I may have a lot of crushes. Pero sa lahat yata ng naging crush ko, si Guji Lorenzana na iyong matagal and, well, super effort! Kaya naman super saya ako nang dahil sa nangyari sa araw na ito.
I am dying because of so much happiness I am feeling right now. To the point na mukha na akong tanga dito sa bahay dahil kanina pa po ako kinikilig! Patalon-talon ako na parang kiti-kiti sa upuan. Hindi mapakali. Lord God, thank you thank you thank you po for this day.
Tomorrow, my 4th book---forever with you---will be out in stores. The hero was named after my major major crush, Guji Lorenzana. So nag-tweet ako sa kanya. Tinag ko iyong picture ng book tapos sabi ko, sana maka-grab siya ng copy. Then nagulat ako sa sinabi niya:
Iyong totoo, hindi ko na inaasahang mag-reply si Guji. Bukod sa hindi naman niya pinapansin iyong ibang tweet ko, hindi niya rin ako pina-follow. Well, minsan nare-reply-an niya rin ako. Pero minsan lang. Okay lang. At least kahit "Minsan" `di ba? And right now... `yan na yata ang the best tweet na na-receive ko sa kanya ever! He-he! Send me an "Autograph copy"? OMG! Feel ko, iyong hair ko umabot na hanggang kanto. Autograph talaga? Kahit nga iyong ibinigay niya lang sa akin ang address niya, masayang-masaya na ako. As in, nung nakita ko ang DM niya, tumalon talaga ako. DM lang `yun, ha? Paano pa kaya kapag nakita ko siya sa personal? Baka himatayin na ako.
Naging crush ko siya nang una siyang lumabas sa Bud Brothers. Hindi ako nagko-collect ng Bud Brothers pero dahil crush ko nga siya, iyong story lang na ginampanan niya ang binili ko sa whole series. At paminsan-minsan pa ay pinapanood ko paulit-ulit iyong episode nila ni Kaye doon.
Then halos lahat yata ng movies na kasama siya---kahit iyong pa-extra-extra lang siya---pinapanood ko. At siyempre, ang latest ay iyong Suddenly Its Magic. Hindi ko crush si Mario, hindi rin ako fan ni Erich. Pero dahil nakita ko sa poster ang name ni Guji, niyaya ko ang mga friends ko. At kaya lang sila nanonood, dahil niyaya ko sila! He-he! Hindi naman ako tumili dun sa sinehan pero talagang inabangan ko lang ang paglabas ni Guji. At alam na alam ko kung ano lang ang mga words na sinabi niya---"Will you marry me", "Joey" and "Sino ka?". Nakakatawa pero siya lang talaga ang inabangan ko. The rest, na-bored lang ako sa sinehan. Di ko kasi trip iyong story! He-he! Parang ganoon rin iyong sa "Till My Heartaches End" eh. XD
Then may "Lorenzana" pen name. Wala po akong kamag-anak na Lorenzana. Kay Guji ko lang po iyon kinuha! He-he.
And our dog. Our dog was named after Guji, too! He-he. But she's a girl. Akala ko kasi noong una, boy ung dog namin kaya Guji ang pinangalan ko. Hindi ko na naman pinalitan nung nalaman kong girl pala siya dahil nasanay na siya. Kaya hanggang ngayon, Guji pa rin! He-he!
So ayon, super fan girl yata ako ni Guji. Pero na-realize ko nga na mas magandang mag-fan girl dun sa mga hindi ganoon kasikat na tao dahil sa movie na Suddenly Its Magic. Kasi mas less iyong kaagaw ko sa kanya. XD
XX
Cady
No comments:
Post a Comment