Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Wednesday, February 17, 2016

What if...



This February, I've saw this photo from a random page. I know, hindi ako dapat nagpapaniwala sa ganito. It was just a random photo. For sure, hinulaan lang ito ng kung sino. But what if... what if, it's a sign for me that I did a wrong decision? Regrets alert!

I'm a January Baby. I was born on January 5, 1994. And nakita mo na? Makikita ko raw ang forever ko sa simbahan! Ha-ha! I'm not a so religious person. Hindi ako nagbabasa ng bible. Pero I make sure na nakakapagsimba ako if possible every Sunday. I feel comfortable when I am in church. Feeling ko kasi, ang lapit ko kay Lord. It made me feel lighter.

So yeah, let's start why I want to post this stuff. Actually, hindi ko na gustong ikuwento, i-blog o i-status man lang ang nangyari sa akin na ito. Ayokong isipin ng mga tao na ang yabang ko naman. Char! But when I saw that photo, bumalik ang feels. And shit! Feeling ko, ang tanga ko lang. Hayaan ko na nga rin. Blog ko naman ito.

So okay, ito na! Ha-ha! Last November, nag-reunion kami ng mga HS classmates ko sa as usual, resort ng classmate ko nung HS. So yung resort, katabi lang ng bahay nila. Bagong gawa `yung bahay nila so she made the chance of showing their house to us. May rooftop `yung bahay so hindi rin naman namin pinalagpas ang chance na tumingin roon. There, I saw a shooting star! I made a wish, of course. Naniniwala kasi ako sa pamahiin na kapag nakakita ka rw ng shooting star, puwede ka mag-wish. Nagkatotoo kasi `yung wish ko sa shooting star dati. Ha-ha! So dahil wala na si Mommy, which is my everytime wish na gumaling na siya, I made a self wish: LOVELIFE.

The next day came. Maaga ako umuwi kasi sabi ni Kuya, gagamitin raw niya ang car na dinala ko sa reunion. Natulog ako. Pagkagising ko, nagchat classmates ko (na magkakasama pa rin) na tara daw sa Starbucks. I'm feeling a rich kid. Ayoko na mag-commute! Isa pa, I heard na gusto pumunta ng classmate ko at jowa niya sa Padre Pio. Gusto ko rin pumunta roon para magsimba. Lalabas na rin naman ako, bakit hindi ko pa sulitin `di ba? So I texted my brother to come home and give me the car. Pinilit ko siya. Pumayag siya to the expense of driving him to the subdivision he will go to. Worst situation came, I bumped the car sa gutter ng subdivision. Hindi ko na na-meet ulit classmates ko. Nasira ko unahan ng kotse with oil leak. Asaaar!

It was painful for me, you know. Nahihiya talaga ako sa nangyari. But I still went to church. Yung simbahan na nga lang na malapit sa amin. Aba, kailangan ko rin na magpasalamat na ganoon lang nangyari sa amin ng Kuya ko. Sobrang gulo ng utak ko noon. May insurance naman `yung car namin pero iyon ang first time na gagamitin namin yun kaya hindi ko alam ang process. I contacted my ex-boyfriend pa para tulungan ako. He knows a lot about car. Minsan ko rin na nakita na dinala `yung kotse ng Ate niya sa  CASA so I thought, alam niya process. I did that before the mass started.

So `yun na nga, nasa simbahan ako. There was this guy na sinundan ko sa pag-upo. Katabi ko siya all through out the mass. And I don't care actually. Hindi ako ganoong tao! Ha-ha! I care about my seatmates, lalo na kapag lalaki. I'm a romance writer, and sometimes, I tend to look for romance. Kahit seatmate ko sa bus. Ha-ha! Pero sobrang occupied lang talaga ng utak ko. Ni hindi ako tumitingin sa seatmate ko na iyon. Sa peace be with you ko lang siya actually tinignan. And that was just one second. Wala talaga.

But...but! When the mass ended and I was in a hurry to go home, sinundan ako ni seatmate. Miss, wait!" sabi niya. Sinabayan niya ako sa paglalakad at inilabas niya ang cell phone niya. Tumingin naman ako sa kanya pero `yung tipong, "anong gusto mo?" Pero tingin lang `yun na nakakunot noo. Nag-stutter pa siya when he said, "puwede bang hingiin ang number mo?"

If you are in my situation, anong gagawin mo? Ha-ha! Tanga ba ako na tinignan lang siya tapos nagmamadali na naglakad palabas ng simbahan? Ha-ha! But damn, he was a total stranger! At kahit nag-wish ako ng lovelife ay...err...well, sabihin niyo sa kin kung tama ba ang ginawa ko? Ha-ha! Kasi nga, stranger siya. And my mind is so occupied. And there was my ex-bf which is I am thinking, paano kung siya na `yung hiningi ko sa wishing star? Dahil nagkaroon kami ng reason to contact each other again. Pero alam ko na ngayon na hindi si ex-bf. Hindi ko na talaga siya gustong balikan. Ha-ha!

Oh well.. well... Sinubukan ko na magsimba muli sa simbahan na yun. Three times na yata. Pero hindi ko na muli nakita si guy. Forever alone na ba ako, ganoon?

What if kaya ko nasira ang kotse ay para hindi ako makapagsimba sa Padre Pio at magkita kami? What if totoo ang post na ito? What if pinalagpas ko ang chance ko para sa forever?

xx

Cady