Hooray! I'm here for some good news. Finally, the third book of my trilogy was already approved!
Remember one of my recent posts? Yep. Na-returned lang naman siya noong una. Saklap `di ba? I was in pain, too. For weeks, hindi ako makapagsulat nang maayos. Dinamdam ko talaga `yun kaya feeling ko, sobrang tagal kong inayos ang manuscript na `yun bago ko pinasa. Ahmm, more than a week---bakit? Naging two books rin kasi siya.
Okay---that goes my "everything happens for a reason" title in this post. Yes---I felt pain, I was hurt when my manuscript got returned. Pero siguro, iyon `yung daan ni God na bukod sa mag-improve ako, iyon rin ang daan ko para naman talagang mag-innovate ako. Hala, ano daw? Chos. Because na-returned ang manuscript ko, naggawa kong makapagsulat ng two-books manuscript.
It wasn't my plan though. Alam ko lang na hahaba `yung book but not on the two-books type na. I remember I went to the office na scared pa ako dahil nahihiya talaga ako sa reader ko. Nagkausap kami ng sandali and she told me na gawin ko raw two books kasi. Napakunot-noo lang ako noon. Sinabi ko pa na `di naman po siguro aabot ng ganoon. Baka mga 160 pages lang since meron na ganoon ngayon sa PHR.
Pero my writer friend---si Ate Karen, sinabihan niya ako na i-two books ko nga raw kasi wala naman daw ata dagdag na bayad kapag 160 pages. Kung may dagdag man, maliit lang daw `yun. Pero determinado ako noon na di ko talaga gagawin na two books yung libro. Masyado na akong pinahihirapan, tapos patatagalin ko pa? Hindi ako baliw. Pero nabaliw ako dahil naggising na lang ako isang araw at may naisip na paraan para pahabain pa siya lalo....
Then I did it. At approve na siya ngayon.
Actually, `di pa rin talaga ako makapaniwala. Marami akong idinagdag---malakas ang pakiramdam ko na sa dami, may na-miss pa rin ako. Sobrang komplikado ng plot na `yun dahil may mystery sa kuwento. May killer, may crime. Mayroon din pang-medical. May mga liblib na isla concept pa. Haay, saan ba kita napulot? Light lang ang comfort zone ko pero dumating ako sa ganitong punto. Chos. Kaya naman nang nag-text sila sa akin last Thursday, telling me na naipadala na daw sa email noong Monday pa yung result, sobrang kinabahan ako. Wala akong natatanggap. Sobrang tense rin ako noon. Kumakain pa naman ako ng almusal, `di na ako nakakain nang matino. Binuhay ko laptop ko kahit na ba nakita ko na pinadala na ulit sa email yung result. Nag-notif kasi sa phone ko. Ginawa ko iyon nagkaroon ako ng pamahiin na masamang tumingin ng feedback sa cellphone. LOL (Yes, sobrang mapamahiin ko sa pagsusulat, nagbuking na ako ng isa) Ganoon kasi `yung nangyari sa akin last time. Hahaha! So I thought...mangyayari muli.
Nanginginig-nginig pa ako dahil ang bagal ng laptop ko mag-sign in sa Yahoo. Tapos double send pa yung email. Ang isip ko pa rin pala noong una---either returned or revised lang `yun. Kasi naman, bakit kailangan pang i-email kung naggawa na rin naman akong i-text? Kung approved `yun, sana sinabi na sa text...
Kaya laking gulat ko na... WAPAK! Approved!!!
Pagkatapos ma-returned, ni-revise ko at na-approve agad! Sobrang nakaka.... Haay! One of the best days in my writing life talaga yun. Di ko kasi siya expected kasi sobrang nagduda talaga ako sa sarili ko simula nang ma-returned `yun. Na-down ako. Nawala `yung confidence ko. Hirap na hirap akong magsulat muli dahil palagi kong naiisip `yun. (Pero I'm back in normal na rin naman ngayon bago ko pa mareceive `yung feedback)
Kaya thank you Lord. Alam kong plinano niya ang lahat para matuto ako at mag-improve. Iyon ang reason niyo kung bakit ginawa niyo iyon dati sa akin. Suportado niyo po talaga ako `no? Alam niyo kasi na parang paghinga ko ang pagsusulat....hindi ako mabubuhay ng wala ito.
Sana lang maintindihan na rin nila yun soon....
xx
Cady