Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.
Showing posts with label Belle Trilogy. Show all posts
Showing posts with label Belle Trilogy. Show all posts

Friday, September 12, 2014

Everything happens for a reason

Hooray! I'm here for some good news. Finally, the third book of my trilogy was already approved!

Remember one of my recent posts? Yep. Na-returned lang naman siya noong una. Saklap `di ba? I was in pain, too. For weeks, hindi ako makapagsulat nang maayos. Dinamdam ko talaga `yun kaya feeling ko, sobrang tagal kong inayos ang manuscript na `yun bago ko pinasa. Ahmm, more than a week---bakit? Naging two books rin kasi siya.

Okay---that goes my "everything happens for a reason" title in this post. Yes---I felt pain, I was hurt when my manuscript got returned. Pero siguro, iyon `yung daan ni God na bukod sa mag-improve ako, iyon rin ang daan ko para naman talagang mag-innovate ako. Hala, ano daw? Chos. Because na-returned ang manuscript ko, naggawa kong makapagsulat ng two-books manuscript.

It wasn't my plan though. Alam ko lang na hahaba `yung book but not on the two-books type na. I remember I went to the office na scared pa ako dahil nahihiya talaga ako sa reader ko. Nagkausap kami ng sandali and she told me na gawin ko raw two books kasi. Napakunot-noo lang ako noon. Sinabi ko pa na `di naman po siguro aabot ng ganoon. Baka mga 160 pages lang since meron na ganoon ngayon sa PHR.

Pero my writer friend---si Ate Karen, sinabihan niya ako na i-two books ko nga raw kasi wala naman daw ata dagdag na bayad kapag 160 pages. Kung may dagdag man, maliit lang daw `yun. Pero determinado ako noon na di ko talaga gagawin na two books yung libro. Masyado na akong pinahihirapan, tapos patatagalin ko pa? Hindi ako baliw. Pero nabaliw ako dahil naggising na lang ako isang araw at may naisip na paraan para pahabain pa siya lalo....

Then I did it. At approve na siya ngayon.

Actually, `di pa rin talaga ako makapaniwala. Marami akong idinagdag---malakas ang pakiramdam ko na sa dami, may na-miss pa rin ako. Sobrang komplikado ng plot na `yun dahil may mystery sa kuwento. May killer, may crime. Mayroon din pang-medical. May mga liblib na isla concept pa. Haay, saan ba kita napulot? Light lang ang comfort zone ko pero dumating ako sa ganitong punto. Chos. Kaya naman nang nag-text sila sa akin last Thursday, telling me na naipadala na daw sa email noong Monday pa yung result, sobrang kinabahan ako. Wala akong natatanggap. Sobrang tense rin ako noon. Kumakain pa naman ako ng almusal, `di na ako nakakain nang matino. Binuhay ko laptop ko kahit na ba nakita ko na pinadala na ulit sa email yung result. Nag-notif kasi sa phone ko. Ginawa ko iyon nagkaroon ako ng pamahiin na masamang tumingin ng feedback sa cellphone. LOL (Yes, sobrang mapamahiin ko sa pagsusulat, nagbuking na ako ng isa) Ganoon kasi `yung nangyari sa akin last time. Hahaha! So I thought...mangyayari muli.

Nanginginig-nginig pa ako dahil ang bagal ng laptop ko mag-sign in sa Yahoo. Tapos double send pa yung email. Ang isip ko pa rin pala noong una---either returned or revised lang `yun. Kasi naman, bakit kailangan pang i-email kung naggawa na rin naman akong i-text? Kung approved `yun, sana sinabi na sa text...

Kaya laking gulat ko na... WAPAK! Approved!!!

Pagkatapos ma-returned, ni-revise ko at na-approve agad! Sobrang nakaka.... Haay! One of the best days in my writing life talaga yun. Di ko kasi siya expected kasi sobrang nagduda talaga ako sa sarili ko simula nang ma-returned `yun. Na-down ako. Nawala `yung confidence ko. Hirap na hirap akong magsulat muli dahil palagi kong naiisip `yun. (Pero I'm back in normal na rin naman ngayon bago ko pa mareceive `yung feedback)

Kaya thank you Lord. Alam kong plinano niya ang lahat para matuto ako at mag-improve. Iyon ang reason niyo kung bakit ginawa niyo iyon dati sa akin. Suportado niyo po talaga ako `no? Alam niyo kasi na parang paghinga ko ang pagsusulat....hindi ako mabubuhay ng wala ito.

Sana lang maintindihan na rin nila yun soon....


xx

Cady

Monday, July 21, 2014

Masakit pa rin pala.

So this post was about sadness again.

Today. I received the feedback of my last month submitted manuscript and unfortunately it was returned. Returned. After almost two years, ngayon na lang muli ako nagkaroon ng feedback na ganito. And what hurts the most, the book was under my latest trilogy. The last book actually.

Noong makita ko na may nag-email sa akin about doon, parang balewala na sa akin. I was expecting it though. Nang makita kong naka-attached siya, sa isip-isip ko, revised ito. That what happens on my 2nd book. Naka-document lang ang feedback. Kaunting revision lang `yun, actually. Then today... I didn't expected it. Hindi ko nga agad binasa yung pinaka-feedback dahil nasa isip ko nga, revision. Tinignan ko lang muna kung gaano kahaba and then...make it to the top. And saw it. </3

I am used to returned manuscripts when I was just starting. Marami akong na-returned na MS. Dati parang okay lang kasi sa isip-isip ko, it was a way to teach me for my mistakes. Tapos ngayon, na nasanay na akong hindi nagkakaroon, it felt like my whole world shattered. Dumami ang pangamba sa puso ko for my submitted manuscripts. Nag-doubt ako sa sarili ko kung kaya ko pa ba, kung itutuloy ko pa ba ang pagsusulat.

And I almost cry. Ang sakit lang. May option to revise naman which I really intend to do. Feeling ko kasi, naging marami lang ako pagkukulang sa pag-e-establish. Although yung iba doon, nailagay ko naman talaga. Siguro hindi nga lang siya gaanong na-establish kaya hindi kapani-paniwala. May pagka-action mystery kasi yung novel na yun. My first time to try though which the techie stuffs, na-inspired naman ako sa novel na Mata sa Dilim. Nag-enjoy rin ako sa pagsusulat kaya hindi puwedeng hindi ko siya babaguhin. (At tinatamad rin ako actually gumawa ng bago. Hehe)

(At naiiyak ulit ako ngayon) Haay. Madalas na talaga akong nagdududa sa writer self ko. Kapag nagpatuloy pa itong mga ganito, sign na. Sign na talaga na itigil ko ang pagsusulat at maghanap na ng trabaho.

Which I would just think....parang nabibiyak na agad ang puso ko.


xx

Cady Lorenzana

Sunday, July 13, 2014

Mature...

I'm back! Chos. This is a writing post anyway. Okay---correct that, writing rant.
n
Hanggang ngayon, ayaw ko pa magtrabaho. Ayaw ko kasi mawala ang focus ko sa pagsusulat. Not yet. Not now. I am still enjoying at pakiramdam ko kapag nagtrabaho ako ngayon, mawawala na ako sa mundo ng pagsusulat just like what happened when I have my training in Toyota. Totally, wala talaga ako naisulat sa buong OJT days ko so I feel that when I work full time now using my degree, hindi ko na magagawang magsulat muli.

Wala pa naman akong problem sa ngayon. Actually, nakakatuwa nga dahil feeling ko every week ako nakakapagsulat ng bagong MS. Kung tutuusin, kung `di lang talaga matagal ang suweldo, mas malaki ang kinikita ko sa mga friends ko na ngayon ay nagwowork na. And the fact that I also love what I am doing. Nasa bahay lang ako. Natutulungan ko pa ang Mommy ko. I have my own work time, I have my own rules.

Pero `di ko maiwasang punahin naman ang sinusulat ko ngayon. Dahil ba sa graduate na ako kaya nagiging ganito ang takbo ng utak ko? Dahil napapabasa na rin ako ng ero? O sadya lang talagang ngayon ko lang na-discover ang malaswa kong pag-iisip? He-he. Feeling ko lang naman, nagma-mature na ako. If you have read my last posts... I do bed scenes na. At itong ginagawa ko ngayon `di naman talaga siya ganito ka ano... you know.. hehe. Pero napapadami ang seduction parts.

I think that I am getting out of my comfort zone. Lumalabas na ako sa mundo ng playboy. Nasa era na ako ng mga aroganteng hero. Yeah, kind of arrogant ang mga lalaki ko sa bago kong trilogy. At pati na rin sa bago kong MS na sinusulat ngayon. At sa sobrang pagka-arogante niya, pakiramdam ko, ang bigat bigat na ng dibdib ko. Bukod kasi sa pagiging arogante ay galit rin siya. Ang hirap pala palambutin ng puso ng ganito. Ahehe.

Anyway, sa ngayon ay ito pa lang naman ang masasabi kong problema. Plus nahihilig rin ako sa medyo drama kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Try ko nga magsulat ng light stories muli next time. Iyong tipong rom com rin. Nami-miss ko na ang ganoong tinig ni Cady... Hehe. Sana soon. After my another translation siguro.

PS: And please pray for that, too? He-he. Kaya siguro naging ganito ang MS ko ngayon dahil sa trinanslate ko na yun.


xx

Cady