mood ng ginawa ko `yan. Ayaw ko ngang magsulat, eh. Kaya masasabi ko talaga na hindi ako magaling na writer. xD

Anyway, ito na iyon. Talumpati ito tungkol sa edukasyon entitled: Susi para sa sariling tagumpay


“Edukasyon ay di mananakaw ninuman,  kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.”

Magandang hapon sa inyong lahat. Nandito ako sa inyong harapan upang magtalumpati ukol sa kahalagahan ng edukasyon. Sa labing walong taon kong pamumuhay sa mundo, labing apat doon ay madalas kong ginugugol sa pag-aaral ko kaya hindi na bago sa akin ang salitang edukasyon. Ang edukasyon ay ang pag-aaral sa isang kasanayan. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang mag-aral? Bakit nga ba mahalaga ang edukasyon?

Marami ang nagsasabing napakahalaga ng edukasyon. Ito daw ang daan para sa isang magandang kinabukasan. Ako mismo ay naniwala doon. Kapag tayo ay may sapat na kaalaman at nakapagtapos ng pag-aaral, marami tayong mararating.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap. Karamihan  sa atin ay pangarap na makapagtapos ng pag-aaral o di kaya ay magkaroon ng isang magandang buhay sa ating hinaharap. Sino nga ba naman ang pangarap na magtinda sa kanto ng yelo? Sumigaw ng balot, balot, balot tuwing gabi? Umupo sa daan upang mamalimos? Wala, `di ba? Ngunit kung hindi natin pagbubutihan ang pag-aaral, maaring mapunta tayo sa lagay na iyon.

Mahirap ang daan upang makakuha ng isang kumikinang na diploma. Isa ako sa maaring magpatunay sa mga iyan. Marami ang kailangang pagdaanan para makamit natin ang ating pangarap. Nandiyan ang nakakahilong proyekto at mga nakakadugo sa utak na eksamin. Ngunit palagi nating tandaan na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madaling paraan. Sa pag-aaral, kailangan natin ng dalawang bagay na nagpasikat kay Manny Villar: Sipag at Tiyaga.

Ang edukasyon ay isang bagay na hindi mananakaw ninuman. Ito ang ating magiging daan upang makamit natin ang ating mga pangarap. Kaya ikaw na nasa upuan at nakikinig sa aking harapan, huwag nang tatamad-tamad kung gusto mong magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Mag-aral ng mabuti dahil ang edukasyon ay ang susi para sa ating sariling tagumpay.

Azec Chase ♥

2 comments: