Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Tuesday, January 27, 2015

Boyfriend Vs Career

Palagi kong sinasabi at hinihiling na sana... dumating na siya. Sana dumating na si The One. Sana magka-boyfriend na ako. Pero feeling ko, ako naman ang may problema.

Last year, nagparamdam sa akin ang ex bf ko... and he was like.. magkabalikan daw kami. Dahil college pa ako noon, umayaw ako. Gusto ko kasi magseryoso noong college. Charot. Basta ang sabi ko noon, hindi na muna ako mag-BF. Sapat na ang kalokohan at kalandian ko noong HS.

Then ngayon,,.. nagpaparamdam muli siya. Medyo nagulo ako. Siyempre, para sa akin, okay na. Tapos na ako ng college. Pero feeling ko, nagulo ako. Ayaw ko ng nagugulo ako. Hindi ako makapagsulat.

Nag-iisip ako kagabi. Iniisip ko siya. Okay naman, natuwa naman ako. Sa halip nga na magtrabaho ako, in-entertain ko siya. Ang kulit niya kasi! At siguro nga...a part of me ay gusto ko rin naman na magka-BF na.

Di ko alam kung may nararamdaman pa ako sa kanya. Ewan ko, pero ang feeling ko, kaya ko lang naman talaga siya ine-entertain ay dahil gusto ko na magka-BF. Haha! Okay rin naman kasi siya. Di siya gwapo, pero mabait naman siya. Siya rin yung tipo ng maasahan sa bahay---which is dagdag sa gusto ko para sa lalaki ngayong namumuhay bahay na lang ako palagi. Gusto ko kasi yung kunwari, may nasirang gripo. Yung marunong mag-ayos, ganyan. Di kasi ganoon si Kuya eh. Tapos ung mahilig rin sa sasakyan para kapag nasira yung kotse, alam ang gagawin. Di kagaya ni Kuya! Haha! Tapos yung family namin, medyo pareho. Galing kasi siya sa family ng pulis. And my dad and grandfather is a police. Isa pa, noong high school ako, may nanghula sa akin. Ang sabi nung manghuhula, pang-anim daw yung magiging asawa ko. Nanliligaw siya sa akin that time. Tapos pang-anim siya sa magkakapatid! Iyan ang dahilan talaga kung bakit ko siya sinagot noon. Hahaha!

So yeah, siguro iniisip niyo na di ko naman talaga siya mahal kaya naguguluhan ako. Wala rin kwenta ang post ng title ko sa una kong sinabi. Pero naisip ko lang yung mga readers ko. Kapag nababalitaan ko na may BF na sila, hindi na sila nagbabasa ng pocketbook. May umamin rin sa akin na isa kong reader na ganyan. Ang dahilan niya... nakahanap na kasi ako ng totoong prince charming ko.

Paano kung kapag nagka-boyfriend ako, mas lalo na akong nabitter? Kasi paano kung hindi niya ma-meet ang expectations ko sa love? Di na ako makakapagsulat ulit pa. Saka ang BF need pa i-pamper. Mataas ang pangarap ko. Hindi ko need ng distraction. Isa pa, my work is at home. Madali akong ma-distract. Baka mamaya, imbes na magwork ako, ang isipin ko na lang ay siya. Mapo-focus sa kanya yung isip ko. Ayaw ko ng ganoon....sa ngayon. Masaydo ko mahal ang ginagawa ko at determinado ako na makamit ang aking pangarap so.... alam niyo na kung ano ang manalo.

Tanggal pa pala sa 2015 goals ang BF. Hahaha!

And anyway... di pa naman pala niya talaga ako pine-pressure. Ang sabi niya eh gusto niya na kapag nakipagrelasyon na rin naman siya, may work na siya. Nag-aantay pa siya ng results ng board kaya malamang... matagal pa yun. Isa pa, may sinasabi siya sa akin na 5 months training. Pero sinasabihan niya ako na hintayin ko siya.

???

xx

Cady

Saturday, January 3, 2015

2015 Writing Plans

I have a dream I want to fulfill this 2015. Writing dream, actually. Hah! Bakit ba? Dream high nga daw, eh. At the age of 17, I already fulfilled my greatest dream at iyon nga ay ang maging writer. Pero marami pa akong gustong makamit bilang writer at iyon ay... ma-double ang manuscript na naisulat ko this year. Haha!

Isang dream come true na rin naman ang naisulat ko na manuscript this year. Kahit ako, medyo nagulat rin sa dami noon. Kaya ko palang mag-produce ng ganoon? Hehe. Isama pa na first quarter of the year, wala talaga akong naisulat kaya mas naging proud ako sa sarili ko.

Pero hindi natatapos lahat sa 2014 ang ideya... Lets have goals this year. 2015, be a good year to me, okay?

Here's my writing plans.

International Billionaires Book 6: My Italian Lover
Last book for my first ever single series. Balak ko siyang i-2 books dahil makapal ang plot ko sa kanya. Isama pa na magkaka-years later siya para na rin magkaroon ng view ang mga readers sa kung ano ng nangyari sa love life ng first five books.

Sana lang maging madali siya since gusto ko talaga ang hero ko sa last book. May inspiration rin ako sa plot ko rito at nabubuo ko na siya sa isip ko. And like Greeks, I love Italians, too. Actually, medyo nakakaintindi ako ng language nila dahil tinuturuan ako noong friend/crush ko noong high school ako na nasa Italy. Haha!

To Infinitea And Beyond Series:
Naipasa ko na ang first book ng series na ito last year. The series is about a tea shop. Yung mga taong pumupunta roon, nagtatrabaho roon at nagmamay-ari, sila ang magiging characters ko for the series. Hindi ko alam kung gaano karaming books dahil puwede naman siyang dagdagan ng dagdagan. This is supposed to be a coffee shop series---mas una ko pa nga ito naisip kaysa sa International Billionaires---pero dahil may nagsabi sa akin na may gumagawa na raw ng ganoong series, nag-isip ako ng bago. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang masabihan ako na copy cat.

PS: Wholesome series ito. I mean, light romance lang.

Broken Vows Trilogy:
Kagabi ko lang naisip ang trilogy na ito. Nagpost ako sa FB na bet ko gumawa ng isang kuwento about sa mag-asawa na nagkahiwalay tapos nagkabalikan muli. Meron na akong isang plot---its actually a true story, kuwento ng buhay ng friend ko at matagal-tagal ko na rin siyang gustong isulat. Pero naisip ko...gusto ko ng medyo maraming ganoong klase ng kuwento. May naisip ako bigla kagabi na pampadagdag at nag-decide na gawin siyang trilogy.

It is about three brothers---whose marriage are kind of doomed? LOL. Well, yung dalawa, marriage. Yung isa, dating relationship lang.

Hopefully, mapanagutan ko talaga ito.

Red Room: Business And Pleasure
Gah! Why are you looking at me like that?! HAHAHA!

Last year ko pa talaga gustong isulat ang kuwento na ito. Nasimulan ko na siya, actually... Buo na rin ang plot sa isip ko. Pero di ko siya makayang isulat dahil.... gosh! BOLD words. I can't...STILL. Hahahaha! Hindi pa ako ready but hopefully, this year, maggawa ko. Ipinagpaalam ko pa ito kay HIM dati. Hahaha!


Alpha Males Series:
From the word itself... ALPHA! Love those kind of heroes. Ito ang nagagawa ng Harlequin sa akin. Pero di ko sure kung masisimulan ko talaga ito this year.

Independent Novels:
I'm yet to decide what independent novels to do. Wala ako masyadong maisip. Isa lang pala. Yung story na inspired sa August Rush with a twist! :P

Another one pala, yung More Than A Fairy Tale ko na isa. Kuwento siya ni Cinderella. Doon kasi sa una kong MTAFT, lumabas siya. Friend siya ni Phillip. Haha! Gusto ko siyang gawan ng kuwento.

---


That's all for now. Ipagdasal niyo ako na sana maggawa ko nga siya this year. And hopefully, madagdagan pa. :D

xx

Cady