Thank you Lord God for this another achievement.
----
I don't believe much in myself. Ilang beses na akong nabigo at madalas na wala na akong bilib sa sarili ko dahil doon. Hindi ko rin ma-categorize ang sarili ko as matalino---madalas na nasasabi ko na madiskarte lang talaga ako. I got good grades in college. Pero marami pa rin akong takot dahil alam ko, magaling lang talaga ako mangopya kaya ako nagkaroon ng mga matataas na marka. Chos! Kind of true story yan. LOL
I tried to take the Civil Service exam together with my best friend. Medyo pressured pa ako dahil matalino itong friend ko. Naiisip ko, paano kapag pumasa siya tapos ako hindi? Nakakahiya. I will admit, nag-aral naman ako. Two days before the exam, binabasa ko yung mga reviewer online na nakita ko. Sabi kasi noong classmate ko dati na nagtake, nakita daw niya dati sa internet yung sagot sa exam kaya naisip ko, baka ito rin ang lumabas. Well, isang malaking kalokohan! Isang question lang mula sa reviewer na yun ang lumabas sa exam! Pareho naming inaral ng friend ko yung reviewer na yun kaya nasigurado ko rin. Yun rin kasi ang sinabi niya sa akin pagkatapos.
Anyway, natakot talaga ako ng araw na yun. Before that day, may videoke sa kapitbahay namin. (Alam na, lalong nahirapan makapagreview) I also have a different sleeping schedule. I sleep at around 2 am. The exam will be at 7am at yung lugar ng examination, nasa dulo pa ng Batangas. So I had to wake up early. Sinubukan ko na matulog ng maaga. Awa ng Diyos, nakatulog ako ng 1am. At naggising ng 2am. Saklap `di ba? I only had an hour of sleep before the exam kaya naman alam ko, I will mess up. Ilang beses rin akong nagulo dahil nagkamali pa ako ng thumbmark! I know the looks of the people around me then---iniisip nila na ang bobo ko naman. Siguro pati na rin yung mga teachers na nagproctor. So I'm slowly losing confidence while having the exam.... lalo na nang pahirap nang pahirap `yung questions!
Math----fine, I admit okay naman siya. KUNG. may calculator. Alam ko kung paano kukuhanin ang sagot for most of the numbers---yet, nahihirapan akong mag-compute manually. Hello? Accounting student ako. Best friend namin ang calculator. Ultimo 1+1, dahil sanay kami na may calculator, kina-calcu rin namin. Isama pa na bobo talaga ako sa division. I can't divide manually, lalo na `yung may remainder. Hah! Thank you na lang talaga sa gumawa ng calculator.
English---context clues. Yan ang pinaghugutan ko ng lakas! Pero out of this world (para sa akin) yung mga words. Kaya nanghula na rin ako nang nanghula. Tip: Kapag hindi na talaga alam, manghula na lang.
Current News---hindi ko alam kung paano ako naka-survive.... >_<
Nang matapos ako sa exam, hinalikan ko yung paper ko at sinabi kong... "God, I did my best naman po. You'll make the rest na po."
To make the story short, hindi ko talaga alam kung paano ako naka-survive. I have a lot of unsure answers in the exam. Ang unang word ko nga noong magkita kami ng friend ko after----hindi na ako umaasa. Siya naman ay "takte, ang hirap." Tapos noong nagpalitan kami ng sagot sa ilang tanong, magkaiba yung sagot namin. Lalo na akong kinabahan kaya noong magkikita pa sana kami the next day na kami lang dalawa, tumanggi na ako. Ayaw ko ng pag-usapan yung exam.
Mahirap talaga yung exam. Most are general knowledge. Kapag tinatanong ako ng lahat kung kumusta daw.... "No comment at don't hope" ang sagot ko. But I'm so happy I survived! I passed for just one take! Pero nakaka-pressure rin. Gusto na kasi nila ako na magwork na sa government. LOL. But seriously, back up ko lang ang exam. Considering my achievement lang. I still don't have plans to work... yet. Isama pa na gusto ko rin patigilin sa pagyayabang ang kuya ko. One-taker kasi siya at pareho kami ng history noong kumuha siya ng exam. But lucklily, nakapasa ako. Happy rin siya kasi doon pala sa opisina nila (PS: My brother is working for the govt) ay walang nakapasa. Pati rin daw doon sa buong munisipyo. So waaah! May dala siyang McDo pagkauwi. Alam ko, kahit ganoon si Kuya, feeling proud `yun sa akin :P
I'm happy...yet not really that happy dahil marami akong kakilala na hindi nakapasa. PS: Nakapasa rin pala yung friend ko. Iba ang tinutukoy ko dito. Pero `di ko naman kailangang ma-guilty di ba? Its my work. Its my achievement. Ako mismo ang gumawa noon kaya bakit ako ma-guilty na hindi nakapasa ang iba? Yay!
Anyway, just thanking God for this blessing and sharing my experience though.
xx
Cady
No comments:
Post a Comment