Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, October 25, 2013

7th book - Close To You

Medyo Late! He-he.

Close To You
By: Cady Lorenzana


For the first time in her life, she felt really loved. But God was really good all the time. He made her believe in happy endings because he gave her James.

Romance writer si Frances pero hindi siya naniniwala sa love. Ni wala nga siyang pakialam sa mga nagtatangkang manligaw sa kanya. Isa sa mga naging biktima ng “wala akong pakialam sa `yo” na ugali niya noong high school pa lamang si James Torre. Pero kung noon ay hindi niya pinapansin ang mga pagpapalipad-hangin nito, ngayon naman ay ni hindi niya maialis ang tingin sa makasalanang katawan nito nang muli silang magkita. 

Dahil sa kasalanang nagawa niya sa project ng kompanya ni James, kinailangan niyang maging maid sa bahay nito. Wala kasi siyang perang pambayad dito kaya naghain ito sa kanya ng ibang option. Sanay naman siya sa mga gawaing-bahay pero hindi niya alam kung makakaya ng puso niya na uminom ng sandamakmak na kape. Para kasing oras-oras siyang hinahainan ng almusal kapag nasa harap niya ito. Torture na maituturing ang mga “pandesal” nitong palaging nakabalandra sa mga mata niya sa loob ng bahay nito. 

Malaking problema iyon, lalo na at may babae nang nagmamay-ari sa puso nito. Sinubukan niyang lumayo rito. But she couldn’t deny the fact that she wanted to get close to him. Even if she knew it was wrong.


x Facts and Trivias Portion

x I made this book last February. Dapat talaga ay entry ko ito para sa Hot Encounter imprint ng PHR na ila-launch before GFD. Pero sa kung anong kadahilanan ay hindi siya nakasama. Hahaha! So you see, the ending of this story is about GFD. ^_^

x James "Torre" ang pinili kong maging name ni James kaysa sa real surname niyang "Torres" dahil baka malito ang mga readers kung Torres rin ang ilalagay ko since ginamit kong surname ng mga heroes ko sa trilogy ang Torres. (And yes, dahil po yun sa kaadikan ko pa rin kay James)

x This book is kinda a revise version of my so long ago returned manuscript, "A dwarf for a beast". Kung reader kayo ng internet serye, you would know that novel since I posted it there. :)

x Frances ang name ng bida rito because of me! Hahaha! Ewan ko kung may nakahalata. Dahil "princess" ang real name ko, naghanap ako ng malapit na name sa pangalan ko para kunwari kami talaga... LOL. May kaklase kasi akong Frances ang name noon at kapag tinatawag siya ng teacher ko, palagi akong napapalingon. Magka-rhyme kasi XD

x Natapos ko na ang nobela at lahat, wala pa rin title ang book na ito. Kaya naman naghanap na lang ako ng kanta para maging title nito. Since I love Carpenters music, I choose one of their song as the title of this. Favorite ko rin po ang kantang iyon. :D

x Major revision ang first feedback sa akin sa book na ito. As in, sa dami ng comments, kumuha ako ng yellow paper para pag-isipan kung paano ko siya ire-revise. Napuno nga yung yellow paper sa ginawa ko XD Pero hindi naman ako nahirapan siyang i-revise kahit maraming comments.

x Robbie --- ipinasok ko siya since habang sinusulat ko ito ay may nakita akong super cute na rabbit sa bahay kung saan kami nagbabayad ng tubig. Hahaha!

x Sa lahat ng nobela na sinulat ko ngayong taon, ito ang pinakamabilis kong natapos.

x At tinatamad na akong magsabi pa ng trivias... HAHAHA!!!

xx

Cady

No comments:

Post a Comment