Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, March 1, 2012

Ang Huling Hantungan

Hi. Gusto ko lang sana i-share iyong kuwento na ginawa ko para sa Filipino Activity namin. It sounds creepy `no? Pero actually, drama ito. This is based from true to life experience.
.
.
.
MAINIT ngunit mahangin habang ako ay nakasakay sa isang sasakyan. Marami akong naririnig na iyak---hindi lang sa loob ng sasakyan kundi pati sa labas noon. Nakaupo ako, panaka-nakang tumitingin sa paligid habang pinapakiramdaman ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling iyon.

Wala na siya. Dapat ba akong matuwa dahil masaya na siya sa piling ng maykapal o dapat akong malungkot dahil hindi ko na siya makikita pang muli?


Tahimik akong humikbi. Hindi ko yata kayang matuwa. Siya ay isa sa mga pinakamamahal kong tao sa mundo. Mahal na mahal ko siya. Pero wala na siya.

Humawak sa isang kamay ko ang aking ina. Umiiyak siya habang palipat-lipat ang tingin sa nasa unahang sasakyan at sa akin.

"Anak..." sambit ng aking ina.

Sa halip na ako ay magsalita, niyakap ko siya. Sa kanya ako humugot ng lakas para kayanin ang sandaling iyon.

Pumikit ako nang yakapin din niya ako. Naramdaman ko ang paghaplos ng isang tao sa likod ng aking ina.

"Nandito na tayo," sambit ng isang tinig.

Matagal bago ako nagmulat. Sa pagmulat ko, nakita ko ang isang tolda at isang hukay. Maraming tao sa paligid. May mga nakaitim at nakaputi. May mga umiiyak at marami din ang nakatingin lamang habang ibinababa ang isang kabaong na nasa unahang sasakyan.

"Wala na talaga siya," umiiyak pa rin na sambit ng aking ina na ikinalakas ng aking luha. Wala na talaga ang aking ama. At ang lugar na iyon ay ang kanyang huling hantungan.

Azec Chase ♥

1 comment:

  1. msakit tlgang mwlan ng mhal s buhay lalo n kung biglaan ang pangyyari.at ang ms msakit p eh kung hndi mo mn lng nsabi o naipdma kung gaano mo cya kmhal

    ReplyDelete