I liked it because it reminds me of my first love. Kahit hindi kami happy ending, naging masaya naman ako doon sa times na nakasama ko siya. May nabasa nga ako sa isang quote na, "Never regret something that once made you smile" kaya naman hindi ko ni-regret na minahal ko siya at kahit sinaktan niya ako.
Like Jayden--the hero in the story--magaling din siya sa sports. Sport superstar kumbaga. But not soccer although may nagsabi sa akin na magaling daw siya doon. Nakasama pa yata siya doon sa regional something ng laro na iyon. Pero ang alam ko talaga kasi palagi ko siyang nakikita na naglalaro noon, magaling siyang magbasketball.
Grade 6 nang una ko yata siyang makita. May hawak siyang bola ng basketball at kahit hindi ko siya kilala and I know, hindi rin niya ako kilala at napansin, parang na-attract na ako sa kanya. Taga-doon siya sa mga lola ko at dahil hindi naman ako nakatira sa mga Lola ko, minsan ko lang siya makita.
Until one summer...
Sa mga baranggay, uso iyong mga liga. Iyong mga naglalaro ng basketball tuwing bakasyon. At doon ko siya nakita muli at mas lumalim ang pagka-crush ko sa kanya. Why? Ang galing niya kasing mag-basketball at para sa akin, ang guwapo niya. Matagal bago ko siya naging crush at alam ko, matagal bago din niya ako napansin.
2nd year HS.
Ito iyong time na naranasan kong magka-BF. And guess what kung sino ang first? SIYA. (Feeling ko, ang landi ko tuloy, ang bata ko pa kasi noon! Hahaha) Pero dahil ang crush ay naging love di kalaunan, hindi ko mapigilan even if I don't think na serious siya sa akin. May reputasyon kasi siya bilang pagka-playboy.
Hindi rin naman kami nagtagal. Pero kahit ganoon, sariwa pa rin sa isip ko ang lahat. Naalala ko, nag-wish ako dati sa isang shooting star--na first time kong makakita--na sana magka-moment kami. That day, nakausap ko nga siya! Kaya talagang naniwala ako sa pag-wish sa isang shooting star. xD Sa simbahan kami nagka-usap. At kahit parang wala naman kaming pinag-usapan, kinilig pa din ako. Siyempre, super crush ko siya, eh. Then iyon...hindi nagtagal, naging kami... (landi ko)
At hindi rin naman nagtagal ay nasira din ang KAMI. Hahaha. Anyway, past na iyon. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko iyong nangyari dahil sa kanya ko naranasan ang unang mahawakan ng kamay ng lalaki at makasama siyang maglakad na parang kami lang sa paligid. I was so proud of him that time pa kasi noong mga panahon na kami, nakakuha siya ng 3 awards... Kasama na doon ang MVP. Pero sinira ng isang malandi ang pantasya ko. Kaya huwag na kayong magtataka kung bakit palaging 3rd party ang conflict ko sa mga story ko. Ehehehe. May pinaghugutan `yon, LOL!
Ayaw ko ng magsalita.... Naalala ko lang siya. And somehow nami-miss siya... :(
Azec Chase ♥