Anyway, here's my list and some explanations(for the top 5 only) kung bakit sila ang favorite ko:
1. A Rocket To The Moon
First kong narinig na kanta nila is "I'm not saying good bye." I think, I'm just 3rd year highschool that time. And simula noon, nag-DL na ako ng nag-DL ng songs nila sa limewire. And yay! Super ganda ng mga songs nila. As in. Iyong meaning, the voice! Guwapo pa ng vocalist! Hi-hi. I love Nick Santino kahit di niya pa ako nare-reply-an sa twitter! Oh wells, super ambisyosa ko talaga. Hoho. Sabi ko sa sarili ko, kapag nag-concert sila sa Pilipinas, pupunta talaga ako. Pero dahil hindi ako pinalad, K. Hanggang youtube na lang tayo.
2. Hey Monday
Marami akong naririnig na gaya-gaya daw sila sa Paramore. Medyo hawig (for me) ni Cassadee si Hayley pero mas sikat si Hayley kaya siguro nila nasasabi. Pero basta, mas gusto ko ang Hey Monday! Love there songs, especially the first album -- hold on tight. Nag-plan nga akong bumili dati ng album nila, pero dahil wala akong makita, hindi ako nakabili. Inaabangan ko rin ang concert nila sa Pinas pero katulad ng ARTTM, mukhang hanggang youtube na lang kami.
3. My Chemical Romance
First year HS ako simula ng naadik ako dito. Ako iyong tipong pa-rebel-rebel pa itsura noon dahil sa kanila! Naiyak pa nga ako nung concert nila sa Pinas dahil hindi ako nakapunta. Ang arte ko! hahahaha. Nabuhay ako sa rock songs nila. Tanda ko, bumili ako ng pirated na album nila. (O siya, magsaya na)
4. Paramore
Dahil alam kong marami ang aayon sa akin na magaling ang band na ito, tutal, tinatamad na akong mag-explain ng sarili ko, ito na lang ang sasabihin ko: Who wouldn't love PARAMORE?!
5. The Friday Night Boys
Katulad ng naunang banda, hindi sila gaanong sikat. But I love the songs! Ang cute ng parang effects ba iyon? Hehe. Kasi iyong stuttering! Iiiihh. Basta ang galing ng vocal. Ang galing ng band XD
6. Panic At The Disco
7. Boys Like Girls
8. All Time Low
9. Maroon 5
10. Stereo Skyline
Azec Chase ♥