I am determined to be a teacher this year. Maraming reasons...gusto niyo bang malaman? He-he. Fine, I'll enumerate some.
1. I've done with my certificate of teaching proficiency course. Gusto kong matupad na `yung expectation sa akin ng mga tao.
2. I'd like to fulfill my dream to be a teacher...
3. I reached my goal as a writer. The prolific award is my sign to leave it (?)
4. I want a real job.
5. I want to grow up.
6. I want to inspire more people. Chos.
Actually, marami pang dahilan...personal reasons actually. But yeah, I might leave writing soon. At iyon nga ang dahilan ng post na ito. The sign...
So last Feb (I'm not so sure) nang magsimula ako na magpasa ng resume sa mga schools. Bale, 2 school lang sana ang trip ko na pagpasahan. Pero itong classmate ko na kasama ko, niyaya rin ako sa alma matter ko. Try lang naman so nagpasa rin ako...and err, ako na hindi ko naman sana bet na magturo sa alma matter ko pero ako ang siyang tinawagan sa halip na `yung classmate ko.
Okay naman. Initial interview na akalain mo nga naman ay nakapasa ako eh naka-T shirt lang ako nun! LOL. Akala ko kasi exam lang. Then tinawagan ako for demo teaching...nag-enjoy naman ako pero siyempre, I can't perfect it. It was my first time then! Pero grabeng paghahanda rin ang ginawa ko nun. The purpose is wag rin na mapahiya. I know my panel would be my former teachers. And they are nga. Nakakatuwa lang na `yung section kung saan ako nag-demo ay section ko rin noong fourth year ako.
I was happy that they invited me for final interview! So that just means that I've passed the demo teaching. `Kalain mo nga naman. Nagbunga ang paghihirap ko....
But another opportunity came....I was invited by my classmate and professor to do demo teaching and interview in public. Biglaan lang iyon. Saturday afternoon nang mangyari ang pangungulit. Monday na ang Demo at Interview. Walang problema sa Demo dahil `yun na rin naman na master Demo ko ang gagawin ko... (Though `di ko masasabi na natuwa ako sa demo ko. Medyo naasar ako sa students Grrr) but the interview. shet, feeling ko ginisa ako! Ayoko ng dumaan sa process na `yun so I wish na sana matanggap rin ako. Ha-ha! Alam ko naman kasi na hindi man sa ngayon pero sa hinaharap ay sa public rin ako babagsak. It's also a dream to serve the government. LOL. Plus the salary....and also the students in Public. Noong demo ko pa lang, nakaramdam na ako ng awa sa kanila. Sabi ko, kailangan nila ng magaling na teacher. Kailangan nila ako... (Shet napakabayani ng statement)
Pero `yun nga, torn ako sa kung ano ang dapat kong tanggapin. Bukas na ang final interview ko sa La Consolacion. Eh dba kapag final interview, madalas ay job offer na? So what if...ibigay na nila `yung job sa akin? Paano kung may chance pala ako sa public? Eh hindi pa alam ang date kung kailan ang ranking sa public.
So ito na nga iyong SIGN... Haha (Ang tagal ng before kuwento ano?) I said to myself na paghihintayin ko ang private kapag may dalawang approved MS ako bago mag-Wednesday. Pero nung Sabado, alam ko na nakuha ko na `yung sign na hinihingi ko. Paano, napa-revise `yung isa kong inaasahan na MS. Iyong isa, na-approved nung Monday...Pero ang nakakaloka....May unexpected ako na na-approve MS this Tuesday!!! So yeah, may dalawa akong approved MS...
Nabuo na `yung loob ko na papatusin ko na `yung private kapag nag-job offer eh. Pero nangyari `yung sign na hinihingi ko... Kaya Lord, ano po ba? If it's your will.. Lord, i-guide niyo ako sa nararapat. Nalito po ako bigla. Haay!
xx
Cady Lorenzana