Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Sunday, January 17, 2016

Writing Plans for 2016

As I said to my last post, 2016 would be a life changing year for me. Plan ko na kasing magwork na full time...maging teacher perhaps? Dahil this March ay matatapos ko na ang education units ko. And I know, magiging madalang na ang maisusulat ko kapag nagwork na ako. So maybe, hindi muna ako magstart ng mga bagong projects this year. But...who knows? :D

Pero may mga writing plans pa rin ako. Haha! Sana lang talaga maggawa ko sila.

Series:

The Last Will Series Book 4 and 5

My Third single series for PHR. Hmmm... last year ko pa talaga gusto tapusin ito, eh. Pero tinamad ako! Haha! But anyway, book 4 and 5 na lang naman. Feeling ko, matatapos ko rin siya for the first quarter of the year. Balak ko na simulan ang book 4 this month.

The Present (collaboration series)

Wala pa akong plot! Haha! Buti na lang, di pa sila nagsisimula. :P

BSU Files (collaboration series)

This is from our collaboration trilogy, An Online Romance. Hindi ko lang sure kung masisimulan talaga namin ito ngayong taon.

To Infinitea and Beyond Series

Seryoso, hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang series na ito! Haha! Pero gusto ko na siyang matapos.

Independent Novels


More Than A Fairy Tale

Alladin and Rapunzel stories. Ali was said on my More Than A Fairy Tale: Part of your World book. Si Rapunzel naman ay ang nawawalang kapatid ni Ali. :P

The Unwanted Bride

This is a story dedicated for a dear reader. Sequel ito ng sa ngayon ay for evaluation MS ko na The Unsuitable Bride.

Precious Blooms book

Sana, palarin. hehe! Kasi wala na akong young feels, guys!


A not so sure series...but i am thinking about lately. Wedlocked series --- a mini series about wed couple....and their struggles. I'm a sucker of these stories!

Okay, Lord, wish ko po na maggawa ko nga sila. Hehehe..

xx

Cady

Another Dream Come True!

2015 had been the hardest year for me. My mom died, my dog died, my biggest crushes have been married and engaged! (yeah, this sucks too! haha) I've got sick for a lot of days, back pains, I've open doors with someone (it's hard for me because it seems like I betrayed my mom for that) nasira ko ang kotse, umako ng maraming responsibilidad and one of also the hardest, I've discovered I was betrayed by my most trusted friend. Kaya napansin niyo ba? I didn't do a year-end special blog post na anually ko ginagawa. Hindi ko kaya. Hindi ko na gustong balikan ang tungkol sa nangyari sa 2015 ko. Lahat lang ng naalala ko ay sakit.

So, I said to myself, I am still lucky. I survived it, though may mga times talaga na gustong-gusto ko ng sumuko. There are voices inside my head that saying I won't make it. I'm deeply sad, depressed. I'm in deep shit. Minsan nga, feeling ko baliw na ako dahil umiiyak na lang ako basta. Napaka-sensitive ko rin sa napakaraming bagay. I'm so not myself and because of that, I know I am not going to hit my goal.

When my mom is still alive, I asked her to give me year 2015. `Wag niya muna akong i-pressure na magtrabaho. May gusto kasi akong tuparin na pangarap at iyon nga ay ang maging prolific writer. Na-feel ko kasi nung 2014 na kaya ko pala. Hindi ko lang naggawa nung 2014 kasi almost half of that year is nag-aaral pa rin ako. Pinagtawanan lang niya ako when I said I want to be one. Hindi ko raw kaya. You see, I love my mom but there's just something in her na palagi akong dina-down. She doesn't support me the way others support me. Minsan nga, tuwang-tuwa ako na binalita na may approved manuscript ako, ang sagot niya sa akin ay "Wala na sigurong nagpapasa ng MS sa PHR kaya in-approve ang manuscript mo," that should be a joke pero dinibdib ko yun. Kasi di ba, Mommy ko siya. Dapat natutuwa siya, hindi yung ganoon ang mga sinasabi niya. My brother doesn't want me also to pursue the job. Pero gusto ko silang bigyan ng reason para masabi na kaya ko rin naman na mabuhay rito.

Pero `yun na nga, 2015 is a hard year for me. Hindi na ako umasa dahil sa mga naging struggles ko ngayong taon. And I even got a three returned manuscripts! Akala ko magaling na ako pero na-reject-an pa ako. HAHAHA! Ang kapal ko ba? Pero sa totoo lang, malakas na kasi ang confidence ko since madalas diretso approved na MS ko. Pero shit lang talaga... hahaha! Kaya isa rin yan sa mga nagpasira sa taon ko at nawalan na rin ako ng pag-asa na ma-hit ko ang goal.

January 12, I prayed na sana ibalik naman ang top 10 sa most prolific. Sabi ko, ma-recognize lang, masaya na ako. So noong sinabi na ang announcement na may top 10, sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Noong tinawag si Ate Andie, sabi ko sa sarili ko, shit kasama ako!!!! Hahaha! Alam ko kasi na mas mataas ang naproduce kong MS kaysa sa kanya. Then yun nga, masaya na ako na kasama na ako sa top 10. Medyo huli pa ako na tinawag, nakikipag-congrats at nagsisimula na rin na magtanungan kung ilan ga ang naggawa na MS noong taon kaya medyo wala sa announcement ang isip ko. Isa pa, alam ko naman na si Luna na yung makakuha sa puwesto na inaasam ko (2nd runner up, DREAM KO NA YUN) Tanggap ko na `yun. Masaya na nga kasi ako na kasama sa top 10. Then nung in-announce yung number ng MS na naggawa nung 2nd runner, I was like, shit, puwede yata na ako yun, ah! Then `di pa medyo nagsisink in sa akin na... WAAH, ako nga! Haha!

Sa totoo lang, medyo nahirapan talaga ako na i-sink in sa utak ko na nakuha ko yung pinapangarap ko na position. Hindi ko na nga kasi inaasahan eh. Consistent ang top 1 at top 2 so ang pinag-aagawan na lang talaga ay yung pang-top 3. But God gave me a miracle, nakuha ko ang inaasam ko na posisyon.





My heart is so shock when I received the plaque and the flowers. Sa totoo lang, mukha talaga akong pera pero wala...wala sa isip ko noon `yung cash na napanalunan. Kung hindi pa ako tinanong pagkaupo ko kung magkano raw, hindi pa magsisink-in sa utak ko na may cash award nga pala iyon. Haha! I'm just so happy and contented about the plaque...and the flowers. Haha! It was my first time to receive that kind of beautiful flowers. Sabi ko pa nga nung nahawakan ko, "Paano po ba hawakan ang flowers?" Haha. I'm just so overwhelmed. Pangarap ko lang dati na magkaroon ng isang published book and I produce more than I've dream for. Na-recognize pa ako ng top romance publishing house in the Philippines.

Haay, I know it's been almost a week since the incident happened but still, naroroon pa rin ang feeling ng happiness. Ang hirap maka-moved on! He-he! Isa pa pala, last year, naalala ko pa nung Christmas party, sa isip ko ay nangarap na ako noon na gusto ko maging prolific. Pero kung mapapanalunan ko man `yung cash award, ipanglilibre ko lang yun sa lahat. Haha! Eh, wala, eh. Wala yung mga BFF ko in writing sa event. Haha! At saka nagastos ko yung pangbayad ko for participation fee and well, gogora rin kami ng friends ko sa Clark sa Valentines. So doon lang napunta yung award ko. Haha! And some, treat to the family. :D

But anyway, 2016 should be my life changing year for me...so siguro, hindi ko na i-aim na maging prolific writer ulit. Siguro kahit sa top 10 na lang. Hehe! Eh kasi, balak ko na magwork this year. I think its time na since I'm done with the dream and I'm done with my teaching proficiency certificate. Pero...wag naman sana akong manghina sa sweldo ng teacher kaysa sa sweldo ng writer. Pero...what I love about my award is that mukhang napabago ko ang isip ni Kuya at ng family ko. Magsulat na lang daw ako! Hahaha! OMG, that's what I want to hear from them... but maybe, I'll try to have some experience so....I am going to think. Sabi naman nila, kung gusto ko, wag daw muna. Magboard na lang daw muna ako. Hmmm... I think its a good plan though. Parang hindi ko pa rin kasi yata kayang bitawan ang pagsusulat.


xx

Cady