Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.
Showing posts with label Opinions. Show all posts
Showing posts with label Opinions. Show all posts

Saturday, February 8, 2014

OJT Update...

Hello! I am back! Hehe! Have you notice? Minsan na lang ako magblog? At kung magpo-post man ako, maikli lang? Kung may nagbabasa man ng mga posts ko, napansin siguro! Ahehe! Anyway, I'm still busy with my OJT in Toyota Motor Philippines. I still have 200+ hours to beat before I finish and according to my counting, it will lasts until the last week of March.

My training is still doing fine. The past few weeks, I've been busy. They gave me a lot of works but I have also some absences! He-he! Well, may mga bagay talaga na kailangan namang bigyan ng pansin. And I am not complaining for the works. I actually love it when they give me work. It means that they trust me and also for experience. And last Tuesday, they gave me one wonderful experience! Haha!

I don't know if most people would classify it as a wonderful one but being out of the office was really a big thing for me. Sa totoo lang, medyo na-disappoint talaga ako noon na sa Accounting department ako napunta. I am targeting the Marketing one because I know I would expose to a lot of trips! Me-he-he! And well, mas gusto ko talaga yun kaysa sa major ko. But well, I have no choice but to love it. And good thing, they made me experience something that I dream of. (dream talaga? Hehe!)

Me being out of the office is a surprise. May ginagawa ako ng oras na yun pero hindi naman rush. Nasa isip-isip ko pa noon na babagalan ko yung ginagawa ko since yun na lang naman ang gagawin ko at malamang na mate-tengga na ako. It was 2 in the afternoon that time. Still many hours to go before our office hours end. Medyo excited pa ako dahil pupunta akong SM after dahil sale ng Precious Pages. Bigla akong inutusan ng Sir ko na kuhanin yung BIR form 2307 ng isang supplier. It was my job actually. Kaya lang sandali lang yun at ibaba mo lang naman yung form at ipapa-receive. I was looking for the other quarters of the company in the box where the form was in when suddenly, my trainer came to me. Sobrang panic yung mukha niya at sinabi sa akin na, "Pupunta kang BIR," Na-stun talaga ako sa kanya. Hindi niya ako inuutusan. Bihirang-bihira lang. Yung mga under niya lang ang madalas na nagtuturo sa akin. (Manager kasi yung trainer ko) I was like... "Po? Ok po," She was like... "Ngayon na!"

Nagulat talaga ako. Natatawa na nga ako na di malaman kasi panic na panic na talaga siya. Nag-panic tuloy ako sa pagkuha ng form sa box. Then sinabi niya sa akin na bitawan ko na daw yun at ibigay sa nagpapagawa! Hahaha! That time, itinakbo na nila yung special arrangement business trip ko sa GAD para papirmahan. Ni hindi ko pa naayos ang gamit ko, tapos na sila sa pagpapirma! And di na rin ako binigyan na patayin yung computer ko. Hahaha! Medyo OA di ba? pero ganyan talaga yung nangyari. Paano kasi ay 2pm na. At past 2pm na rin ako nakalabas ng Toyota dahil wala pa yung driver ko pagpunta ko sa lobby! Yun pala ay nainip na siya dahil wala pa raw ako eh ang tagal na daw niyang nandoon. Hehe!

And yes, I have a driver. And our car is Toyota Yaris. And I mean, that is Toyota's driver. And Toyota's car. Hehe! Medyo nanghinayang lang ako kasi gusto ko sana Camry. Charot! Hahaha! But nevertheless, feeling ko ang donya ko kasi may driver ako! Hahaha! O dba? And I am also lucky dahil sa company namin, di nag-o-OB na pinagbabiyahe lang. May sarili ka talagang car at driver. Hehe! Kaya lang, medyo nakakalungkot na alone ka lang di ba? Chika-chika tuloy kami ni driver. Kahit medyo naligaw kami kasi di pala niya alam kung saan ang BIR. Hehe! Di daw siya familiar.

Pagdating ko sa BIR, (na first time ko nakarating) tanong na lang ako nang tanong. Kaya lang, nakakaasar yung mga pinagtanungan ko. Aba niligaw ako! Sandali lang naman ako doon kasi nagpa-receive lang ako at nag-deliver ng document. Pero past 4 na ako nakaalis at sakto lang sa labasan ng Toyota ang aking pagdating kaya nagpahatid na ako sa Turbina. (na napaaga ako) Hehe!

May pagkamababaw pero happiest office day ever ko yun. Haha! It was a nice experience. And my classmates are feeling envy of me. Ako lang kasi ang nakalabas ng ganoon kalayo eh. And errr.. I also take pictures nga pala. Kaya lang ang papangit kasi ako lang talaga mag-isa. Nagpakuha pa nga ako sa guard para lang documentation. `Yung driver ko kasi ay nasa parking lang at sinabihan niya lang ako na i-text siya kapag tapos na ako at susunduin ulit niya ako sa lobby. Hehe!

Here are some of the pictures:









And just that... Ang pinakapost taalga nito ay about sa experience na ito. Hehe! And well, I'm not saying na dahil dito ay talagang magandang-maganda na ang OJT experience ko. There were times na malungkot ako. And well, may one time pa nga na umiyak ako. (But not in the office talaga, ha?) I was just so tired that time and I have known something that kinda disappoints me. Bakit kasi na-timing sa araw na yun? Ang nakakatawa pa... after that day, tinanong ako ng Sir ko. "Kailan ka last na umiyak?" Hindi ko masagot kasi kapag sinagot ko, feeling ko, mahahalata niya. Hahahaha! Kaasar talaga yung tanong na yun, eh. But well,  naiintindihan ko naman kung bakit. And it was actually for good. Nag-timing lang talaga siya sa pagod ko.

But what I should say is that, Toyota is a very good company. Noong una, nagdoubt pa ako sa company na ito dahil sa feedbacks but when days passed, I have seen how it became one of the biggest company in the Philippines. Number 10 in the whole world. And the number ONE automotive company in the whole world. It was a good training ground. I am proud I am having my training here :)

xx

Cady

Friday, April 27, 2012

Sometimes...

Patapos na ang April pero pang-apat ko pa lang itong post sa blog ko this month. Sorry naman kasi tinatamad ako, eh.

Anyway, naisip ko lang na-i-blog ito. Kasi si Mommy, nang basahin iyong "I'll Stay In Love With You", ang daming tanong sa akin. Tapos noong dumating sa kissing scene, tanong nang tanong, paano ko daw iyon nasabi? Bakit daw ganoon iyong mga pinaglalagay ko doon?

Natawa ako. Naisip ko, paano nga? Well, trabaho, eh. Ganoon talaga. Kahit walang experience sa mga bagay-bagay katulad na lamang ng kissing, kailangang palakasin ang imagination. Hahaha!

Minsan, nagre-research ako. Actually, habang sinusulat ko ito, naka-open ang isang tab kung saan nagre-research ako about "how would you describe a kiss". Natatawa lang ako sa sarili ko. Bakit pati ito nire-research ko? Hahaha. I'm running out of words. Hindi ko alam kung paano ide-describe dahil baka mamaya na-describe ko na iyon sa dati kong books.

Minsan din, naiisip ko, paano kaya ako nakakagawa ng isang scene na hindi ko pa nararanasan? Or iyong isang character na malayong-malayo sa character ko?

I will give some examples:

Rodney Abrenica sa Happily Ever After in His Arms. Wala pa akong nakakausap na lawyer sa buong tanang ng buhay ko kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila or something.

Marianne Picardal in Let Me Stay With You. Wala akong kilalang theater actress bukod kay Lea Salongga. Dalawang beses pa lang din ako nakakapanood ng Theater plays sa isang theater house.

Venus de Vera in I'll Stay In Love With You. I've been to Starbucks but never pa akong nakaka-order kahit isang kape doon. Hahaha! Totoo iyon. Kaya naman naiisip ko, ano ba yan, gumawa ako ng isang character na may-ari ng coffee shop samantalang ni hindi pa nga ako nakakainom ng kape sa coffee shop.

Siguro,, bilang writer, kailangan din nating magmuni-muni o mag-research sa mga bagay-bagay para makasulat tayo ng isang scene, gumawa ng character na malayo sa kung sino tayo o mga kakilala natin. Read books or ask people. Paganahin ang imagination...


Ay, ano bang post ito, walang kuwenta! Hahaha. Maka-post lang XD

Azec Chase ♥

Saturday, September 3, 2011

Love or Lust?

Love is an ugly, terrible business practiced by fools. It'll trample your heart and leave you bleeding on the floor. And what does it really get you in the end? Nothing but a few incredible memories that you can't ever shake.


Well. Bakit ba ako ganito? Bakit ko ba naisipan mag-post? Hmmm. Maybe its because... Well, nanood ako ng MMK kagabi. Iyon ang dahilan. Kahit na ba medyo matagal ko ng gustong i-post ang about sa topic na ito, ngayon lang ko muli naisipan at sipaging isulat.

What is Love? Para sa akin ang the best description, ung quote sa itaas. Ewan ko, ha. Nung pinadala sa akin `yan nung classmate ko as a GM, parang iyan na ung description ko. The quote comes from Little Manhattan. And I agree. Ewan ko, bitter ako? Ahmm, okay. I know I'm like this being cynical. Pero masisisi mo ba ako? I have a dark background about love. Kaya nga minsan, naiisip ko, paano ba ako nakakapagsulat ng isang nobela kung lahat ng tungkol sa pag-ibig para sa akin ay nakakainis?

Kapag nanonood ako ng mga teleserye, naiinis ako. Kaya nga hindi ako mahilig manood ng TV, eh. Nakakaadwa ung mga bidang babae at lalaki! Sa reality naman, naglolokohan lang sila. Iyong ganoon ba. Pero hindi ko naman naiintindihan kung bakit lagi akong nagbabasa ng pocketbook. Para lang akong tanga. Pero madalas, sasabihin ko, sus, niloko ko na, aamo-amo ka pa rin sa huli. In the end, loka-loka din ang isip ko. Ahahaha.

Tapos, may isa pang eksena sa buhay ko, na nagtanong ako sa kaklase ko. Ang sabi ko, "bakit ba ganoon ung mga lalaki? Ang gusto sa babae, ung malaki ung boobs saka ung puwet. O di kaya makurbang katawan o di kaya ay iyong may magandang mukha eh lahat naman ng babae, may puke din?" oh well, sorry for the word pero totoo naman. Sagot nung classmate ko, "Libog".

So Lust, after all. Iyon ang siguro more na habol ng isang lalaki sa isang babae. And love? siguro, ewan. Katulad nung nangyari kagabi sa MMK, di ba nag-uhurm sina Denise saka si Matt? Tapos un ang nangyari kaya kailangan nilang magpakasal. Kasi nagka-anak sila. Oh, hindi pala nagpakasal, nag-live-in lang. Tapos nung part na ina-amo-amo na ni Matt si Denise kasi naglayas, naku, sa loob-loob ko, "lolokohin ka din niya sa huli!" ang BI talaga ng isip ko. *sighs. Why am I like this? Parang ayaw ko ng maniwala sa love. Siguro dahil sa mga nangyayari sa buhay ko? Sa mga nangyayari sa paligid ko?

I was like >.< I don't have a love life right now. Tanging si Guji lang, which is a product of my imagination na boyfriend ko daw, ang sinasabi kong BF ko. Marami akong crush. But it doesn't mean, na love ko na din sila.. Love is far away different from like. At may iba pa sa kanilang pinagnanasaan ko? *wink! Ahahaha.

So what is love after all? Baka kailangan kong maramdaman ito nang walang kasinungalingan kaya ako nagkakaganito? O sadyang, Love lang talaga ni God at family ang pinaniniwalaan ko at talaga namang totoo?

Magulong kausap,
Azec Chase.♥

Saturday, August 6, 2011

Dream and Reality.

I have two topics for this post, Dream and Reality. At mag-uumpisa muna ako sa DREAM.


Honestly, hindi ko alam kung ano ang masasabi ko dito. I'm scared. And FYI nga pala, this dream means panaginip. Not the dream na iyong pangarap. K? :))

Anyway, my dream start with this. Nagising na lang daw ako na magkakatabi kami nina Kuya and Mommy magkakatabi sa kama ni Mommy. Which is really impossible kasi di naman natabi sa amin si Kuya. Then ayon, sabi ko, bakit ka nandito? Tanong ko kay kuya. He said, kasi ayon, may multo! Sabay turo sa pinto. I see a white lady na medyo malabo kasi patay ilaw. (Basta ganun) Noong una, non-sense lang ako. I'm not scared of ghost. K? Nakakatulog nga ako sa bahay namin ako lang mag-isa. Para kasi sa akin, ang multo, hindi naman nangangain. Aswang, takot pa ako. But then, when the lights turn on, I suddenly scream. Pati kuya ko duwag na duwag. Natakot na ako nitong time na ito. Tapos may papel na lumipad bigla. Parang iyon ung nais sabihin ni multo. Pero hindi ko na maalala kung ano. Basta ang natatandaan ko, may name niya, something Kathy like that. Then pinagdasal ko siya, and kaboom, hindi pa rin siya naalis. I'm like, "Oh my God" paano ba ito? Then binuksan ko ung cabinet namin at kumuha ng rosary. (Ay bago pla un ay kumakanta din ako ng worship songs saka nag-sign ng cross fingers.) Nang makuha ung rosary, nakalapit na ung ghost sinusungaban niya si Mommy. Agad na nilagay ko ung rosary sa ghost at aun, tapos na panaginip ko.

Teka, may kuwenta ba? Hahaha. Takot na takot kasi ako, eh. H-in-ug ko nga agad si Mommy paggising ko.

Okay, tapos na sa DREAM. Here comes, REALITY.


My brother and his GF is cool off for now. At ang kasalanan? Ang kuya ko. Sa pangingialam ko ng FB niya, nakita kong parang "He wanted Space". Nag-aalala Basha ang dalawa. Ewan ko, parang ayaw yata ni kuya ng selosa which is Ate christine is ganoon. Basta.

Nalulungkot ako kasi, they've been together for six years. 3rd year HS hanggang ngayong si Ate Christine tapos na ng college. Nakaka-wow ang relasyon nila. Kakainggit nga si Kuya kasi nagtagal sila ng ganoon samantalang ako.... nevermind! Hahahaha.

Para sa akin, there is nothing wrong with selos naman. It just means that kapag nagseselos ka, siyempre mahal mo talaga ung lalaki. Saka minsan nakakaselos naman talaga kung marami kang girl na kasama.

Naalala ko tuloy si Kuya Chris, inaanak ni Mommy. Meron din siyang GF, katulad ni kuya, matagal na silang dalawa nung GF niya. Siguro mga 5 yrs ganoon? Basta matagal na. Then itong si kuya chris, parang nagkaroon ng problem sa family. Ung kapatid niya, nabuntis ng walang ama, ung isa niya pang kapatid, medyo nagloloko daw (ayon sa aking sources) kaya siya nakipag-cool off sa gf niya. Then after that, nalaman ko na lang sa aking (Sources) na buntis pala ung girl... and unfortunately, sa ibang lalaki. Why? Because pakiramdam siguro ni girl ay iniwan siya ni boy. Saklap talaga. Noong kinukuwento un sa akin ni source, nandun si kuya chris. Medyo malungkot nga siya, eh. Nakakaawa lang. >___<

So siguro talagang ganyan ang buhay. Reality sucks. Katulad na lang ng nakita ko ngayon. I saw something in FB. Ayaw kong magsalita pero I think I found her na. Siya nga kaya talaga un? So maayos naman pala ang buhay niya kung siya iyon. (i will not mention anything at baka may makabasa na iba) Basta. Happy birthday na lang sa kanya and I hope she's doing well :))

Don't know how to react with this,
Azec Chase.♥

Sunday, July 24, 2011

Weekends

Hello :))

Good eve. July 24, 2011 is an awesome day. It's my cousin, Daryll, birthday. And I treated my teenage cousins. Nag-movie kami. HP 7 HAHA. na hindi ko naman napanood ang part one. Kaya ang kinalabasan, ang ingay ko sa sinehan. :))

Pero okay lang. Pake nila? Wahaha. Tanong ako nang tanong sa pinsan ko. Sino `yan, sino ito? I also hears "sshhh" from the other side but wapakels ako. Eh ano? Haha. Maingay ako, eh. Manood sila ng private.

But anyway, medyo nalungkot ako sa ending ng HP. Its the last and isang dekada rin yata iyong inabangan ng mga tao. Kahit hindi nila ako fan, naging once upon a time dreamer din akong maging isang Mrs. Potter. HAHA. And that is on the Goblet of Fire movie which is the first HP that I watch on big screen. And the 2nd and the last is now. :))) Ewan ko. Medyo bored nga ako sa ibang HP eh. Katulad na lang nang pagka-bored ko sa New Moon and Eclipse (na tinulugan ko ata). No offense meant pero totoo ito. :)) I'm not a fan kasi, eh and I think its boring talaga. Ho-ho. I'm entitled naman sa own opinions ko, k?

May mga bagay ako na natawa sa HP. Ni wala talaga sa hinagap ko noon (nanood din ako ng HP1 at nagbasa ng HP2) na si Hermione at Ron ay magiging mag-on at mag-asawa pa. Kasi akala ko talaga, Hermione is for Harry. Hahaha. Para sa akin hindi sila bagay? (LOKA ko talaga) Eh kasi naman di ba? Hahaha. Pero tama din si JK Rowling. Nice naman iyong paggawa niya because the three best friends became relatives. :)) Kasi nga naman kapag naiwan si Ron na walang love team sa kanila edi kawawa siya. ^__^

And one more thing about HP. Ang guwapo ng young Snape, ha? At naawa din ako kay Snape. I always think of him as the antagonist. Tapos siya pala ang kawawa. Nakaka-Oh my God that is bad tuloy ako...

Okay, labas na tayo sa HP. Nga pala, natapos ko na ang PASSION na isang buwan mahigit ko yatang pinagputol-putol basahin. Lam nio kung bakit? Kasi medyo na-bored ako. Like Torment which is honestly, I got bored too. Pero mas okay din ang Passion kasi nalaman ko na kung bakit sila ganoon ni Daniel. And Cam! OMG. Dapat ako iyong ka-love team niya! Lileth! That bitchy girl? Bakit siya. Its like >____< Pero kung magkaka-movie iyon, can I play the role of her? Haha. You know I'm kind that mean so I think I can pass that. Ho-ho. I love Cameron Brielle kasi, eh. Love the features! Hahaha. But what if Fallen became a movie? Would that be great?

My answer? : NO. I think its not because bitin lage. Baka magalit lang mga audience. Saka baka pangit ang mapiling Cam at si Lileth ay hindi ako. Hoho. :)) Basta ayaw ko.

Nakakabored ang Passion dahil parang ang daming experience ni Luce sa past. Nakakabored ung ganoon kasi parang hindi naman importante iyong iba, `di ba? Pero ano bang maggawa ko? Hindi naman ako ang Author nun. Naggandahan lang kasi talaga ako sa Fallen kasi kinilig ako kay Cam. HAHA (Sa kontrabida pa talaga)

Ay naku, humahaba talaga ang blog ko. Actually I wrote this at 12:50am. Saka strike daw ngayon? Patay ako bukas. Kasi naman iyong PPT namin sa HBO. Ako ay natatakot sa report na iyon. So please God, help me. Isa pa ang business Stat. Tadtad po ako ng report this week. Waaah :|


Ang ewan,
Azec Chase.♥

Wednesday, June 22, 2011

They say.

Actually, kagabi ko pa nabasa iyong post ng isa kong ka-serye. She said na may nagsabi daw sa kanya na ang magbasa ng mga tagalog pocketbooks ay corny, baduy. basta ganoon.
And that's the main reason why I had blog today. Hindi ko naman trip na mag-blog eh. Tinatamad kasi akong magsulat. Basta, I had this feeling na tinatamad ako. Nababaliw kasi si Cady/Azec/Princess. Ayon, kaya wala siya sa katinuan.
But anyway, talagang nakakabadtrip iyong mga tao na hindi na-a-appreciate iyong mga tagalog pocketbooks. Ang akala ba nila madali gumawa ng libro? Nakaka-nosebleed din kaya mag-english. And FYI, hindi lang naman puro tagalog ang pocketbooks. Taglish iyon. And isa pang FYI, it's hard to write kaya sa tagalog. Kung alam lang nila kung paano ako mabaliw sa pagdi-distinguished kung paano gamitin itong "-" at "nang" and "ng". Nakaka-nosebleed magtagalog `no!
Saka I think they are just insecure. Masyado silang galit sa pocketbook kahit wala namang ginagawa sa kanila. And sabi nga ng isa kong kaklase sa FB: 
ang pinkamagandang part ng pagiging baduy.. u can express ur feelings freely.. :)
I totally agree with him. Ikaw ba, hindi ka nag-a-agree sa kanya? Pero sa totoo lang, it's not baduy naman eh. Iyon lang ang tingin sa kanila ng mga tao. So what if kung makapagbasa ka ng pocketbook? It's romance. Pero kapag english book naman, tuwang-tuwa ka kahit ang genre niyan ay romance. You see? Naiinis ako sa mga taong nako-corny-han sa pocketbook. Pero sa totoo lang, sa totoong buhay, mas baduy pa ang ginagawa nilang ka-sweet-an sa boyfriend nila. May kilala ako kasing ganyan. Ang baduy kaya saka ang corny noong ginagawa niya sa BF niya noon tapos kapag pocketbook ang pinag-uusapan, baduy na baduy siya. If i know, mas malala pang kabaduyan ang ginagawa niya sa BF niya kaysa sa mga nakalaad sa pocketbook.
.
Opinionated much ako. Pasensya na. Masyado kasi akong nadala. Haay, basta. Ang mahalaga, masaya ka sa ginagawa mo. Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa mga iniisip ng tao sa `yo.
Iyon lang,
Cady Lorenzana. ♥