Anyway, ito ang teaser at cover photo ni Caspian.. Orange na naman siya! Oh yeah, suki ako ng orange, eh! Hahahaha... I like the picture. Ang ganda. Sana nga lang maganda din para sa iba...saka iyong content! Buwahaha.
LET ME STAY WITH YOU
By: Cady Lorenzana
"Hindi magawa ng puso ko na umibig sa iba tulad ng pag-ibig na inukol ko sa `yo."
Bata pa lamang si Marianne ay pangarap na niyang maging isang sikat na theater actress, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Pangarap niyang mahigitan ang tagumpay na naabot ng kanyang abuela na noon ay sikat sa larangan ng pag-arte.
Until she met Caspian Cameron Marasigan. Hindi niya pinlano na ma-in love sa edad na disiotso ngunit ginulo nito ang puso at isip niya. Palagi itong nasa tabi niya upang suportahan ang pangarap niya. Minahal siya nito kahit alam nitong wala sa isip niya ang salitang “pag-ibig.” Hanggang sa maramdaman na lang niyang nahuhulog na ang puso niya rito. Namomroblema siya dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pag-ibig at ang pangarap niya kahit na sinabi nitong kaya nitong manatili sa tabi niya sa kabila niyon.
Pero sa lahat ng mga ginawa at sinabi nito sa kanya, mas pinili pa rin niya ang pangarap niya kaysa rito.
Huli na nang matanto niyang nagkamali siya sa napiling desisyon…
FACTS AND TRIVIA'S PORTION:
x I got Caspian's name from a book na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos mabasa. And nope, its not Narnia. The Hollow by Jessica Verday. Ang kyowt lang ng name kaya in-adopt ko. Cameron is from the Fallen series by Lauren Kate. Favorite character ko kasi si Cam kahit kontrabida siya. Ang surname naman niya, well, I got from somewhere over the rainbow. Hindi ko na matandaan.
x Si Marianne naman, nakuha ko siya sa pangalan ng elementary classmate kong si Marianne Reyes. Bigla kasi siyang nag-pop out sa isip ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit. Iyong surname naman niya, nakuha ko sa computer teacher kong si Ms. Picardal din noon sa elementary. Naku-cute-an lang ako sa apelyido niya noon. Ngayon, tinatanong ko iyong sarili ko, parang hindi naman ganoon kaganda.
x Casey---well, un lang kasi ang naisip kong name ng girl na malapit sa name ni Caspian.
x About naman doon sa sakit na Casey, muntik na akong mabaliw doon nang ipa-revise siya sa akin na may mali daw sa una kong ginawa. So I thank you Kuya Jessie Alvarez(na ka-close ko dahil sa social site na friendster at ngayon naman ay sa twitter) dahil siya ang tumulong sa akin sa part na iyon. BTW, RN siya. :)
x Some characters there, Lorie, Gracel, Yasmin and Jessica---sila ang mga nakasama ko sa workshop. Jessica is Jessica Blair. Si RJ. Pero siyempre, iba ang ugali ni Jessica kay RJ.
x I just wrote it for a week, I think. Or less. Dito ko rin naggawa ang pinagmamalaki kong 10000 words na siyang pinakamadami kong naisulat sa isang araw.
x The plot, nakuha ko siya sa kuwento ng The Eyes of A king by Catherine Banner. Katulad ng sinabi ko nga sa first page.
x Umiyak ako sa part na namatay si Casey habang sinusulat ko... Iyong pinagtapat ni Marianne ang lahat ng sakit.
x Iyong scene na nasa rooftop sila Marianne and Caspian, dapat sa sementeryo talaga un. Pero dahil feeling ko, kagaya ng scene sa A walk to remember, binura ko.
x The love scene? Natatawa ako habang sinusulat ko un. Di ko ma-imagine masyado un kasi---Hahahaha
-anyways keribels, wala na akong maisip. Kaya byeee!
Azec Chase ♥
Congrats dito!!!! <3
ReplyDeleteI will get a copy <3