Yes, you see it right. Nagsimba po kami sa Born Again Church with my Family. My brother---nagsisimba kasi siya doon because of her girlfriend and niyaya niya kami this morning na doon na lang kami magsimba instead of sa Catholic Church. Siyempre noong una nahihiya pa ako, pero napa-"oo" naman si Mommy kaya `yun, nawala iyong plano naming Mcdo after church sana. Hehe! It went well naman and ang saya lang kasi feeling ko, bumalik ako sa pagka-YFC dahil feeling ko um-attend ako ng 2 hour youth conference. :) Plus the added fact na super bait nila at feel namin na welcome kami sa kanila.
Then after the church, nagpunta kami sa Tagaytay at kasama rin namin GF ni Kuya. Medyo malapit lang doon sa church iyong Tagaytay. Ahmmm... About 30 minutes or so iyong biyahe dahil via Talisay naman kami dumaan. Gutom na kami kasi almost 12 na yata natapos iyong church and medyo traffic pa doon sa Tagaytay. Kumain kami sa Mushroom Burger na ewan ko ba kung bakit maraming tao to think na mukha lang naman siyang bahay. Hahaha! Satisfied naman ako sa food and price ng food doon. Saka kakaiba rin kasi iyong food kasi gawa sa mushroom kaya maraming kumakain.
Sandali lang kami actually sa Tagaytay. Halos kumain lang ng lunch tapos tinignan iyong view ng Taal Volcano then bumili ng saging. Hahaha. (oo, saging talaga) Si Mommy kasi, di naman siya puwedeng gumala nang matagal kasi may sakit siya. But anyway, its okay. At least, nakagala kami `di ba? Ang saya lang kasi hindi naman siya plano pero kompleto kami. Yay! Ang tagal-tagal na kasi nang huli naming magawa iyong ganoon, eh. Hindi naman kasi kami iyong family na super close to each other. Well, except for me and my Mom na best friend ko. Si Kuya kasi...medyo malayo. And tapos kasama namin siya at siya pa nag-recommend na sa Tagaytay kami pumunta. Yay! So over all, its a happy day. Thank you Lord :)
xx
Cady
No comments:
Post a Comment