Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Wednesday, June 13, 2012

Thank You To HIM

Good evening! Tomorrow, June 14--ang start ng unang klase ko ngayong Third Year College. Grabe, ang bilis ng panahon... Parang kailan lang, elementary pa ako. Naglalaro ng piko, nagte-ten-twenty, nagpapatintero. Samantalang ngayon, ni pagdya-jumping rope, hindi ko na malaro... Haay, time flies so fast. Third year na ako. Kaunting kembot na lang, papasok na ako sa real world.

 Ayaw ko man isipin na pasukan na bukas muli at tapos na ang huling bakasyon ko---dahil may summer class kami next summer---tapos na talaga. Good luck na lang talaga. Sana kahit may pasok, maisingit ko pa rin ang pagsusulat at makipag-chat...sa KANYA :)

 Yes. Sa KANYA naman talaga about ang Thank You post ko para ngayong gabi. Sa kanyang naging mabuting kaibigan ng halos isang taon na... Yey! September nang una kaming magkakilala and yeff! we're still chatmates and friends. I can't believe na aabot kami ng ganitong katagal bilang... friends, ha? Walang malisya. Chos! Kanina, medyo sad talaga ang mood ko kasi nga magpapasukan na bukas. Pero naka-chat ko siya, nang matagal kasi wala na naman ang Mommy niya sa bahay. Sabi niya, kung gusto ko daw magkaroon ng magandang future, kailangan ko daw mag-aral nang mabuti. Alam ko naman iyon, eh... Pero sadya lang siguro akong tamad! Hehe! Pero nawala din iyong sad mood ko nang maka-receive ako ng text kanina from the post office saying na nandoon na daw iyong "parcel" ko.

 Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang text. "Parcel?" Tinanong ko si Mommy, sabi niya piece of land daw iyon. Sabi ko, hindi. From India daw. Galing kay Riyan yata. (Alam ko na kasi na nagbabalak siyang bilhan ako ng gift, pero hindi ko alam na nabili na pala niya iyong book na iyon). Eh noong nabasa ko iyong text, kakatapos lang namin mag-chat. Nag-online muli ako and I ask him. Sabi niya, kuhanin ko na daw tapos mag-online ako sa Skype. Wala daw iyong palaka o butiki. (as if)

 Then kahit rainy ang weather kanina, kinuha ko nga. I'm so surprised talaga! Hindi niya kasi sinabi sa akin na binili na niya o napadala na niya. And FYI, hindi nga pala siya ang bumili! Hehehe. Iyong pinsan niya na nagwo-work sa Mumbai. Sabi niya, Mumbai is a big city, sure daw siya na mababasa niya ang book na matagal ko ng hinahanap. And voila! Nahanap nga niya. I am so so so so so happy!

 ----------------------> Ito nga pala iyong book.
Jessica Hart is my favorite harlequin author. Simula nang napagtrip-an kong bumili ng isang harlequin book sa book sale at siya ang author na napili ko, hanla, nag-adik na ako sa kanya. The first book I had is "Last Minute Proposal". Then nang magka-chance, bumili din ako sa NBS sa Festival Mall naman... Hanggang sa nakapunta na akong Recto at kung saan-saang online sites makahanap lang ng book niya. Good thing, nakakita ako sa India Bookstore(Online) at talagang suwerte kasi taga-India si Riyan. Siya ang nagbigay sa akin ng latest book ni Jessica Hart! :P


 So much Thank you talaga kay Riyan. He's still not working. Mag-aaral pa siya ng Masters in Engineering kaya naman touch talaga ako sa ginawa niya... Lalo na at nag-effort pa siya kasi kinontact niya iyong pinsan niya sa Mumbai na ang biyahe mula sa kanila ay 2-3 days. Medyo nahihiya nga din ako sa kanya pero sabi naman niya, "Money doesn't matter. It will come and go. But the friendship should remain."

 Kaya naman ito talaga ang librong hindi ko ipapahiram kahit kanino. And yep! Siya din ang kauna-unahang fiction book na ko-cover-an ko. Hahaha! Sabi ko pa nga kay Mommy, ipapa-frame ko din iyong nilagyan ng package. Okay. Super OA na! Hahahaha

 Anyway, tama na muna ito. I think I need to spend more time in my manuscript. Nagre-revise lang ako, aabutin pa yata ako ng isang linggo. Tsk. So Good night! :

Azec Chase ♥

2 comments: