So last night I was chatting with my "Good friend" on Gtalk. I was too happy that I tweeted about him chatting me because I missed him so much. Its been more than 2 weeks since we last talk. He mailed me last Sunday but because I feel so demanding, I think its not that enough. Hahaha!
Okay---I'm going to write on tagalog na.
Tuwang-tuwa ako nang i-chat niya ako kahapon. Sa totoo lang, masama nga ang loob ko sa kanya dahil na rin doon. I even tweeted, "Kinalimutan na niya ako" with a sad smiley face pa dahil na rin sa ilang araw naming hindi nagtsa-chat. Hindi na ako umaasang icha-chat niya ako last night kaya naman ang laki ng ngiti ko nang marinig ko `yung notif sounds na may nag-chat sa akin sa Gtalk. Dahil siya lang naman ang contact ko doon, alam na alam ko ng siya `yun.
Halos siya lang ang nagkuwento. Hinayaan ko siya since sabik ako sa kuwento niya. He is in a different world now because he is in a different city. Nakakatawa nga `yung una niyang chat sa akin. Para siyang nagrereport. Hehe! Tapos wala na siyang sinabi kundi about sa City na `yun. Ang gulo-gulo daw compared sa city kung saan siya nakatira dati. Sabi ko na lang sa kanya, bago ka pa lang diyan kaya siguro ganyan ang nararamdaman mo. Sanay kasi siya sa tahimik, kaya nanibago siya. Sa City siya nakatira pero dahil hindi naman ganoon ka-crowded `yung State nila compared sa state kung nasaan ang city na `yun. Pero sabi ko, masasanay rin siya. Ganoon naman talaga sa una. Kailangan niyang masanay para maka-survive. 3 months siya roon.
Then napunta na sa kung saan-saan ang usapan namin. Wala pa yata kaming 30 minutes na magka-chat kaya medyo na-disappoint talaga ako. I told that to him. I said I'm just being honest. Sabi niya... "Be patient. Be Tolerant."
At `yun talaga ang dahilan ng post ko. As in, naiiyak ako kagabi. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Bakit ba kasi magkaiba kami? Bakit ba kasi hindi siya marunong mag-multitask? Hindi ba puwedeng kahit twice a week, mag-chat kami? Hindi ba puwedeng kahit sandali, i-mail niya man lang ako since nasa CITY nga siya at for sure naman ay maraming internet shop roon?
Haay. At ako naman si tanga, HINAYAAN na lang siya. Gusto kong magpaka-demanding pero may pumipigil sa akin. I'm a girl. I shouldn't do that. Pero shit talaga! Gustong-gusto kong bumalik sa dating kami. Para akong tanga na nagpapakamartir sa kanya! Naiinis na ako sa sarili ko. Palagi kong sinasabi, makakahanap ka rin ng ibang kagaya niya. I'm trying. Kunwari binabaling ko sa iba `yung pagka-miss ko sa kanya. Pero hindi ako makapagsinungaling sa sarili ko. Hinahanap ko siya. Hinahanap ko `yung "harhar" niya. Hinahanap ko `yung ngiti ko kapag ginagamit niya `yung sense of humour niya.
Ang tangi ko na lang sagot sa sinabi niyang be patient chenes... "I'm practicing".
But f*ck, mag-iisang taon na kaming ganito pero hindi pa rin ako nasasanay. T___T
xx
Cady
No comments:
Post a Comment