Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, April 27, 2012

Sometimes...

Patapos na ang April pero pang-apat ko pa lang itong post sa blog ko this month. Sorry naman kasi tinatamad ako, eh.

Anyway, naisip ko lang na-i-blog ito. Kasi si Mommy, nang basahin iyong "I'll Stay In Love With You", ang daming tanong sa akin. Tapos noong dumating sa kissing scene, tanong nang tanong, paano ko daw iyon nasabi? Bakit daw ganoon iyong mga pinaglalagay ko doon?

Natawa ako. Naisip ko, paano nga? Well, trabaho, eh. Ganoon talaga. Kahit walang experience sa mga bagay-bagay katulad na lamang ng kissing, kailangang palakasin ang imagination. Hahaha!

Minsan, nagre-research ako. Actually, habang sinusulat ko ito, naka-open ang isang tab kung saan nagre-research ako about "how would you describe a kiss". Natatawa lang ako sa sarili ko. Bakit pati ito nire-research ko? Hahaha. I'm running out of words. Hindi ko alam kung paano ide-describe dahil baka mamaya na-describe ko na iyon sa dati kong books.

Minsan din, naiisip ko, paano kaya ako nakakagawa ng isang scene na hindi ko pa nararanasan? Or iyong isang character na malayong-malayo sa character ko?

I will give some examples:

Rodney Abrenica sa Happily Ever After in His Arms. Wala pa akong nakakausap na lawyer sa buong tanang ng buhay ko kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila or something.

Marianne Picardal in Let Me Stay With You. Wala akong kilalang theater actress bukod kay Lea Salongga. Dalawang beses pa lang din ako nakakapanood ng Theater plays sa isang theater house.

Venus de Vera in I'll Stay In Love With You. I've been to Starbucks but never pa akong nakaka-order kahit isang kape doon. Hahaha! Totoo iyon. Kaya naman naiisip ko, ano ba yan, gumawa ako ng isang character na may-ari ng coffee shop samantalang ni hindi pa nga ako nakakainom ng kape sa coffee shop.

Siguro,, bilang writer, kailangan din nating magmuni-muni o mag-research sa mga bagay-bagay para makasulat tayo ng isang scene, gumawa ng character na malayo sa kung sino tayo o mga kakilala natin. Read books or ask people. Paganahin ang imagination...


Ay, ano bang post ito, walang kuwenta! Hahaha. Maka-post lang XD

Azec Chase ♥

Tuesday, April 24, 2012

HIM

While reading, I just cant get this out of my mind thats why I stopped and open my laptop to blog this about.

Alam ko, marami na akong post dito about sa taong ito. Well, by now, he's a special friend to me. And I know, I think, ganoon din naman siya sa akin. Its been 7 months since we knew each other at hindi ko maiwasang mapa-wow kapag naaalala ko iyon. You see, 7 months of chatting? May chatmates bang nagtatagal ng ganoon in real life? (May nagsabi sa akin once nito) :P

Anyway, nakilala ko siya sa isang chat site dahil bored ako ng araw na iyon. I just want to have friends and know people when I remember my friend told me about this site. Noong sinabi niya iyon sa akin, kapag bored lang talaga ako pumupunta doon kasi ang daming ****** doon. If I encounter one, I always disconnect. Pero good thing, naka-tiyempo ako ng isang matino. And that was HIM.

I told myself, I will make a new email ad for this. Kaya nang ibigay niya sa akin ang email ad niya, okay lang kasi hindi talaga un ang personal email ko. Sabi ko noong una, baka lokohan lang. Pero hindi ko aakalaing tatagal ng ganoon.

Sometimes, I ask myself, bakit nga ba tumagal ako ng ganoon kausap sa kanya? Hindi naman siya guwapo. Ang layo-layo pa ng personality niya sa akin bukod sa malayo din iyong place niya sa tinitirhan ko. Ina-ask nga din niya ako, bakit daw ganoon? I will always say naman kasi sensible siyang kausap. And that's true.

When I am down, hindi niya ako dina-down pa lalo. Marami kasi akong experiences sa ganyan and it hurts really. Iyong feeling na kapag mababa ka sa exam, sasabihin pa, bakit ang baba mo? Nakakainis lang kasi parang pinapamukha nila sa `yo na ang bobo mo kasi mababa ka sa exam. Pero siya, kapag sinasabi ko sa kanya na ganoon, he will always say that there is next time. In short, at least na sabihin niya sa akin ang mga bad things, mino-motivate niya pa ako.

Honestly, siya talaga ang motivator ko sa pag-aaral. Lalo na sa Math. He was very good in Math, unlike me. Kaya kapag nag-e-exam sa Math, palagi ko siyang iniisip. Parang palaging nasa isip ko na, I need to have a high grades para matuwa siya sa akin. Ewan ko, basta ganoon iyong feeling ko. Tapos kapag nag-aaral ako, sinusunod ko iyong mga tips na binibigay niya sa akin. And its effective.

Minsan, iniinis niya din ako like sending me frog pictures. Pero kahit nakakainis, nawawala din iyong inis. Kasi naman, nagso-sorry din agad siya. Tapos one time pa nang sinabihan ko siya sa chat ng I hate you, nag-out na siya na lalo ko pang kinainis. But around midnight sa kanila, minail niya ako telling that he is sorry. Hindi daw siya makatulog kapag naiisip niyang galit ako sa kanya.

Then he is so honest to me. Paano ko nasabi? Well, sinasabi niya lahat-lahat sa akin. Even bad things! Ha-ha. Ako naman, okay lang kasi at least hindi siya plastic di ba? Hindi katulad ng iba na pa-sikre-sikreto pa. Kunwaring pahinhin effect pero un pala, nasa loob ang kulo. Mas ayaw ko naman `nun `no.

But the thing I like the most in HIM is that he RESPECTS ME. He's a guy and I know things that a guy do. He never told me to his friends. Why? Kasi kapag sinabi daw niya ako sa kanila, mag-iisip sila ng masama sa akin. You know, something fishy between us. At first, I find it bad. Pero nang ine-explain niya sa akin iyong "fishy" thing, na-touch ako. Ayaw niya akong ipakilala sa iba dahil ayaw niyang mag-isip ng masama ang iba sa akin. Marami pa akong puwedeng patunay dito sa RESPECT ME thing, pero dahil baka mahirap i-explain dahil baka kung ano ang isipin ng iba, hindi ko na lamang isusulat. :)))

Anyway, hindi ko siya jowa, okay? hindi rin MU. Ay puwede rin pala, malabong usapan! Hihi.. Night!

Azec Chase ♥

Saturday, April 21, 2012

I'll Stay In Love With You - 3rd book

Tamad na tamad akong mag-blog post. Hahaha. Medyo sinipag lang ako ngayon... Anyway, my 3rd book was released last Wednesday... Thank you na agad sa lahat ng bumili! I already have my own copy :) May nakita lamang akong mali sa timeline---and I think sa pagkaka-edit iyon nagkamali. Pero keri gore, gusto ko ung pagkaka-edit sa kuwento. :)

This is the cover of my 3rd book under PHR and its teaser/caption:




I’ll Stay In Love With You
By Cady Lorenzana

“Ang dami kong nakilalang magagandang babae, pero hindi ko naramdaman sa kanila ang ganitong klase ng happiness at contentment… Kaya kung iniisip mong wala kang binatbat sa kanila, huwag. Dahil sila ang walang binatbat sa iyo.”

Habang masaya at “love is in the air” ang drama ng mga tao sa paligid ni Venus, siya naman ay naroon sa isang sulok, nagkukukot ang kalooban. Naturingang katukayo niya ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig, pero zero ang love life niya. Sa edad niyang beinte-sais, ni wala pa siyang first kiss!
Mukhang naawa sa kanya ang “anak” niyang si Kupido. Isang gabing lasing at depressed siya dahil sa kawalan ng love life, dinala nito sa harap niya ang kanyang Prince Charming. Hindi nakapagpigil ang puso niyang excited nang ma-in love, hinablot niya ito at hinalikan sa mga labi. The kiss felt good, it was almost divine. 
Pero nang mawala ang espiritu ng alak sa sistema niya, nahindik siya sa natuklasan. Ang lalaking hinalikan niya at napagkamalang kanyang Prince Charming ay walang iba kundi si Derrick Ramirez, ang lalaking unang minahal niya at siya ring dumurog sa puso niya noon…


FACTS AND TRIVIA'S PORTION:

x I got Derrick's name from my cousin's friend... Derrick iyong name niya and he's so cute. Hihi. Crush ko na sana siya pero feeling ko child abuse ako kasi Highschool pa lang siya :P

x Some of the name ng mga character dito, nakuha sa name ng mga ka-SMP ko. Naligaw yata ako sa group ng SMP habang nag-iisip ako ng names ng mga ibang character... Then si Franz Ian, galing siya sa name ng 2 kong friend na boys... Si Franz at si Ian. He-he. Tapos ung surname niya, pinagdugtong ko ung middle name ni Ian saka ung surname ni Franz. Ian's middle name is Almada and Franz is Aquino ^__^

x Favorite character ko dito si Artemis. Medyo na-inspired ako dahil sa 100 days to Heaven. Cute kasi ni Xyriel. Un, siya ung naging inspiration ko para sa kanya.

x I've thought about the whole plot nang magising ako ng alas tres yata ng madaling araw... tapos inisip ko iyong mga scenes nang pauwi ako galing sa SM Lipa dahil ang haba ng binyahe ko papunta sa bahay namin w/c is dapat mga less than an hour lang naman kasi naka-bus ako.

x Inspiration ko din ang sarili ko sa character ni Venus. Wala pa rin kasi akong first kiss kahit nagka-BF na ako :P


x Una nga palang pina-revise sa akin ang kuwentong ito. Then na-returned :( Pero nang inayos ko naman muli, na-approved na :) Muntik ko na nga itong iyakan dati nang na-returned siya kasi feeling ko nagkapatong-patong ung problema ko noong mga days na un.

x Nasa last part na ako ng kuwento nang makaisip ako ng title. Kinuha ko lamang doon sa isang lines sa kuwento. Wala kasi akong maisip na title :P


x Wala na akong maisip so I guess okay na ito. :P

Azec Chase ♥

Thursday, April 12, 2012

:(

Matagal bago muli ako nakapag-post dito sa blog ko dahil nagka-issue about sa isa kong post dito. But I erased it na... Anyway, ayaw kong pag-usapan iyon. Pero kahit ganoon, sad pa rin ako. I've been suffering for problems this days...And I hate it.

I am writing a manuscript na plano ko sana, one week ko lang gagawin. Pero tapos na ang one week ay hindi ko pa rin tapos. Puwede kong idahilan ang HOLY WEEK kasi ayaw akong pagsulatin ni Mommy. Puwede naman daw un after na lang so sinunod ko ung advice niya. Bad thing, nawala iyong mood ko sa pagsusulat after holy week. Ang masama pa, nakita ko ung parang magiging problema sa manuscript ko.

Saklap lang kasi kanina nasa 18k na ako and I feel like I want to erase it all. But I didn't. Ang nangyari? Feeling ko kukulangin ako ng words. Haay, ang hirap talagang maging writer... Minsan nga, gusto ko ng umayaw. But still, passion ko ito. Kapag wala naman kasi akong ginagawa sa bahay, naiisip ko lagi ang MS word. Ung mga character and etc. etc... Haay, ang gulo ko...

Anyway, please pray for this one. Sana umayos at ma-approve. Good night!