PS: Pipilitin kong mag-tagalog para kapag nakita niya ito, hindi niya maiintindihan?
Masasabi ko, sa lahat ng sleep over na napuntahan ko, dito ang totally nag-enjoy talaga ako. At dito rin ako nakaranas ng pinakamahaba kong tulog sa isang sleep over : 2 hours. Hahaha.
Anyway, nagsimula ako sa birthday ni Jenny dahil dito ka na-realize ang mga bagay tungkol sa amin ni... Well, hindi ko puwedeng sabihin ang pangalan dahil baka makita niya. Medyo nainis ako kasi nabasa niya pala iyong blog ko. Eh iyong last post ko pa naman, may nakalagay na something tungkol sa kanya. Hindi ko talaga expected na mababasa niya iyon. :(( Kaya nakakahiya. Although, binura ko iyong part na iyon nang sabihin niya sa akin na nabasa niya.
Siya ay isang lalaki na nakilala ko lang sa internet. Dalawang buwan na yata or so kami nagkakilala through sa isang site na for chatting. Noong una, talagang friends lang. Nilinaw na namin iyon sa isa't isa. Okay na, eh. Then ngayon, unti-unting pina-realize sa akin ni Franz na nagpaka-boy Abunda noong Friday na para daw may something. Hindi ko akalain na para ngang may something. Bakit daw ba kasi ako ganito kapag ganoon? Parang may feeling ako na gusto ko siyang makausap palagi.
Isipin mo, interview ako ng 2:30am to 3:30am dahil lang sa kanya. Then tinanong nila ako kung ilan ba daw iyong percent na in love ako. Sabi ko, 30%. Ang dami nilang pinarealize sa akin. Medyo tama nga naman. Peo masarap talaga siyang kaibigan, eh. Ewan ko. Minsa, parang obligado na akong i-chat siya pero gusto ko naman. Haay, ewan ko ba. Sabi nila, in love na daw ako. Ewan ko. Di ko rin sure. I-ask ko iyong best friend ko about this. Pupunta ako sa kanya mamaya, eh.
Anyway, sana hindi ako in-love. Dahil kung sakali, hindi ito magwo-workout.
3rd post for OCTOBER. At least, hindi iyong sembreeeeeeeeak ang last post ko. :))
Azec Chase. ♥
No comments:
Post a Comment