Alam ko, marami na akong post dito about sa taong ito. Well, by now, he's a special friend to me. And I know, I think, ganoon din naman siya sa akin. Its been 7 months since we knew each other at hindi ko maiwasang mapa-wow kapag naaalala ko iyon. You see, 7 months of chatting? May chatmates bang nagtatagal ng ganoon in real life? (May nagsabi sa akin once nito) :P
Anyway, nakilala ko siya sa isang chat site dahil bored ako ng araw na iyon. I just want to have friends and know people when I remember my friend told me about this site. Noong sinabi niya iyon sa akin, kapag bored lang talaga ako pumupunta doon kasi ang daming ****** doon. If I encounter one, I always disconnect. Pero good thing, naka-tiyempo ako ng isang matino. And that was HIM.
I told myself, I will make a new email ad for this. Kaya nang ibigay niya sa akin ang email ad niya, okay lang kasi hindi talaga un ang personal email ko. Sabi ko noong una, baka lokohan lang. Pero hindi ko aakalaing tatagal ng ganoon.
Sometimes, I ask myself, bakit nga ba tumagal ako ng ganoon kausap sa kanya? Hindi naman siya guwapo. Ang layo-layo pa ng personality niya sa akin bukod sa malayo din iyong place niya sa tinitirhan ko. Ina-ask nga din niya ako, bakit daw ganoon? I will always say naman kasi sensible siyang kausap. And that's true.
When I am down, hindi niya ako dina-down pa lalo. Marami kasi akong experiences sa ganyan and it hurts really. Iyong feeling na kapag mababa ka sa exam, sasabihin pa, bakit ang baba mo? Nakakainis lang kasi parang pinapamukha nila sa `yo na ang bobo mo kasi mababa ka sa exam. Pero siya, kapag sinasabi ko sa kanya na ganoon, he will always say that there is next time. In short, at least na sabihin niya sa akin ang mga bad things, mino-motivate niya pa ako.
Honestly, siya talaga ang motivator ko sa pag-aaral. Lalo na sa Math. He was very good in Math, unlike me. Kaya kapag nag-e-exam sa Math, palagi ko siyang iniisip. Parang palaging nasa isip ko na, I need to have a high grades para matuwa siya sa akin. Ewan ko, basta ganoon iyong feeling ko. Tapos kapag nag-aaral ako, sinusunod ko iyong mga tips na binibigay niya sa akin. And its effective.
Minsan, iniinis niya din ako like sending me frog pictures. Pero kahit nakakainis, nawawala din iyong inis. Kasi naman, nagso-sorry din agad siya. Tapos one time pa nang sinabihan ko siya sa chat ng I hate you, nag-out na siya na lalo ko pang kinainis. But around midnight sa kanila, minail niya ako telling that he is sorry. Hindi daw siya makatulog kapag naiisip niyang galit ako sa kanya.
Then he is so honest to me. Paano ko nasabi? Well, sinasabi niya lahat-lahat sa akin. Even bad things! Ha-ha. Ako naman, okay lang kasi at least hindi siya plastic di ba? Hindi katulad ng iba na pa-sikre-sikreto pa. Kunwaring pahinhin effect pero un pala, nasa loob ang kulo. Mas ayaw ko naman `nun `no.
But the thing I like the most in HIM is that he RESPECTS ME. He's a guy and I know things that a guy do. He never told me to his friends. Why? Kasi kapag sinabi daw niya ako sa kanila, mag-iisip sila ng masama sa akin. You know, something fishy between us. At first, I find it bad. Pero nang ine-explain niya sa akin iyong "fishy" thing, na-touch ako. Ayaw niya akong ipakilala sa iba dahil ayaw niyang mag-isip ng masama ang iba sa akin. Marami pa akong puwedeng patunay dito sa RESPECT ME thing, pero dahil baka mahirap i-explain dahil baka kung ano ang isipin ng iba, hindi ko na lamang isusulat. :)))
Anyway, hindi ko siya jowa, okay? hindi rin MU. Ay puwede rin pala, malabong usapan! Hihi.. Night!
Azec Chase ♥
He seems incredible. Ang sarap lang sa feeling makahanap(in the most unlikely of places... or in your case, website) ng ganyang lalaki, sensible nang kausap, malaki pa ang respite sa'yo. :)
ReplyDelete:)
ReplyDelete