Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, November 29, 2012

Beginnings....

Good evening! Here I am for the fourth and last post on this blog this month! Even if its just November 29 today, napagpasyahan ko na talagang ito ang last...pero siyempre for this month lang! He-he! Its just that I am busy and wala rin naman akong ma-post na something interesting kaya di na rin ako masyadong nagpo-post. Ikaw ba naman kasi, masyadong hina-haggard ng mga school works mo. 5 days kasi ang pasok ko ngayon sa school and every Saturday is really a hell day. Okay sana iyong mga weekdays, pero siyempre, maraming mga assignment na pinapagawa iyong mga pang-Saturday... Kaya un, parang wala din. >_<

Anyway, my post title is beginnings. Why? Its just about my writing experiences! And feel ko, non-sense post na naman ito. Well, may ibang post na may sense sa blog na ito? He-he!

I'm having dilemma's nowadays in writing my novel beginnings...Well, hindi ko ito problema dati. When I start writing a novel, hindi ako iyong tipo ng pagkatapos ng chapter 2, bura lahat ng chapter 2 dahil feeling mo ay ang boring and so on and so on. Pero ngayon... Yay! I am experiencing that! And shit, sobrang nakakainis!

Nagsimula ito nang isulat ko si Keith. Noong una, akala ko, dahil lang yun sa gusto kong maging maganda talaga siya dahil babasahin siya ng mga friends ko. Pero...si Stock! Ah-ah naman, pangatlong simula ko na naman ito! And super, nakakasakit ng ulo. :(

Stock is my 2nd book in my trilogy. And we are "stuck" to each other! Balik prologue na naman ako pero dapat talaga ay chapter 2 na ako. Para lang siyang si Keith! Naman, naman, naman! Sana naman, mawala ang sakit kong ito. So please... please... pray for my sanity again.


xx
Cady

Sunday, November 18, 2012

4th book - Forever With You


Good evening! ~~ My fourth book was out last November 7, 2012 at ngayon lang ako nakapag-blog about this dahil ngayon lang ako sinipag. Ahehe! So dahil naging tradisyon ko na ang mag-blog about sa mga released book ko, magba-blog ako. And ahmmm. approved na nga rin pala si Cash! (Gusto ko sanang iibang post ito, iyon nga lang baka tamarin ako, so sama na lang dito, hehe!) Basta, di ko expected talaga ang mga nangyari last last week. But I'm happy :) Anyway, I love the cover rin pala ng 4th book ko. Green! OMG! I'm so in love with green so imagine my happiness.

Forever With You: Released Date: November 7, 2012 




“Gumawa tayo ng rules! Hindi kasali ang kiss!” giit ni Lady kay Guji.

“Ha? Eh, paano tayo magiging effective na lovers niyan kung walang kiss?”

“Puwede namang holding hands o hug basta walang kiss!”

He twitched his lips. “At bakit naman? Masama ba ang lasa ng mga labi ko kaya ayaw mong mahalikan akong muli?” sabi nito at unti-unti pang inilapit ang mukha sa kanya.

Parang binabayo ng sampung kabayo ang dibdib ni Lady habang inilalapit ni Guji ang mukha nito sa mukha niya. Naguguluhan si Lady sa nangyayari sa kanya. Nagkakasundo pa lang sila ni Guji sa mga batas na gagawin nilang palabas pero pakiramdam niya ay nagtataksil na ang puso niya. Hindi siya puwedeng ma-in love dito dahil nagpapanggap lang silang magnobyo. 

Kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Guji was a self-professed playboy. She shouldn’t fall for his overpowering charms. Ngunit kaya ba niyang tanggihan ang makulit na puso niya? Lalo na at ipinaglihi yata sa asukal ang lalaking wala na nga silang audience ay feel na feel pa rin ang pagiging artista nito?


x Facts and Trivias portion:

--- The hero---was nicknamed after my major-major crush, Guji Lorenzana! Mahahalata mo naman iyon dahil sa nakakahiya kong proposal sa authors note ng book! Kahiya kasi naibigay ko kay Guji ang book at nabasa niya iyon! Hehe! Hindi ko ginamit ang real name niya dahil baka hindi puwede iyon kasi di naman ako nagpaalam sa kanya. Ginawa ko na lang na Junior kasi Junior talaga si Guji. Gregorio Lorenzana Jr. ang real name niya while here is aGUstin guirado JunIor. --- naka-up ang iba para malaman niyo kung paano naging Guji iyon :D

--- The heroine---Lady---that was because my pen name "Cady", malapit sa name na iyon and "Joy" came from my second real name at ang surname, dahil sa Alonzo's ni Ate Karen sa trilogy niyang Cupids Match.

--- Nakuha ko ang plot na ito habang nakikinig ako kay DJ Chacha ng mga 11 na yata un ng gabi. Nandoon kasi ako sa mga Lola ko at nasasanay akong natutulog ng gabing-gabi na tuwing bakasyon kaya di ko pa feel matulog. So nakinig na lang ako kay DJ Chacha. Iyong caller niya doon, siya ang inspirasyon ko kay "Claudine" na sobrang tanga sa pag-ibig. Nakaisip tuloy ako ng simula ng novel at nagtuloy-tuloy na hanggang mabuo ang kuwentong ito. And I got Claudine's name from my friend, Claudine Sampana. And Rene, dahil sa may gusto sa kanyang classmate namin na si Renz. ^_^ So you see, iba pa rin sa reality.

--- Mga 2 weeks ko rin itong sinulat kasi nagmahal na araw noon. At di ako pinapayagan ni Mom na magsulat kapag mahal na araw kaya naman natagalan. At nang natagalan, di ko tuloy siya masyadong na-enjoy sa huli.

--- Marami akong favorite parts dito. Iyon nga lamang, para sa akin, sobrang common ng kuwento niya kaya nagulat ako nang ma-approve talaga ito ng wala man lang revisions. Parang mababaw rin ang conflict ko sa dulo na ilang beses ko rin na pinalitan. But I'm so glad na-approved siya agad! Sino ba naman ang hindi matutuwa sa ganoon `di ba?


Wala na akong maidagdag so I guess ito na lang talaga. Hehe!

Xx
Cady

Friday, November 9, 2012

I'm hyperventilating

That feeling your major crush followed you on twitter, hold the book you made for him and said he will frame it.










Thank you Lord. I'm so blessed. Another dream came true.


xx
Cady

Tuesday, November 6, 2012

Fan-girling.

I may have a lot of crushes. Pero sa lahat yata ng naging crush ko, si Guji Lorenzana na iyong matagal and, well, super effort! Kaya naman super saya ako nang dahil sa nangyari sa araw na ito.

I am dying because of so much happiness I am feeling right now. To the point na mukha na akong tanga dito sa bahay dahil kanina pa po ako kinikilig! Patalon-talon ako na parang kiti-kiti sa upuan. Hindi mapakali. Lord God, thank you thank you thank you po for this day.

Tomorrow, my 4th book---forever with you---will be out in stores. The hero was named after my major major crush, Guji Lorenzana. So nag-tweet ako sa kanya. Tinag ko iyong picture ng book tapos sabi ko, sana maka-grab siya ng copy. Then nagulat ako sa sinabi niya:


Iyong totoo, hindi ko na inaasahang mag-reply si Guji. Bukod sa hindi naman niya pinapansin iyong ibang tweet ko, hindi niya rin ako pina-follow. Well, minsan nare-reply-an niya rin ako. Pero minsan lang. Okay lang. At least kahit "Minsan" `di ba? And right now... `yan na yata ang the best tweet na na-receive ko sa kanya ever! He-he! Send me an "Autograph copy"? OMG! Feel ko, iyong hair ko umabot na hanggang kanto. Autograph talaga? Kahit nga iyong ibinigay niya lang sa akin ang address niya, masayang-masaya na ako. As in, nung nakita ko ang DM niya, tumalon talaga ako. DM lang `yun, ha? Paano pa kaya kapag nakita ko siya sa personal? Baka himatayin na ako.

Naging crush ko siya nang una siyang lumabas sa Bud Brothers. Hindi ako nagko-collect ng Bud Brothers pero dahil crush ko nga siya, iyong story lang na ginampanan niya ang binili ko sa whole series. At paminsan-minsan pa ay pinapanood ko paulit-ulit iyong episode nila ni Kaye doon.

Then halos lahat yata ng movies na kasama siya---kahit iyong pa-extra-extra lang siya---pinapanood ko. At siyempre, ang latest ay iyong Suddenly Its Magic. Hindi ko crush si Mario, hindi rin ako fan ni Erich. Pero dahil nakita ko sa poster ang name ni Guji, niyaya ko ang mga friends ko. At kaya lang sila nanonood, dahil niyaya ko sila! He-he! Hindi naman ako tumili dun sa sinehan pero talagang inabangan ko lang ang paglabas ni Guji. At alam na alam ko kung ano lang ang mga words na sinabi niya---"Will you marry me", "Joey" and "Sino ka?". Nakakatawa pero siya lang talaga ang inabangan ko. The rest, na-bored lang ako sa sinehan. Di ko kasi trip iyong story! He-he! Parang ganoon rin iyong sa "Till My Heartaches End" eh. XD

Then may "Lorenzana" pen name. Wala po akong kamag-anak na Lorenzana. Kay Guji ko lang po iyon kinuha! He-he.

And our dog. Our dog was named after Guji, too! He-he. But she's a girl. Akala ko kasi noong una, boy ung dog namin kaya Guji ang pinangalan ko. Hindi ko na naman pinalitan nung nalaman kong girl pala siya dahil nasanay na siya. Kaya hanggang ngayon, Guji pa rin! He-he!

So ayon, super fan girl yata ako ni Guji. Pero na-realize ko nga na mas magandang mag-fan girl dun sa mga hindi ganoon kasikat na tao dahil sa movie na Suddenly Its Magic. Kasi mas less iyong kaagaw ko sa kanya. XD


XX
Cady