Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Sunday, November 18, 2012

4th book - Forever With You


Good evening! ~~ My fourth book was out last November 7, 2012 at ngayon lang ako nakapag-blog about this dahil ngayon lang ako sinipag. Ahehe! So dahil naging tradisyon ko na ang mag-blog about sa mga released book ko, magba-blog ako. And ahmmm. approved na nga rin pala si Cash! (Gusto ko sanang iibang post ito, iyon nga lang baka tamarin ako, so sama na lang dito, hehe!) Basta, di ko expected talaga ang mga nangyari last last week. But I'm happy :) Anyway, I love the cover rin pala ng 4th book ko. Green! OMG! I'm so in love with green so imagine my happiness.

Forever With You: Released Date: November 7, 2012 




“Gumawa tayo ng rules! Hindi kasali ang kiss!” giit ni Lady kay Guji.

“Ha? Eh, paano tayo magiging effective na lovers niyan kung walang kiss?”

“Puwede namang holding hands o hug basta walang kiss!”

He twitched his lips. “At bakit naman? Masama ba ang lasa ng mga labi ko kaya ayaw mong mahalikan akong muli?” sabi nito at unti-unti pang inilapit ang mukha sa kanya.

Parang binabayo ng sampung kabayo ang dibdib ni Lady habang inilalapit ni Guji ang mukha nito sa mukha niya. Naguguluhan si Lady sa nangyayari sa kanya. Nagkakasundo pa lang sila ni Guji sa mga batas na gagawin nilang palabas pero pakiramdam niya ay nagtataksil na ang puso niya. Hindi siya puwedeng ma-in love dito dahil nagpapanggap lang silang magnobyo. 

Kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Guji was a self-professed playboy. She shouldn’t fall for his overpowering charms. Ngunit kaya ba niyang tanggihan ang makulit na puso niya? Lalo na at ipinaglihi yata sa asukal ang lalaking wala na nga silang audience ay feel na feel pa rin ang pagiging artista nito?


x Facts and Trivias portion:

--- The hero---was nicknamed after my major-major crush, Guji Lorenzana! Mahahalata mo naman iyon dahil sa nakakahiya kong proposal sa authors note ng book! Kahiya kasi naibigay ko kay Guji ang book at nabasa niya iyon! Hehe! Hindi ko ginamit ang real name niya dahil baka hindi puwede iyon kasi di naman ako nagpaalam sa kanya. Ginawa ko na lang na Junior kasi Junior talaga si Guji. Gregorio Lorenzana Jr. ang real name niya while here is aGUstin guirado JunIor. --- naka-up ang iba para malaman niyo kung paano naging Guji iyon :D

--- The heroine---Lady---that was because my pen name "Cady", malapit sa name na iyon and "Joy" came from my second real name at ang surname, dahil sa Alonzo's ni Ate Karen sa trilogy niyang Cupids Match.

--- Nakuha ko ang plot na ito habang nakikinig ako kay DJ Chacha ng mga 11 na yata un ng gabi. Nandoon kasi ako sa mga Lola ko at nasasanay akong natutulog ng gabing-gabi na tuwing bakasyon kaya di ko pa feel matulog. So nakinig na lang ako kay DJ Chacha. Iyong caller niya doon, siya ang inspirasyon ko kay "Claudine" na sobrang tanga sa pag-ibig. Nakaisip tuloy ako ng simula ng novel at nagtuloy-tuloy na hanggang mabuo ang kuwentong ito. And I got Claudine's name from my friend, Claudine Sampana. And Rene, dahil sa may gusto sa kanyang classmate namin na si Renz. ^_^ So you see, iba pa rin sa reality.

--- Mga 2 weeks ko rin itong sinulat kasi nagmahal na araw noon. At di ako pinapayagan ni Mom na magsulat kapag mahal na araw kaya naman natagalan. At nang natagalan, di ko tuloy siya masyadong na-enjoy sa huli.

--- Marami akong favorite parts dito. Iyon nga lamang, para sa akin, sobrang common ng kuwento niya kaya nagulat ako nang ma-approve talaga ito ng wala man lang revisions. Parang mababaw rin ang conflict ko sa dulo na ilang beses ko rin na pinalitan. But I'm so glad na-approved siya agad! Sino ba naman ang hindi matutuwa sa ganoon `di ba?


Wala na akong maidagdag so I guess ito na lang talaga. Hehe!

Xx
Cady

No comments:

Post a Comment