I'm back! Chos. This is a writing post anyway. Okay---correct that, writing rant.
n
Hanggang ngayon, ayaw ko pa magtrabaho. Ayaw ko kasi mawala ang focus ko sa pagsusulat. Not yet. Not now. I am still enjoying at pakiramdam ko kapag nagtrabaho ako ngayon, mawawala na ako sa mundo ng pagsusulat just like what happened when I have my training in Toyota. Totally, wala talaga ako naisulat sa buong OJT days ko so I feel that when I work full time now using my degree, hindi ko na magagawang magsulat muli.
Wala pa naman akong problem sa ngayon. Actually, nakakatuwa nga dahil feeling ko every week ako nakakapagsulat ng bagong MS. Kung tutuusin, kung `di lang talaga matagal ang suweldo, mas malaki ang kinikita ko sa mga friends ko na ngayon ay nagwowork na. And the fact that I also love what I am doing. Nasa bahay lang ako. Natutulungan ko pa ang Mommy ko. I have my own work time, I have my own rules.
Pero `di ko maiwasang punahin naman ang sinusulat ko ngayon. Dahil ba sa graduate na ako kaya nagiging ganito ang takbo ng utak ko? Dahil napapabasa na rin ako ng ero? O sadya lang talagang ngayon ko lang na-discover ang malaswa kong pag-iisip? He-he. Feeling ko lang naman, nagma-mature na ako. If you have read my last posts... I do bed scenes na. At itong ginagawa ko ngayon `di naman talaga siya ganito ka ano... you know.. hehe. Pero napapadami ang seduction parts.
I think that I am getting out of my comfort zone. Lumalabas na ako sa mundo ng playboy. Nasa era na ako ng mga aroganteng hero. Yeah, kind of arrogant ang mga lalaki ko sa bago kong trilogy. At pati na rin sa bago kong MS na sinusulat ngayon. At sa sobrang pagka-arogante niya, pakiramdam ko, ang bigat bigat na ng dibdib ko. Bukod kasi sa pagiging arogante ay galit rin siya. Ang hirap pala palambutin ng puso ng ganito. Ahehe.
Anyway, sa ngayon ay ito pa lang naman ang masasabi kong problema. Plus nahihilig rin ako sa medyo drama kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Try ko nga magsulat ng light stories muli next time. Iyong tipong rom com rin. Nami-miss ko na ang ganoong tinig ni Cady... Hehe. Sana soon. After my another translation siguro.
PS: And please pray for that, too? He-he. Kaya siguro naging ganito ang MS ko ngayon dahil sa trinanslate ko na yun.
xx
Cady
No comments:
Post a Comment