Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, November 23, 2013

The Playboy Millionaires Trilogy

Note: Ang trilogy na ito ay bunga ng pagpapahirap sa akin ng Accounting. Hahahaha!

The Playboy Millionaires Trilogy Book 1: In Love With Cash
By Cady Lorenzana



“You gave me a surprise feeling. And that is love.”

Kakikilala pa lang ni Charity kay Cash ay sinabi agad niya rito na pera ang problema niya. Tinulungan naman siya ni Cash. Ang kapalit niyon ay magpapakasal sila para makuha na ni Cash ang nais nito mula sa tiyahin nito. It was a marriage of convenience and she was okay with it because she had no plans of getting married in the future with the purpose of love. Isa pa, hindi naman sila nagsasama at malayo sila sa mga mata ng tiyahin nito kaya feeling dalaga at binata pa rin sila. Sa papel lang talaga sila kasal.

Hanggang sa dumating si Angelo sa buhay ni Charity. She fell in love with him and after months of being together, he finally asked her to marry him. Kinain niya ang lahat ng sinabi niya na hindi siya iibig at magpapakasal dahil sa pag-ibig.

Gustong-gusto ni Charity na umoo sa proposal ni Angelo pero kasal siya kay Cash. At dahil nagbago na ang ihip ng hangin sa buhay niya, nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa asawa niya. Pero ayaw pumayag ni Cash unless magpapanggap uli siya na asawa nito sa harap ng ama ng babaeng nais pumikot dito. For the last time, pumayag siya para tuluyan nang makawala rito. What she didn’t know, it was the start of something more than their “business transaction” years ago.

The Playboy Millionaires Trilogy 2: Playing With Stock
By: Cady Lorenzana

“I know you’re not perfect. You’re not the best and you might not be better than anyone. But you’re special, because you’re the only one who can make this playboy’s heart beat a million wonderful times.”

Kilalang player si Karen at ang pastime niya ay ang magpaluha ng mga lalaki, lalo na iyong mga kasama sa mga tinaguriang “Playboy Millionaires.” May ulterior motive siya sa ginagawa niya. She wanted revenge.

Nang makilala niya si Stock nang minsang iligtas siya nito sa kapahamakan dahil sa kalokohan niya, naisip niya na ito ang pinakamagandang paglaruan dahil talagang ubod ng palikero ito. Kumakagat na ito sa kanya at nahuhumaling na sa charms niya. Sapat na iyon para saktan na niya ito. Pero nag-backfire ang lahat ng plano niya.

Paano ba niya paglalaruan ang isang tulad nito na walang ibang ginawa kundi alagaan at protektahan siya… at higit sa lahat, tanggapin at mahalin ang buong pagkatao niya?


The Playboy Millionaires Trilogy 3: Precious Moments With Price
By: Cady Lorenzana

“I may love someone before but the feeling that you gave me is more intense than that. Hindi mo siya pinalitan sa puso ko dahil mas malaki ang naging puwesto mo.”

Precious was a girl full of negative thoughts while Price was the total opposite. Dahil sa mga naranasan ni Precious sa pamilya niya pati na rin sa lalaking akala niya ay minahal siya, para sa kanya ay wala na siyang dahilan pa para mabuhay. Pero nang oras na iyon ay umeksena si Price. Binigyan siya nito nang pagkakataon para iayos niya ang lahat ng mali sa buhay niya. Hindi siya natuwa roon, bagkus ay inaway-away pa niya ito.

Pero sa kung anong kadahilanan ay tinulungan pa rin siya nang hudyo. He made her see why life is beautiful. He let her see that despite all her problems, there are still a lot of reasons why she should love her life.

Napaka-generous nito. Ito na yata ang pinakamabait na lalaking nakilala niya. Hindi lang kasi panibagong buhay ang ibinigay nito sa kanya. Ibinigay rin nito ang puso nito na hindi rin niya natanggihan dahil nahulog na rin siya rito.

Pero may limitasyon pala ang pantasya niya―dahil nang kinailangan si Price ng unang pag-ibig nito, hayun at mabilis pa sa alas-kuwatrong nawala ito sa kanya.

x Facts And Trivias Portion (over all)

x Cash, Stock, Price, Bill and Petty came from accounting or business terms (Di naman siguro halata, hehe!) Major ko kasi ang accounting kaya ayon.. yan kinalabasan. Dahil rin sa lintik na madugo kong exam sa Financial Accounting 2 (Semi finals, oo, tandang-tanda ko pa yun!) nag-day dream na lang ako. Ayon, 19/50 lang ako sa exams.

x "Bill" talaga dapat ang pangalan ni Price. Topic kasi namin yung mga T-Bills sa FA din noon. Eh sabi ko... parang ang pangit naman. (Napunta tuloy sa tatay! He-he!) Then ayon, habang nagdi-discuss yung professor ko sa Finance tungkol sa fieldtrip namin... nabanggit niya yung "Price". Iyon ang origin ng name niya.

x Puro extra sa nobelang ito mga name ng ex-boyfriend ko. Hahahaha! Kung sino sila? Hmmmmm... Secret. Ahaha!

x Yung epilogue sa kuwento ni Price na about sa Daddy niya... dapat hanging yun. Di ko talaga dapat sasabihin kung sino ang love of his life niya.

x Actually mayroon rin hidden meaning ang name ng mga heroine rito. Ay wala pala si Precious. Hahaha! Charity came from well, yung pinagdo-donate-an ng pera! (Kailangan talaga tungkol sa pera! Hahaha.) Saka yung Karen... kaya "Sy" ginamit ko na apelyido doon dahil... Karen Sy, katunog ng "currency". Okay, alam ko, corny! Bye! Ahahah!

x Ayan, to be continued na lang ito. XD

No comments:

Post a Comment