Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Thursday, July 11, 2013

`Cause I'm tired to death....

The title of the blog post came from the song of KZ, Scared to Death. Palagi ko kasing naririnig kapag pinapalabas `yung trailer ng Tuhog. He-he.

These days, palagi na lang akong stress. `Yung tipong maaga na nga `yung pasok mo tapos maghapon pa. Hindi naman full load `yung araw... Pero grabe lang sa vacant. May dalawang araw kami sa isang linggo na four and a half hours ang vacant. And may isa na 3 hours. Nakakaimbyerna lang at napakagastos. Pero okay na rin, dahil sa feasibility study na `yan.

Feasibility study... Haay, puwede bang matapos ka na? Puwede bang mawala ka na? Kasi.... ikaw ang nagwawala ng social life ko. Ahahaha! Well, not at all. I can still manage to visit my social networking accounts. But these are because palagi kaming magkakausap ng mga groupmates ko sa Facebook. Naisisingit ko pa rin naman ang pag-chat kay "HIM" since I'm working on computer naman. Pero alam mo `yung feeling na gusto mo na siyang iwanan kahit gustong-gusto mo rin siyang ka-chat? Ang gulo ko `no. He was here everyday. We chat everyday. Kung siguro bakasyon ko, sobrang saya ko siguro. Eh ngayon, sa dami kong ginagawa, parang wala na akong time isipin siya.

Food. Madalas na akong nagugutom ngayon. Siguro ay dahil sa pagod. Madalas ay wala pang isang oras, gutom na agad. Pero ang masama, hindi ako nakakain ng tama. Its because of the schedule at dahil na rin sa dami ng ginagawa. Minsan nakakalimutan na or talagang `yung schedule sa school ay hindi tama para sa pagkain. Haay, kaya tuwing dinner ako bumabawi. I usually don't take vitamins but these days, I make sure I take everyday. Natatakot ako magkasakit!

Tulog. Haay, isa pa itong nami-miss ko. May mga araw naman na 8 hours ang tulog ko, but damn, minsan masuwerte na ang 5 hours. At simula pa lang yan ng FS, ha? Prelims pa lang. Paano pa sa susunod? And my afternoon nap, I missed you sooooooooooooooo much. As in that much. I always want to sleep on afternoon. That was my favorite past time---sleeping. Mas gusto ko pa matulog ng umaga kaysa gabi. Pero ni hindi ko na maalala kung kailan ako natulog ulit ng ganoon. And that is because of my fucking schedule!!!

My friends. I missed my writer friends so much. Well, I always missed them. Next week magkikita-kita sila at paano ako? Di na naman ako makakasama. Dahil sa schedule, dahil sa feasibility, dahil sa klase, dahil sa dami ng ginagawa, dahil sa malayo ang place ko sa kanila. I always feel like I am left....I feel bad with that pero may magagawa ba ako? Nandito na ito. Kailangan kong unahin `yung pag-aaral ko. Isang sem na lang ito at next sem, malaki ang chance na hindi na ako maiiwan. Its because I am planning to have my internship in Manila. Not final but I am looking forward, too. I want to live even in a sem away from our house, away from my mom. I want to be independent. I want to find myself. More explanations? Uh, basahin niyo na lang `yung assignment na sinend ko sa prof ko. That includes all the things I am planning to do in the future. (Wel,, `yun ay kung mababasa niyo! Ahahah!) There is a big chance since I wrote in my app form 3 companies located in Manila. But enough of that. I still need to tackle friends again. This day, napasabi lang naman ako sa Mommy ko ng... "Nami-miss ko na sina Melanie," tapos bigla akong napaisip, araw-araw naman kaming nagkikita pero bakit ko sila nami-miss? At napagtanto ko na dahil kahit araw-araw ay hindi rin kami nagkakasama at nagkakuwentuhan nang matagal dahil sa FS. Hindi kasi kami magkaka-group. Nami-miss ko na silang maka-chikahan nang matagal. Ahaaaaay.

Kung meron man ako naging magandang karanasan sa nakaraang araw, iyon na siguro ay dahil nakasakay na ako, (Sa wakas) sa sports car ng classmate ko. Kagroup ko kasi siya sa FS. Akala ko luxury car `yun, sports car pala. Well, mahal din naman `yun kaya puwede na rin i-consider?

At nagtataka ba kayo kung bakit pa ako nakapag-blogpost sa kabila ng ka-busy-han ko? Dahil noong isang araw ko pa ito sinusulat. Ngayon ko lang natapos. At natapos ko pa dahil maaga kong natapos ang case analysis and exam ko sa Business policy and ethics. Ahahaha! Next is... Aral naman sa Auditing Problems. :3


xx

Cady


No comments:

Post a Comment