Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Monday, July 21, 2014

Masakit pa rin pala.

So this post was about sadness again.

Today. I received the feedback of my last month submitted manuscript and unfortunately it was returned. Returned. After almost two years, ngayon na lang muli ako nagkaroon ng feedback na ganito. And what hurts the most, the book was under my latest trilogy. The last book actually.

Noong makita ko na may nag-email sa akin about doon, parang balewala na sa akin. I was expecting it though. Nang makita kong naka-attached siya, sa isip-isip ko, revised ito. That what happens on my 2nd book. Naka-document lang ang feedback. Kaunting revision lang `yun, actually. Then today... I didn't expected it. Hindi ko nga agad binasa yung pinaka-feedback dahil nasa isip ko nga, revision. Tinignan ko lang muna kung gaano kahaba and then...make it to the top. And saw it. </3

I am used to returned manuscripts when I was just starting. Marami akong na-returned na MS. Dati parang okay lang kasi sa isip-isip ko, it was a way to teach me for my mistakes. Tapos ngayon, na nasanay na akong hindi nagkakaroon, it felt like my whole world shattered. Dumami ang pangamba sa puso ko for my submitted manuscripts. Nag-doubt ako sa sarili ko kung kaya ko pa ba, kung itutuloy ko pa ba ang pagsusulat.

And I almost cry. Ang sakit lang. May option to revise naman which I really intend to do. Feeling ko kasi, naging marami lang ako pagkukulang sa pag-e-establish. Although yung iba doon, nailagay ko naman talaga. Siguro hindi nga lang siya gaanong na-establish kaya hindi kapani-paniwala. May pagka-action mystery kasi yung novel na yun. My first time to try though which the techie stuffs, na-inspired naman ako sa novel na Mata sa Dilim. Nag-enjoy rin ako sa pagsusulat kaya hindi puwedeng hindi ko siya babaguhin. (At tinatamad rin ako actually gumawa ng bago. Hehe)

(At naiiyak ulit ako ngayon) Haay. Madalas na talaga akong nagdududa sa writer self ko. Kapag nagpatuloy pa itong mga ganito, sign na. Sign na talaga na itigil ko ang pagsusulat at maghanap na ng trabaho.

Which I would just think....parang nabibiyak na agad ang puso ko.


xx

Cady Lorenzana

Sunday, July 13, 2014

Mature...

I'm back! Chos. This is a writing post anyway. Okay---correct that, writing rant.
n
Hanggang ngayon, ayaw ko pa magtrabaho. Ayaw ko kasi mawala ang focus ko sa pagsusulat. Not yet. Not now. I am still enjoying at pakiramdam ko kapag nagtrabaho ako ngayon, mawawala na ako sa mundo ng pagsusulat just like what happened when I have my training in Toyota. Totally, wala talaga ako naisulat sa buong OJT days ko so I feel that when I work full time now using my degree, hindi ko na magagawang magsulat muli.

Wala pa naman akong problem sa ngayon. Actually, nakakatuwa nga dahil feeling ko every week ako nakakapagsulat ng bagong MS. Kung tutuusin, kung `di lang talaga matagal ang suweldo, mas malaki ang kinikita ko sa mga friends ko na ngayon ay nagwowork na. And the fact that I also love what I am doing. Nasa bahay lang ako. Natutulungan ko pa ang Mommy ko. I have my own work time, I have my own rules.

Pero `di ko maiwasang punahin naman ang sinusulat ko ngayon. Dahil ba sa graduate na ako kaya nagiging ganito ang takbo ng utak ko? Dahil napapabasa na rin ako ng ero? O sadya lang talagang ngayon ko lang na-discover ang malaswa kong pag-iisip? He-he. Feeling ko lang naman, nagma-mature na ako. If you have read my last posts... I do bed scenes na. At itong ginagawa ko ngayon `di naman talaga siya ganito ka ano... you know.. hehe. Pero napapadami ang seduction parts.

I think that I am getting out of my comfort zone. Lumalabas na ako sa mundo ng playboy. Nasa era na ako ng mga aroganteng hero. Yeah, kind of arrogant ang mga lalaki ko sa bago kong trilogy. At pati na rin sa bago kong MS na sinusulat ngayon. At sa sobrang pagka-arogante niya, pakiramdam ko, ang bigat bigat na ng dibdib ko. Bukod kasi sa pagiging arogante ay galit rin siya. Ang hirap pala palambutin ng puso ng ganito. Ahehe.

Anyway, sa ngayon ay ito pa lang naman ang masasabi kong problema. Plus nahihilig rin ako sa medyo drama kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Try ko nga magsulat ng light stories muli next time. Iyong tipong rom com rin. Nami-miss ko na ang ganoong tinig ni Cady... Hehe. Sana soon. After my another translation siguro.

PS: And please pray for that, too? He-he. Kaya siguro naging ganito ang MS ko ngayon dahil sa trinanslate ko na yun.


xx

Cady