Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, October 28, 2011

Happily Ever After in His Arms - First Book

Buhay na si Cady! November 2, 2011, unang makikita sa stores ang aking pinakaunang published na novel. Sana maka-harbat kayo. Excited ako na kinakabahan :))) Sana walang mang-okray. Harhar



Happily Ever After In His Arms 

By Cady Lorenzana

“Ano ba’ng meron sa `yo at dinadaga ang puso ko sa katorpehan?”



Hatred. Iyon ang nararamdaman ni Kate para sa best friend ng kuya niya na si Rodney. Paano ba naman, mula nang magkakilala sila ay wala nang ginawa ito kundi ang inisin siya. Kaya kahit saksakan pa ito ng guwapo, wala siyang ka-amor-amor dito.



Nadagdagan pa ang pagkainis niya rito nang malaman niyang ito pala ang dahilan kaya hindi pa siya nagkaka-boyfriend ever. Hinaharang at pinagbabantaan pala nito ang lahat ng manliligaw niya. Pakiramdam niya ay sinira nito ang buhay niya dahil sa pakikialam nito sa love life niya. 


Bilang ganti, pinahirapan niya ito. Pero hindi niya na-foresee na ang pagpapahirap pala rito ang magiging susi para mabuksan nito ang kanyang puso…



- Kahapon ko nalaman na mare-release na pala siya next week. And ahmm, ahmm... Hahahaha... Mag-isa nga lang akong naglalakad sa festival nang makita ko noti sa facebook mobile ni Ate Karen na nagko-congrats. Grabe, mangiyak-ngiyak ako na hindi malaman sa tuwa. Ahehehe. Para lang akong ewan ^__^ Ang daming nagko-congrats at binabaha ang wall ko. I was so overwhelmed talaga. Iyon nga lamang, sana marami ang tumangkilik. ^___^


FACTS AND TRIVIA'S:


x Rodney's name came from a slight crush na nakita ko nung RC-JPIA nang kami ay isa sa mga organizer o nag-aasikaso. Slight lang kasi siya lang iyong nakita kong maayos-ayos ang itsura doon. Abrenica surname niya kasi bigla yatang lumabas si Aljur Abrenica sa TV habang nagsusulat ako. Basta galing iyon kay Aljur :D Then the Snoopy thing---magka-rhyme kasi eh? hehehe. RODNEY SNOOPY


x Kate naman sa heroine kasi feeling ko kay Kate Middleton yata? Then Itch kasi may tita feeling ko cousin ko na din na si Kathy, tawag nung mga pinsan ko, Itch. Iyong surname niya nga pala, nakuha ko kay Aria Clemente kasi habang nag-iisip ako ng surname niya, biglag nagtweet si Aria.


x Ang unang scene ay singing in the shower dahil bago ko isulat ang chapter one, kumanta muna ako sa banyo :)


x Marry your daughter, isa sa mga themesong kasi nag-adik ako sa pakikinig diyan habang sinusulat ko siya. Iyong I'd rather naman in Piano version na tinugtog ni Rodney sa bar, naadik din ako doon :)


x Kevin iyong kapatid ni Kate kasi iyon lang iyong naisip kong malapit sa name niya. Habang ginagawa ko ang character niya, iniisip ko Kuya ko.


x Halos pareho kami ng character ni Kate. Financial Management course ni Kate, parang akin din, Management Accounting lamang ang tawag. Pareho kaming 5 feet ang height. Mahilig sa cookies. Feeling prinsesa sa bahay. Daddy's girl. Parehas kaming wala ng Daddy.




x My favorite part is iyong kumanta si Rodney ng Marry Your Daughter sa puntod ng Daddy ni Kate. Iyon kasi ang isa sa mga gusto kong gawin ng magiging boyfriend ko in the future. :)

Azec Chase.♥ aka as Cady Lorenzana

Wednesday, October 26, 2011

Nahuhulog na ba ako?

PS: Pipilitin kong mag-tagalog para kapag nakita niya ito, hindi niya maiintindihan?

Y/day saka nung isang araw, nagpunta ako sa bahay nila Jenny. Doon kami natulog. Nag-enjoy ako. Sobrang saya. Para lang akong nasa bahay namin kung umasta. ^___^ Ang saya-saya talaga. Kung anu-anong kalokohan ang ginawa namin. Muntik ko ng sirain ang eardrums ng kapitbahay nila Jenny at ng mga kaklase ko dahil sa pagvi-videoke. Hahaha.

Masasabi ko, sa lahat ng sleep over na napuntahan ko, dito ang totally nag-enjoy talaga ako. At dito rin ako nakaranas ng pinakamahaba kong tulog sa isang sleep over : 2 hours. Hahaha.

Anyway, nagsimula ako sa birthday ni Jenny dahil dito ka na-realize ang mga bagay tungkol sa amin ni... Well, hindi ko puwedeng sabihin ang pangalan dahil baka makita niya. Medyo nainis ako kasi nabasa niya pala iyong blog ko. Eh iyong last post ko pa naman, may nakalagay na something tungkol sa kanya. Hindi ko talaga expected na mababasa niya iyon. :(( Kaya nakakahiya. Although, binura ko iyong part na iyon nang sabihin niya sa akin na nabasa niya.

Siya ay isang lalaki na nakilala ko lang sa internet. Dalawang buwan na yata or so kami nagkakilala through sa isang site na for chatting. Noong una, talagang friends lang. Nilinaw na namin iyon sa isa't isa. Okay na, eh. Then ngayon, unti-unting pina-realize sa akin ni Franz na nagpaka-boy Abunda noong Friday na para daw may something. Hindi ko akalain na para ngang may something. Bakit daw ba kasi ako ganito kapag ganoon? Parang may feeling ako na gusto ko siyang makausap palagi.

Isipin mo, interview ako ng 2:30am to 3:30am dahil lang sa kanya. Then tinanong nila ako kung ilan ba daw iyong percent na in love ako. Sabi ko, 30%. Ang dami nilang pinarealize sa akin. Medyo tama nga naman. Peo masarap talaga siyang kaibigan, eh. Ewan ko. Minsa, parang obligado na akong i-chat siya pero gusto ko naman. Haay, ewan ko ba. Sabi nila, in love na daw ako. Ewan ko. Di ko rin sure. I-ask ko iyong best friend ko about this. Pupunta ako sa kanya mamaya, eh.

Anyway, sana hindi ako in-love. Dahil kung sakali, hindi ito magwo-workout.

3rd post for OCTOBER. At least, hindi iyong sembreeeeeeeeak ang last post ko. :))

Azec Chase. ♥

Monday, October 24, 2011

Sembreaaaaaaaaaaaak!

This is my 2nd post ngayong October. And so sorry talaga, blogger. Kasi naman bumagal net namin, eh. Pasensya ka na talaga. Mukhang dalawang post lang ang magagawa ko ngayong buwan. ahehehe.

Anyway, its already SEMBREAK! I was glad. 3 weeks vacation. :))))) No school, no business stat but no allowance. Harhar. But that's okay. I have a lot of time to earn money because of writing. But the problem is--i don't know what will I write.

I was excited na sa sembreak kasi nga gusto kong magsulat. But holy shit naman, oh! Ang dami ko ng ideya nung isang linggo. Pero nung tina-type ko na, pumapangit. Bakit? Ewan ko. Naiinis na talaga ako sa sarili ko. :(((

Naiiyak na nga ako, eh. I told myself 2 MS. 2 MS. 2 MS. Ngayong sembreak! Pero wala pa rin kahit isa. I need a good plot. Iyong walang sabit. Pleeeeeeeeaaaaaaaaaase?! And nga pala, iyong book ng the son of neptune, wala pa rin. huhu. meron na pala, naubusan lang ako. Kainis lang. Birthday nga pala ni Jenny bukas, doon kami tutulog, so it means, di ako makakapagsulat. Sa wednesday naman, pagod ako for sure. Thursday, celebration kay Sheena. Tapos mag-weekends na naman at malapit ng mag-november 1. Di sana ako mag-aalala kung may laptop ako, eh. pero WALA, WALA, WALA!

Haay, nagtatampo ako kagabi. Ayaw ko na sabihin ang reasons pero naiyak ako. Ang dami kong nare-realize. Unfair talaga ang buhay.

Pero alam mo kung ano ang masasabi ko? Leech kasi napakawalang kuwenta ng post ko! KTHNXBYE.

Azec Chase. ♥

Tuesday, October 11, 2011

Hell week

Sa lahat ng ayaw kong week sa mga sems, ito ang pinakaayaw ko. A week before the finals exam. My mom asked me y/day, "finals niyo na?" I said, "Sana nga finals na." Kasi naman, mas gusto ko pang mag-finals na kaysa magkandaletse-letse sa requirements. But good thing, iyong business writing na lang problem ko... And of course the clearance. harhar.

Kaya naman ito ako, wala pa natatapos kasi sa dami ng kailangang gawin. May MTV din kasi kami sa Literature. Lima un. Kaya talagang gahol kami sa oras kasi naman last week lang nag-group. Tapos masyado pa kaming busy. Plus the added fact na kinawawa ung group namin. huhu. Kaya honestly, wala pa akong matinong tulog, este matinong gising this past few days.... Masaya lang ngayon kasi tapos na. Magkakaroon na rin ako ng matinong tulog mamaya :D



Anyway, first post ko pala ito ngayong October. ^__^
Azec Chase.♥