"This could be the end of everything..."
`Yan ang isa sa mga lyrics ng kanta kung saan ko kinuha ang title ng latest approved MS ko. Ay teka, may binago pala ako sa isang word. Basta, noong narinig ko siya, sabi ko, ito na lang siguro ang title... Not knowing na gagawin ko pala na sign ang MS na ito kung "it could be the end of everything" na nga ba sa tanging bagay, well not really "tangi" pero pinakanakakapagsaya na lamang sa akin ngayon---which is writing.
You see, nang mawala si Mommy, feeling ko ang laki ng nawala sa akin. I do have major rough times in this 2nd quarter of the year. Pinakamasamang panahon sa entire life ko. Bukod kasi sa nawala siya, na-engage yung dalawang major crush ko, nagkasakit rin ako. Hindi yata ako nawalan ng sakit for a month. Inuubo ako, nilalagnat, nanakit ang tenga ko (which is hula ko nagsimula lahat dahil sa lintek na pagpasok ng tubig sa tainga ko) at ang pinakamatindi, nawalan ako ng boses ng almost 1 week.
Dahil sa mga nangyari, I feel so lost. Feeling ko, hindi na rin ako pinapakinggan ni God. I don't know how to be happy anymore. Then you see, nagkaproblema pa ako sa career ko rin in the 2nd quarter nga. I got a basher (not really pero ganoon yung feeling ko doon) then nagkaroon ako ng returned MS. I really feel so down. Kakagaling ko lamang noon mula sa pagkawala ko ng boses then problema na naman. I lose hope. Sai ko sa sarili ko, baka kaya ganito dahil mali na ako ng pinupuntahan. Baka kaya kinuha na sa akin si Mommy ay dahil kailangan ko ng umalis sa bagay na minamahal ko. Kailangan ko na ng new life.
Then there's this MS nga. Ang MS na ito ay ang pinakaunang MS na sinulat ko after mawala ni Mommy. Sabi ko sa sarili ko, ito ang kukuhanin ko na sign. Sa isip-isip ko kasi, baka mamaya sa pagkawala niya, I lost the magic in me (charot). Hindi na ako makakapagsulat muli. Feeling ko kasi talaga minsan, wala ng saysay ang buhay ko. Wala na akong kuwenta. Dumating na nga ako sa punto na tinatanong ko ang sarili ko na ano ba ang purpose ko sa buhay? sa mundo? So this MS is my last straw.
Kapag approved, tuloy ang pagsusulat. Kapag revised, mag-iisip-isip pa rin. Kapag returned, bahala na! maghahanap na talaga ako ng trabaho. --- Yan ang mga signs ko sa MS na ito. And fortunately, it is approved!
Todo dasal pa ako nang makita ko ang email. Hindi ko siya binuksan sa phone though nag-notify na talaga. Inantay ko na magbukas laptop ko at makapag-imis ako ng kinainan ko. Nagdasal pa ako bago ko i-open yung email...asking Lord na ibigay niyo na po sa akin ito. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko pa rin kayang iwan ang pagsusulat. Not now na nag-aaral pa ulit ako. Hindi ko alam kung kaya kong pagsabayin.
So Lord, thank you so much for answering my prayer. Totoo nga yung God wants to know ko kahapon. ASK FOR HELP. I did ask for help this time and you answer me in a positive way. Thank you so much!!! Thank you for telling me that this is not yet the end of everything... :)
xx
Cady