I was bored---even if I need to study for our 2 remaining exams tomorrow---so I just decided to look sa books ko in my room when I saw my "only one" copy of my 2nd book, Let Me Stay With You. Tinignan ko iyong book nang matagal bago ko siya basahin muli and napasabi na naman ako ng, "I regret writing this book,"
I'm expecting too much for this book. Actually, dati I always thought this would be my first book. Hindi ko kasi talaga in-expect na ma-approved ang story ni Rodney. For me, it was just a common one. I have a returned manuscript dati kasi na sinabihan ako na common daw ang plot. So I was okay, I am ready for a "returned" again. But it got approved, but Let Me Stay With You, didn't. It was first returned to me. Ito rin ang unang book na nagpa-critic ako sa mga friends ko kaya nalaman ko ang opinion nila bago ko pinasa. Tapos na-returned siya with 2 comments lang---nasabi ko na ito dati sa post ko rin dito---so pinag-isipan ko na i-revise siya and nang ni-revise ko siya, pina-revise siya sa akin naman at iyon nga, na-approved rin sa wakas. Sa mga nakabasa nito, siguro alam niyong may pagkamalalim ang story nito. Tragic, kumbaga. Kakaiba siya doon sa dalawa pang published novels ko and yeah, doon sa mga upcoming rin.
Then nang mabasa ito ng mga classmate ko noong na-publish na, palagi niyang sinasabi sa akin na hindi niya raw gusto ito. So okay, its fine for me. You can't please anybody naman `di ba? Pero may mga nagsasabi sa akin na mas gusto raw naman nila ito, kagaya noong Tita ko. Hindi niya raw kasi gusto iyong first novel ko tapos parang marami naman sa akin na nagsasabi na maganda raw iyon kumpara dito. So I was like, naguguluhan? So siguro nga, iba-iba lang talaga tayo ng taste.
Then back to my regret. Why I do have regret? Iyon ay dahil sa pinatay ko si Casey. Minsan, napapaisip rin ako, bakit ko nga ba siya pinatay? Puwede naman siyang hindi mamatay. Then naisip ko, sabagay, reality rin naman ito. May mga tao talaga na namamatay after surgeries. Napanood ko kasi iyon dati noong bata pa ako sa isang news na after a week or so, namatay sa surgery iyong inoperahan sa puso. So I researched about it. Tapos ginawa ko siyang twist kasi nga naman, parang hindi ka mag-e-expect ng ganoon `di ba? Para maiba naman. Siguro nga, sabi nila kailangan daw maging masaya ang reader sa pagbabasa, hindi mapaiyak, hindi ma-disappoint. Pero I'm looking at the reality side...
Nangyayari talaga na nawawalan tayo sa buhay, na may mga taong sobrang naging madrama ang buhay kagaya ni Marianne, at may mga lalaking nasasaktan rin dahil sa isang babae kagaya ni Caspian. People come and go. Hindi lahat ng nagpapasaya sa atin, hindi lahat ng mahalaga para sa atin at hindi lahat ng akala natin ay hindi natin kayang mabuhay ng wala siya sa piling natin ay palaging nandiyan.
xx
Cady
No comments:
Post a Comment