Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, May 31, 2014

Desire

Good... midnight! He-he. Halos kakatapos ko lang i-edit ang "desire" MS ko. I call it my desire MS dahil sa rated SPG na content nito at ang desire ko rin na makagawa nang ganitong klase ng manuscript. Akala ko talaga noong una, mahihirapan akong gawin ang MS na ito pero hindi naman. Keri lang. Natuwa pa nga ako sa mga "Ahmmm..." scenes kumpara sa mga mushy scenes. Hahaha. Kahit napapa-face palm ako, na-satisfy naman ako sa ginawa ko.

So far, ito pa lang ang masasabi kong "wild" novel na naggawa ko. And so far, they are my most loved characters. I love them both! Minsan lang ako ma-in love sa characters ko and mostly ay sa lalaki ako nai-in love palagi. But I love my heroine here, too! First time ko nga yata na magustuhan ang heroine ko. Yung hindi ako naiinis ba sa kanya. Hehe. And I am satisfied with what I have done...

Gusto ko sanang magkuwento tungkol sa book na ito. Pero ayaw ko munang ipagkalat masyado dahil baka maudlot. I have a good feeling with this book pero ayaw kong makampante. Hindi lang kasi siya isa. LOL. (Psst, o may clue na!) At wala pang feedback ung isa kaya natatakot ako na baka masayang lang ang effort ko. But anyway, kung sakali man, hindi ako papayag. I love the books. I feel satisfied with them. Ipaglalaban ko sila until the end! Hahaha!

Sample? Hmmm... `Wag muna. Yung nasa FB ko na lang na scene na pinost ko ang basahin niyo. May mga maseselan kasing eksena. Hehehe... Basta its about Greek, Mistress and Sex. Habang sinusulat ko ito, feeling ko, nagsusulat na rin ako para sa Harlequin Desire... in Tagalog Version nga lang. LOL

xx

Cady
(Uy nagpost na ulit ako!)