Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.
Showing posts with label being poor. Show all posts
Showing posts with label being poor. Show all posts

Monday, September 9, 2013

Credit Cash.

Hash tag, Rants.

`Cause I earn some money in writing, people around me thought I am rich. Well, not really rich but I have money. Ang akala ng mga kaklase ko, porque nagkakaroon ako ng pera sa pagsusulat, akin na yun. But no! I am saving the money for the future... but the future already happened dahil wala na akong pera. Huhu.

For the last few months, nagastos ko na lahat nang naipon ko sa pagsusulat. Last year, I paid almost half of my grandfather's expense in the hospital. I bought a new cellphone this April and even paid my tuition fee in my summer classes (na kapresyo rin ng cellphone ko ang halaga). I also paid for my tuition fee this sem. And it costs more than 40,000 pesos! Ugggh... I feel so broke pero ayaw ko namang umasa na sa Mommy ko. I am happy that hindi na siya ganoon gumagastos para sa akin at sa Kuya ko. Na nakakabili na siya ng mga bagay na matagal na niyang gustong bilhin---like a new TV and aircon. We also have installed able in our house. Masaya ako na hindi na kami pumupunta ng Afsplai every year to withdraw money for my tuition fee. Pero `yung bulsa ko, umiiyak na talaga. Huhuhuhu.

Last month, I got an approved manuscript. And after the day I got the approval mail, na-tempt akong bumili ng bagong bedsheet with comforter. Oh well, that is one of my dream and I am so grateful that I already fulfill that. Pinatos ko na kasi sale na rin naman and reward ko na rin sa sarili ko. Sabi ko noon, malaki-laki pa rin naman ang matitira sa pera ko dahil magkakaroon nga ako ng bagong approve. Pero wala, naabo rin. Bakit? Dahil I also pay for my grandfather's hospitalization/death expense. And today...the heartbreaking price of our prototype in feasibility study! Huhuhu talaga. At marami pang babayaran dahil sa grammarian, adviser and panel expense! Isama pa ang laboratory fees na babayaran ko na requirements para sa internship company ko. (I'm just glad na nakapasa ako sa Toyota! Sobrang kaba ko talaga rito dahil ang bilis ng time limit ng exam, akala ko bagsak na ako. Isama pa na feeling ko sablay `yung interview sa akin. Nakaka-trauma `yung nangyari that day sabi ko, `di na ako uulit. Chos!) Tapos gusto ko rin pumunta sa MIBF.... pero wala na talaga akong pera panggastos!!! ><

Kailan kaya ako makaka-debit Cash? Wala pa naman ako pending manuscript. Wala rin ako drive na magsulat. Tinatamad nga akong ituloy itong sinusulat ko to think na 2 chapters na lang yata at tapos na ito. Ugggh, Kaasar talaga. Feeling ko kasi, `di kami destined ni Riyan... at ng best friend turn to lovers story.... ><

Haay... Lord. Please help me.


xx

Cady

Saturday, July 30, 2011

Because I'm scared.

Really. The rain never stops. Why? :|


A big. JEEZ. Kasi naman, pupunta ako sa computer shop para magpaprint. pero deym! Ulang-ulan. Sa kanto pa iyong shop. And >___<

Nakakainis lang.. Kase naman. haaay! Hirap naman ng walang printer. I have a report tomorrow sa management so I need to study. But anyway, ang layo ng mga sinasabi ko sa gagawin kong post.

I'm scared. Yes. :| 3rd week ko na pinadala si Derrick and Venus sa PHR. And yeah, IDK what would I feel. I will admit, binasta ko ang MS na ito. But when I read it, parang nagkakaroon ako ng pag-asa na ma-approve siya. Ewan ko. There's something na nagsasabi sa sarili ko, "ay ang ganda". Pero nakakita din ako ng kaunting loopholes. Iyon ang problema ko, eh... Pero maliit lang naman. Saka puwede kayang ipa-revise? Ayaw ko talaga ng returned. Baka umiyak ako. Kase kailangan ko ng pera. >___< at magiging susi siya sa pagkakaroon ng pera kung sakaling approve.

Nag-mail ako last thursday, No reply. Lalo akong natatakot. Baket? Kasi last MS ko ganoon nangyari. Returned siya pero may dalawang comments lang. Kung masipag ako, I can revise it, actually. But I really don't like the story kaya talagang tinamad ako. Ang drama-drama niya kasi, eh. Eh iyong first approve ko, medyo comedy. This MS na pinasa ko, ahmm. comedy din. :)) wala lang. may pagkaplayboy na naman ang bida which I like ^___^

I said to myself, if this MS will be returned, magpapasa ako sa ibang company. Inaantay ko lang talaga feedback. Kase kung sakaling ma-approve sa PHR mas mabuti. Gusto ko sa kanila lang ako. But being a PHR writer is hard as hell. Ang taas kasi ng pamantayan nila, tually.

Being a PHR writer is one of my goal in life. But ang hirap-hirap. Haay, Lord, can you please help me? Sana po kahit revise man lang. Kahit revise, masayang-masaya na ako. I don't want Venus and Derrick will be throw up to trash. I love them. I need them.

I'm not afraid of heights, I'm afraid of falling. I'm not scared of the dark, I'm scared of what's in it. I'm not afraid to love, I'm afraid of not being loved back.

I'm afraid if Derrick and Veus will not be loved back. :|

Scared,
Azec Chase.♥

Friday, July 22, 2011

Pain in the head.

Hello and Good afternoon.

Kakarating ko lang ngayon galing SM. I bought 2 pocketbooks, saka kumain kami nila claud sa KFC. wow, ang galing kong gumastos pero wala na akong pera. Swear! Sasaidin ko na lang ang kaya ko pang kuhanin sa ATM ko,  (na nagkaroon ako dahil sa sariling sikap ko) Wala na talaga akong baon. Pero dahil, `takte! May bagong pocketbook at pareho ko pang gusto ang author, GO! Buwahahaha.

But anyway, I want to share what my professor in business writing said yesterday. DON'T EDIT AND WRITE. As a trying hard writer, ngayon-ngayon ko lang natutunan `yan. Pero tama nga si Ms. A, kasi kapag ginagawa ko `yan, naku, iniiwan ko iyong nobela. Pinagsu-suicide ko ung mga bida. Kasi, ewan! Basta iniiwan ko na lang sila. And I hate it. Lalo na kapag nasa 20k words na ako and I suddenly feel, I hate this story. Nakaka- >____<

Pinaghirapan ko pero iniwan ko? Shit, that's really pain in the head. Minsan nga gusto ko ng umiyak, eh. Pero dahil sabi ko, pagsubok lang `yan at may bukas pa para sa akin after ng mga returned na `yan, okay lang. :)) (Wow napaka-positive ko, ako ba itech?) Pero totoo naman, eh. If it's about my family, I'll cry for sure. But when it comes to writing, nalulungkot lang ako pero hindi ako umiiyak. One time lang yata ako umiyak. And that is because sinabayan siya ng pagkakasandamakmak na problema. Kaya naiyakan ko na din siya.

Pero tapos na iyon. Haay, buhay ng isang trying hard writer, ang saklap. Balak ko na kasing i-abandon si Gabbe and Prince. (Waah) Ewan ko. 2 set of stories na nga kuwento niya at pareho ko silang inabanduna. Papaampon ko na sila ayaw naman. Hahahaha. Ewan ko ba. Hirap ng buhay ko, oh!

Nga pala, manonood akong HP 6 today! Hihi. :)) Saka nakita ko pala si crush no. 1 kanina. Kahapon si crush no. 3. Si crush no. 2 ay wala, eh. Hindi ko nga alam kung bakit. We are supposed to meet but. >__<

Trying,
Azec Chase.♥

Wednesday, July 20, 2011

A mission again.

Hello, and pain evening! Argghh. I'm really suffering from back pain these past few days. And I know it's because of my never ending online. Hoho. Never ending? Grabe naman. Basta, palagi kasing nasa harap ng PC!

Anyway, it's July 20 today. We went to my lola's house again. Birthday ni kuya boyet. And wapak! Brown-out. Nakaka - o.O. Pero ayos na din. At least nakaraos na. Mga before 9pm kami umalis.

And now, I had another mission. For this week: To finish Prince and Gabbe's story. (Yeah, ang tagal-tagal na nang story namin, este nila!) hahaha. I've been working in this for more than a week now. And waah. Sarap nilang katayin, promise! hoho. Basta, nahihirapan ako sa gitna. Paano ko papalabasin na ganito? Errr.. >___< Tapos I need to finish passion for the week and still need to watch HP 6 and 7 part 1. (kahit hindi ko pa napapanood ang HP 2, 3 and 5. Hehehe. I'm not a fan of HP kasi :P

Ang dami kong gustong gawin. Pero wala akong oras. At pera! Pahingi naman, o! :))



Ahmmm,
Azec Chase.♥

Saturday, June 25, 2011

No money?

Today was Saturday and I'm the one here sa bahay namin. My mom is at my Lola's house while my bro had saturday class. Nagpaiwan ako sa bahay kasi sa totoo lang ay ayaw kong umuwi. Kakauwi lang kasi last wednesday. And feeling ko, wala na akong isang araw na nakatunganga sa harap ng PC at nagpapakasawa sa FB at sa harap ng MS word. At iyon nga, wala pa rin ako natatapos na MS dalawang linggo na ang nakalilipas so I think, kailangan ko na talagang makipagbonding nang bongga sa harap ng PC.

At dahil nag-iisa ako, balik tayo sa title na wala akong pera. Hahaha. Gutom na kasi ako kaya napagpasyahan kong bumili ng merienda sa tindahan. But when I checked my wallet, 100 na lang ang pera ko.

Gusto kong mapa-o.O . Kasi naman, nakabili ako nang bonggang pocketbook at kumain ako ng chicken joy . Hindi ko tuloy alam ang maaring mangyari sa akin sa mga susunod na araw. I don't know if my mom will still give me money. Para kasing andami ko nang nakuha. :|

Kaya ito ako, mukhang magtitipid hanggang Wed. Wew! Hanggang Wed ba kaya? June 29 kasi iyong check ko. And if ever na mapapaltan ko iyon by wed, I can get money na. Sana lang. Para ma-blowout ko na rin iyong mga BSA mates ko. Problema ko rin pala kung saan ko sila ibo-blowout xD

And ayon, wala na nga akong pera. Dinadalangin ko na lang na sana bigyan din ako ni Lolo, kung andoon man siya bukas kay Daddy na cemetery. Kahit kaunti lang. Kailangan ko lang talaga ng pera. Napakagastasera ko kasi pagdating sa pocketbook.

And Lord, paulanin niyo rin sana ng ideya ang isip ko. Sana makagawa ako ng nice MS at makapasa muli sa PHR para may money ulit ako. And cross finger for Caspian. Haay, pero feeling ko returned siya. :(( Kaya hindi na rin ako masyadong umaasa na bibigyan niya ako ng pera. But now, currently working for Kevin and Courtney's story. Nasabi ko na noon na ginagawa ko story nila. pero sa totoo lang ay hindi ko naituloy. Wolo long. Na-bored kasi ako. Gusto ko kasi pareho din sila ni Kate at Rodney na parang aso't pusa. Enjoy kasi ako noon sa ganoon. :D

But anyway, bye na. Nakain ako ng merienda eh... Piattos + sugo + RC. Gusto mo? Hi-hi.
Poorita,
Azec Chase.♥