1. Hachi: A Dog's Tale
I still remember the time when I watched this movie. Nasa baba ako ng bahay namin habang hawak-hawak ang phone ko. Yeah, sa cp po ako madalas manood ng movies. Ni-recommend ito ng isa sa mga friends ko kahit hindi niya pa pinapanood. At pagdating ko kinabukasan sa klase, sinisi ko iyong classmate na iyon kung bakit pugto ang mata ko ng pumasok ako. Ang sakit-sakit ng mata ko dahil sa kakaiyak sa movie na ito. Wala pa ako sa kalahati ng movie ay naiiyak na ako dahil napi-feel ko na iyong mangyayari. Tapos para pang tanga iyong Kuya ko na tingin nang tingin sa akin dahil iyak nga ako nang iyak. Eh ano bang magagawa ko? Nakakaiyak talaga, eh. Isipin mo, 10 years nag-intay ung aso sa amo niya eh hindi na naman babalik pa iyong amo niya. Grabe, sana lang magkaroon ako ng aso katulad ni Hachi. Ahmm. Guji(my dog) sana ganito ka rin. Chos!
2. The Last Song
I first read the book and sobrang umiyak din ako sa book. Akala ko, hindi na ako iiyak sa movie pero umiyak pa rin talaga ako nang bongga. Hindi ako about sa lovestory na-touch o umiyak eh. Its about the heroine and her father. Iyong feeling na, akala natin iyong taong sinisisi natin ang may kasalanan ng lahat ng paghihirap natin pero hindi naman pala. Tapos nalaman pa niyang may sakit iyong Tatay niya. That time, umiiyak talaga ako. Kasi saka lang tayo nagbibigay ng care sa tao kapag alam natin na mamatay na siya. Medyo natamaan ako. Medyo lang naman. Chos! Pero nung namatay naman ung Dad ko, hindi naman ako nagsisi dahil pinakita ko talaga sa kanya na love ko siya kahit wala naman siyang sakit.
3. A Walk To Remember
Unlike the Last Song, hindi ko nabasa ang book pero nakakaiyak pa din. Ung end part ako napaiyak talaga. Kasi kahit alam nung boy na may sakit si girl, pinakasalan pa rin niya. Pinatunayan lang talaga niya na mahal na mahal niya ung heroine. Haay, grabe lang. Naalala ko, favorite line ko pa dito ung: Our love is like the wind... I can't see it, but I sure can feel it.
4. If Only
Tandang-tanda ko pa rin ang time kung kailan ko pinanood ang movie na ito. Burol ng Ninang ko. So isipin niyo na lang kung gaano ako nagmukhang baliw habang nanonood sa cellphone ko (yes, sa cp na naman ako nanonood, o di ba, parang portable?) Na-bored kasi ako kasi wala naman kaming ginagawa. Naisip kong manood ng movie sa cellphone. Nakakakilabot nung about sa part sa taxi driver. As in parang binundol ung puso ko. Tapos nung part na patapos na, pauwi na kami nun. Nasa van ako, habang nasa SLEX, naiyak ako. Kasi nakakaiyak talaga kasi naiba iyong nangyari. Ung boy ung namatay. Na-realize niya lahat ng ginawa niya kaya naman sinacrifice niya iyong life niya for the girl kasi alam niya na mamatay iyong girl.
5. A Millionaire's First Love
Ang peg ng story nito ay medyo hawig pala sa A walk to remember. May sakit rin kasi iyong girl dito. Pero sad ending na naman ito. pero okay lang. Nakakaiyak pero maganda. Ang guwapo ni Hyun Bin. *for more information, please see my top 10 movie post.
Azec Chase ♥
No comments:
Post a Comment