And yes, I had love a playboy. I had or errr. I'm still loving? I don't know. Its been years pero... Haay.
Kung mapapansin niyo, palagi na lang playboy ang madalas kong hero sa novels ko. Like Rodney, Derrick and uhmmm... iyong upcoming na si Guji. (Playboy rin siya, oh wells.) Ewan ko but I love having playboy as a hero. Kasi `di ba, parang ang sarap ng pakiramdam na tumino sa isang girl ang isang playboy? And yeah, gusto ko rin mangyari sa buhay ko na mahalin rin ako ng isang playboy. Na magtitino siya para sa akin. Na mamahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Pero hanggang pangarap na lang yata ako. *sobs* chooos. It's been years. 2nd year highschool pa ako `nun. Ngayon, 3rd year college na ako pero ewan ko. Feeling ko, di pa rin ako nakakapag-move-on. Minsan parang okay lang. Pero may mga times talaga na hinahanap ko pa rin siya. Like kapag uuwi ako sa mga Lola ko. I silently wish na sana ay makasabay ko siya sa tricycle o di kaya ay makita ko man lang siya sa daan. Palagi ko ring tinitignan ang facebook niya kahit alam kong nag-deactivate na siya ng account. Tinitignan ko kung active na muli iyon kahit alam kong wala rin naman akong mapapala doon dahil may girlfriend na siya.
He is my first boyfriend at siya rin ang greatest crush ko. He's like my dream guy. He's popular, MVP and smart. Cute rin siya. Iyon nga lang, malaro talaga siya sa babae. *Enough na nga*
Kaya naman kung minsan, naiirita na kayo sa playboy kong hero, sorry ha? Minsan talaga, umaasa pa rin ako na ang isang playboy na kagaya niya ay magtitino rin katulad ng mga nangyayari sa pocketbook. Iyon nga lang, mahirap talagang umasa.
Azec Chase ♥
No comments:
Post a Comment