Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Tuesday, December 30, 2014

2014 Highlights

Simula nang gawin ko ang blog na ito, I always make sure na mayroon akong blog post before the year ends. Madalas pag-reminisce ng mga nangyari the whole year o `di kaya ay ang mga plano ko for next year. Palagi ako by months nag-re-reminisce pero dahil tinatamad na ako mag-reminisce by months... gawin na lang nating facebook. Wala ng all stories---just highlights!

Birthday
(January 5, 2014)
I don't think there's something special in here....bukod sa tumanda lang ako. LOL. Kidding! What I did on the start of my 20th year of existence? Dahil Sunday... I made sure I went to church. Then kaunting luto-luto at nagpunta kami sa Alabang to visit my Dad's cemetery with family. Went to visit Dad's family side, too. At kumain sa Tokyo-Tokyo (my fave restaurant). Nothing special right? Haha! But I include this on the highlights since its my birthday! :P



 Balai Isabel Brainstorming
(January 24 - 25, 2014)
 My 2nd brainstorming na in-attend-an ko sa PHR. Nakakulta ng utak `yung sa Bataan but this one, mas lalong nakulta ang utak ko. It seems like a bad memory, Muntik na akong sumuko. Charot. Na-pressure ako nang husto dito kaya ayaw ko na sana mag-details pa. But it was fun though....because after months, I met my writer friends again.


Mom's Almost A Week Hospital Confinement
(January 25 - 30, 2014)
Bad memory again. But highlights nga ito, okay? Bad and good, I still include. I have to leave the brainstorming early cause of this news. It was a very bad day for me. Na-confine si Mommy just because sa ingrown nail. WTF right? But this made me nervous a lot, too. Dito ako na-broke nang husto dahil sa laki ng bill na binayaran namin sa hospital.

OB Trip to BIR and PHR anniversary Sale
(February 4, 2014)
Good memory! First time ko lumabas sa office sa aking OJT at first time ko rin sa BIR. For more details, please visit my blogpost OJT Update

End of OJT in Toyota Motor Philippines
(March 22, 2014)
Completed my 670 hours of training in Toyota Motor Philippines. It was bitter sweet. Masaya ako na natapos ko siya at siyempre, mami-miss ko rin ang mga tao sa paligid ko. My superiors. They were really very nice to me at nakakatuwa lang na hanggang ngayon, kinakausap pa rin nila ako. And yay! They even gave me gifts that I didn't expect to have. All my service was worth it. Chos!

Signed Feasibility Papers
(April 22, 2014)

And we are done...on the hardest book ever! Halos magsisigaw yata ako noon nang matapos na namin papirmahan ang FS papers namin. We have a lot of troubled encounter in making this one. Ang matapos ang FS ay isang malaking achievement na sa akin/amin. :P








College Graduation
(April 24, 2014)






MY. MOST. AWAITED. DAY.
After so many years of studying, I finally walked in the stage to get my last diploma. May degree na rin ako sa wakas. Hindi ko pa rin makalimutan ang napakasayang feeling ng sa wakas ay makuha ko na ang diploma ko (kahit ang pangit ko sa aking grad pic, I mean---the eyes only) at lalong-lalo na ang itapon ko ang cap. Pakiramdam ko, nanalo ako ng lotto. Nakakaiyak---masaya na malungkot. Masaya dahil natapos ko na rin ang college at nakakalungkot dahil hindi na ako estudyante. Mahal na pamasahe sa jeep at bus. Nyek. Haha!

Contract Signing
(June 21, 2014)
One of my dreams is to be an exclusive writer of PHR. I made it.

Once A Princess Premiere
(August 6, 2014)




Star studded! First PHR book to turned into a movie. Invited ang mga writers at nasa premiere pa kami. With the artist. Isinama ko si Mommy dahil may libre tickets. Alam ko, nag-enjoy nang husto ang Mommy. Hindi inubo, eh. Nag-enjoy rin naman ako. Lalo na sa pakiramdam na katabi mo lang ang mga artista! Yay! I got to meet a lot of Filipino actors and actresses. And most especially, Miss Gretchen Barretto. I am really stunned to see her in person. Mangiyak-ngiyak ako noon kasi gustong-gusto ko siya. Stalker kasi ako sa IG :P And got to see one of my Filipino actor crush, JC de Vera. Di lang nakapagpa-picture. Sayang :P

CSC Passer
For more details: CSC Passer

Christmas
(December 25, 2014 and onwards)



Time to give back because I have so many blessings this year. Gift giving. Lahat yata ng family ko, binigyan ko ng gift. Went to Church, too. Na-complete ko rin pala ang Simbang Gabi. Together with my Mom. Great day!

I also have a year end/christmas party with my college friends. What to expect? Always a blast when I am with them! xx



---
Indeed, 2014 is a great year for me. Puwede ko siya na mai-categorize na best year so far for me. Unlike, 2013---I can't say I just survived the year. This year, I can say that I don't just survived. I ENJOYED this year so much! Why? Bukod sa good memories, I also did what I really want in my life since I was young---TO BE A WRITER---and not just a writer. A FULL TIME WRITER. I also happened to triple the number of manuscripts I have last year. Maaaring pagsisihan ko man sa huli ang decisions na ginawa ko this year, pero magagawa ko ba talaga na pagsisihan? Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi dapat pinagsisihan ang mga ganitong bagay.

Thank you 2014. Cheers and welcome 2015. Be better than my this year, pretty please?

xx
Cady

Thursday, December 11, 2014

CSC passer

Thank you Lord God for this another achievement.

----

I don't believe much in myself. Ilang beses na akong nabigo at madalas na wala na akong bilib sa sarili ko dahil doon. Hindi ko rin ma-categorize ang sarili ko as matalino---madalas na nasasabi ko na madiskarte lang talaga ako. I got good grades in college. Pero marami pa rin akong takot dahil alam ko, magaling lang talaga ako mangopya kaya ako nagkaroon ng mga matataas na marka. Chos! Kind of true story yan. LOL

I tried to take the Civil Service exam together with my best friend. Medyo pressured pa ako dahil matalino itong friend ko. Naiisip ko, paano kapag pumasa siya tapos ako hindi? Nakakahiya. I will admit, nag-aral naman ako. Two days before the exam, binabasa ko yung mga reviewer online na nakita ko. Sabi kasi noong classmate ko dati na nagtake, nakita daw niya dati sa internet yung sagot sa exam kaya naisip ko, baka ito rin ang lumabas. Well, isang malaking kalokohan! Isang question lang mula sa reviewer na yun ang lumabas sa exam! Pareho naming inaral ng friend ko yung reviewer na yun kaya nasigurado ko rin. Yun rin kasi ang sinabi niya sa akin pagkatapos.

Anyway, natakot talaga ako ng araw na yun. Before that day, may videoke sa kapitbahay namin. (Alam na, lalong nahirapan makapagreview) I also have a different sleeping schedule. I sleep at around 2 am. The exam will be at 7am at yung lugar ng examination, nasa dulo pa ng Batangas. So I had to wake up early. Sinubukan ko na matulog ng maaga. Awa ng Diyos, nakatulog ako ng 1am. At naggising ng 2am. Saklap `di ba? I only had an hour of sleep before the exam kaya naman alam ko, I will mess up. Ilang beses rin akong nagulo dahil nagkamali pa ako ng thumbmark! I know the looks of the people around me then---iniisip nila na ang bobo ko naman. Siguro pati na rin yung mga teachers na nagproctor. So I'm slowly losing confidence while having the exam.... lalo na nang pahirap nang pahirap `yung questions!

Math----fine, I admit okay naman siya. KUNG. may calculator. Alam ko kung paano kukuhanin ang sagot for most of the numbers---yet, nahihirapan akong mag-compute manually. Hello? Accounting student ako. Best friend namin ang calculator. Ultimo 1+1, dahil sanay kami na may calculator, kina-calcu rin namin. Isama pa na bobo talaga ako sa division. I can't divide manually, lalo na `yung may remainder. Hah! Thank you na lang talaga sa gumawa ng calculator.

English---context clues. Yan ang pinaghugutan ko ng lakas! Pero out of this world (para sa akin) yung mga words. Kaya nanghula na rin ako nang nanghula. Tip: Kapag hindi na talaga alam, manghula na lang.

Current News---hindi ko alam kung paano ako naka-survive.... >_<

Nang matapos ako sa exam, hinalikan ko yung paper ko at sinabi kong... "God, I did my best naman po. You'll make the rest na po."

To make the story short, hindi ko talaga alam kung paano ako naka-survive. I have a lot of unsure answers in the exam. Ang unang word ko nga noong magkita kami ng friend ko after----hindi na ako umaasa. Siya naman ay "takte, ang hirap." Tapos noong nagpalitan kami ng sagot sa ilang tanong, magkaiba yung sagot namin. Lalo na akong kinabahan kaya noong magkikita pa sana kami the next day na kami lang dalawa, tumanggi na ako. Ayaw ko ng pag-usapan yung exam.

Mahirap talaga yung exam. Most are general knowledge. Kapag tinatanong ako ng lahat kung kumusta daw.... "No comment at don't hope" ang sagot ko. But I'm so happy I survived! I passed for just one take! Pero nakaka-pressure rin. Gusto na kasi nila ako na magwork na sa government. LOL. But seriously, back up ko lang ang exam. Considering my achievement lang. I still don't have plans to work... yet. Isama pa na gusto ko rin patigilin sa pagyayabang ang kuya ko. One-taker kasi siya at pareho kami ng history noong kumuha siya ng exam. But lucklily, nakapasa ako. Happy rin siya kasi doon pala sa opisina nila (PS: My brother is working for the govt) ay walang nakapasa. Pati rin daw doon sa buong munisipyo. So waaah! May dala siyang McDo pagkauwi. Alam ko, kahit ganoon si Kuya, feeling proud `yun sa akin :P

I'm happy...yet not really that happy dahil marami akong kakilala na hindi nakapasa. PS: Nakapasa rin pala yung friend ko. Iba ang tinutukoy ko dito. Pero `di ko naman kailangang ma-guilty di ba? Its my work. Its my achievement. Ako mismo ang gumawa noon kaya bakit ako ma-guilty na hindi nakapasa ang iba? Yay!

Anyway, just thanking God for this blessing and sharing my experience though.

xx
Cady