Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, April 27, 2012

Sometimes...

Patapos na ang April pero pang-apat ko pa lang itong post sa blog ko this month. Sorry naman kasi tinatamad ako, eh.

Anyway, naisip ko lang na-i-blog ito. Kasi si Mommy, nang basahin iyong "I'll Stay In Love With You", ang daming tanong sa akin. Tapos noong dumating sa kissing scene, tanong nang tanong, paano ko daw iyon nasabi? Bakit daw ganoon iyong mga pinaglalagay ko doon?

Natawa ako. Naisip ko, paano nga? Well, trabaho, eh. Ganoon talaga. Kahit walang experience sa mga bagay-bagay katulad na lamang ng kissing, kailangang palakasin ang imagination. Hahaha!

Minsan, nagre-research ako. Actually, habang sinusulat ko ito, naka-open ang isang tab kung saan nagre-research ako about "how would you describe a kiss". Natatawa lang ako sa sarili ko. Bakit pati ito nire-research ko? Hahaha. I'm running out of words. Hindi ko alam kung paano ide-describe dahil baka mamaya na-describe ko na iyon sa dati kong books.

Minsan din, naiisip ko, paano kaya ako nakakagawa ng isang scene na hindi ko pa nararanasan? Or iyong isang character na malayong-malayo sa character ko?

I will give some examples:

Rodney Abrenica sa Happily Ever After in His Arms. Wala pa akong nakakausap na lawyer sa buong tanang ng buhay ko kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila or something.

Marianne Picardal in Let Me Stay With You. Wala akong kilalang theater actress bukod kay Lea Salongga. Dalawang beses pa lang din ako nakakapanood ng Theater plays sa isang theater house.

Venus de Vera in I'll Stay In Love With You. I've been to Starbucks but never pa akong nakaka-order kahit isang kape doon. Hahaha! Totoo iyon. Kaya naman naiisip ko, ano ba yan, gumawa ako ng isang character na may-ari ng coffee shop samantalang ni hindi pa nga ako nakakainom ng kape sa coffee shop.

Siguro,, bilang writer, kailangan din nating magmuni-muni o mag-research sa mga bagay-bagay para makasulat tayo ng isang scene, gumawa ng character na malayo sa kung sino tayo o mga kakilala natin. Read books or ask people. Paganahin ang imagination...


Ay, ano bang post ito, walang kuwenta! Hahaha. Maka-post lang XD

Azec Chase ♥

No comments:

Post a Comment