Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, February 8, 2014

OJT Update...

Hello! I am back! Hehe! Have you notice? Minsan na lang ako magblog? At kung magpo-post man ako, maikli lang? Kung may nagbabasa man ng mga posts ko, napansin siguro! Ahehe! Anyway, I'm still busy with my OJT in Toyota Motor Philippines. I still have 200+ hours to beat before I finish and according to my counting, it will lasts until the last week of March.

My training is still doing fine. The past few weeks, I've been busy. They gave me a lot of works but I have also some absences! He-he! Well, may mga bagay talaga na kailangan namang bigyan ng pansin. And I am not complaining for the works. I actually love it when they give me work. It means that they trust me and also for experience. And last Tuesday, they gave me one wonderful experience! Haha!

I don't know if most people would classify it as a wonderful one but being out of the office was really a big thing for me. Sa totoo lang, medyo na-disappoint talaga ako noon na sa Accounting department ako napunta. I am targeting the Marketing one because I know I would expose to a lot of trips! Me-he-he! And well, mas gusto ko talaga yun kaysa sa major ko. But well, I have no choice but to love it. And good thing, they made me experience something that I dream of. (dream talaga? Hehe!)

Me being out of the office is a surprise. May ginagawa ako ng oras na yun pero hindi naman rush. Nasa isip-isip ko pa noon na babagalan ko yung ginagawa ko since yun na lang naman ang gagawin ko at malamang na mate-tengga na ako. It was 2 in the afternoon that time. Still many hours to go before our office hours end. Medyo excited pa ako dahil pupunta akong SM after dahil sale ng Precious Pages. Bigla akong inutusan ng Sir ko na kuhanin yung BIR form 2307 ng isang supplier. It was my job actually. Kaya lang sandali lang yun at ibaba mo lang naman yung form at ipapa-receive. I was looking for the other quarters of the company in the box where the form was in when suddenly, my trainer came to me. Sobrang panic yung mukha niya at sinabi sa akin na, "Pupunta kang BIR," Na-stun talaga ako sa kanya. Hindi niya ako inuutusan. Bihirang-bihira lang. Yung mga under niya lang ang madalas na nagtuturo sa akin. (Manager kasi yung trainer ko) I was like... "Po? Ok po," She was like... "Ngayon na!"

Nagulat talaga ako. Natatawa na nga ako na di malaman kasi panic na panic na talaga siya. Nag-panic tuloy ako sa pagkuha ng form sa box. Then sinabi niya sa akin na bitawan ko na daw yun at ibigay sa nagpapagawa! Hahaha! That time, itinakbo na nila yung special arrangement business trip ko sa GAD para papirmahan. Ni hindi ko pa naayos ang gamit ko, tapos na sila sa pagpapirma! And di na rin ako binigyan na patayin yung computer ko. Hahaha! Medyo OA di ba? pero ganyan talaga yung nangyari. Paano kasi ay 2pm na. At past 2pm na rin ako nakalabas ng Toyota dahil wala pa yung driver ko pagpunta ko sa lobby! Yun pala ay nainip na siya dahil wala pa raw ako eh ang tagal na daw niyang nandoon. Hehe!

And yes, I have a driver. And our car is Toyota Yaris. And I mean, that is Toyota's driver. And Toyota's car. Hehe! Medyo nanghinayang lang ako kasi gusto ko sana Camry. Charot! Hahaha! But nevertheless, feeling ko ang donya ko kasi may driver ako! Hahaha! O dba? And I am also lucky dahil sa company namin, di nag-o-OB na pinagbabiyahe lang. May sarili ka talagang car at driver. Hehe! Kaya lang, medyo nakakalungkot na alone ka lang di ba? Chika-chika tuloy kami ni driver. Kahit medyo naligaw kami kasi di pala niya alam kung saan ang BIR. Hehe! Di daw siya familiar.

Pagdating ko sa BIR, (na first time ko nakarating) tanong na lang ako nang tanong. Kaya lang, nakakaasar yung mga pinagtanungan ko. Aba niligaw ako! Sandali lang naman ako doon kasi nagpa-receive lang ako at nag-deliver ng document. Pero past 4 na ako nakaalis at sakto lang sa labasan ng Toyota ang aking pagdating kaya nagpahatid na ako sa Turbina. (na napaaga ako) Hehe!

May pagkamababaw pero happiest office day ever ko yun. Haha! It was a nice experience. And my classmates are feeling envy of me. Ako lang kasi ang nakalabas ng ganoon kalayo eh. And errr.. I also take pictures nga pala. Kaya lang ang papangit kasi ako lang talaga mag-isa. Nagpakuha pa nga ako sa guard para lang documentation. `Yung driver ko kasi ay nasa parking lang at sinabihan niya lang ako na i-text siya kapag tapos na ako at susunduin ulit niya ako sa lobby. Hehe!

Here are some of the pictures:









And just that... Ang pinakapost taalga nito ay about sa experience na ito. Hehe! And well, I'm not saying na dahil dito ay talagang magandang-maganda na ang OJT experience ko. There were times na malungkot ako. And well, may one time pa nga na umiyak ako. (But not in the office talaga, ha?) I was just so tired that time and I have known something that kinda disappoints me. Bakit kasi na-timing sa araw na yun? Ang nakakatawa pa... after that day, tinanong ako ng Sir ko. "Kailan ka last na umiyak?" Hindi ko masagot kasi kapag sinagot ko, feeling ko, mahahalata niya. Hahahaha! Kaasar talaga yung tanong na yun, eh. But well,  naiintindihan ko naman kung bakit. And it was actually for good. Nag-timing lang talaga siya sa pagod ko.

But what I should say is that, Toyota is a very good company. Noong una, nagdoubt pa ako sa company na ito dahil sa feedbacks but when days passed, I have seen how it became one of the biggest company in the Philippines. Number 10 in the whole world. And the number ONE automotive company in the whole world. It was a good training ground. I am proud I am having my training here :)

xx

Cady