Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, July 21, 2012

My top 10 movies

After 3,000 years I'm here again! At dahil palagi na lang akong nawawalan ng gana na i-post lahat ng topic na nasa isip ko, nandito na naman po tayo sa mga top 10 ko. Aher-her. Pero ngayon naman, Top 10 movies :)) Yeeeey! I just want to share to the readers(if ever meron man) kung ano ang top 10 favorite movies ko. Guidelines are like the first top 10 post. (may guidelines pa, eh?)

1. Little Mermaid 2




May nagulat ba? Hahahaha. Little mermaid is my favorite movie EVER! as in EVER! Kahit 18 years old na ako, kapag pinapanood ko ito, favorite ko pa rin siya :) Fan ako ng little mermaid pero ito talaga the best! Ang ganda ng story at ang cute ni Melody. Saulo ko na yata ang mga lines dito. Pati iyong mga kanta. Hi-hi. Napaka-isip bata ko pero I don't care XD


2. A Millionaire's First Love



Koreanovela pero. Love na love ko si Hyun Bin. He's so cute and uhmmm. Siya talaga ang epitome ng koreano na type ko. Ho-ho. This is a sad story..and yeah, sad ending. Pero super feel ko iyong story na umiiyak ako habang nanonood.



3. Percy Jackson and The Lightning Thief.




I love the book and the movie! Kahit na ba ibang-iba iyong story sa book at dito. Ang guwapo lang ni Percy....and I really love Annabeth! Sa kanya ko po kinuha iyong ahmmm... "chase" sa name ko sa FB. :P I just wish na sana makapunta rin ako sa Camp Half Blood.


4. Going The Distance


May mga bastos na part sa movie na ito but I don't care! Ewan ko kung bakit naging favorite ko ito. Hindi ako nagaguwapuhan sa lalaki at hindi rin naman ako fan ni Drew B. I just love the concept the concept of the story.

5. Friends With Benefits




Another PG 18 movie! Hahahaha. Nakakatawa talaga iyong part na "Uhurm" tapos kumakanta si Justin Timberlake. XD Medyo liberated naman ang utak ko kaya siguro naging favorite ko siya. Ho-ho!


6. Secret (Thai Movie)

7. Life As We Know It

8. Ice Age (lahat ng Ice age)

9. The Last Song

10. If Only

and many-many more :P
Azec Chase ♥

Saturday, June 30, 2012

My Top 10 favorite bands

Good evening :) Dahil naiinis ako at ang unti ng post ko sa blog ko this month, isip ako nang isip ng magiging post ko. And voila! Dahil nagbasa na naman ako ng blog ng ibang tao (na gawain ko kasi feeling ko nakakasilip ako sa buhay nila (tsismosa much)) nakakita ako ng magandang gawing post ngayong gabi. My top ten favorite bands and ahmm. international bands pala ito. Sorry, di ako ganoon kahilig sa local band. lalo na noong highschool ako.

Anyway, here's my list and some explanations(for the top 5 only) kung bakit sila ang favorite ko:

1. A Rocket To The Moon


First kong narinig na kanta nila is "I'm not saying good bye." I think, I'm just 3rd year highschool that time. And simula noon, nag-DL na ako ng nag-DL ng songs nila sa limewire. And yay! Super ganda ng mga songs nila. As in. Iyong meaning, the voice! Guwapo pa ng vocalist! Hi-hi. I love Nick Santino kahit di niya pa ako nare-reply-an sa twitter! Oh wells, super ambisyosa ko talaga. Hoho. Sabi ko sa sarili ko, kapag nag-concert sila sa Pilipinas, pupunta talaga ako. Pero dahil hindi ako pinalad, K. Hanggang youtube na lang tayo.


2. Hey Monday


Marami akong naririnig na gaya-gaya daw sila sa Paramore. Medyo hawig (for me) ni Cassadee si Hayley pero mas sikat si Hayley kaya siguro nila nasasabi. Pero basta, mas gusto ko ang Hey Monday! Love there songs, especially the first album -- hold on tight. Nag-plan nga akong bumili dati ng album nila, pero dahil wala akong makita, hindi ako nakabili. Inaabangan ko rin ang concert nila sa Pinas pero katulad ng ARTTM, mukhang hanggang youtube na lang kami.

3. My Chemical Romance



First year HS ako simula ng naadik ako dito. Ako iyong tipong pa-rebel-rebel pa itsura noon dahil sa kanila! Naiyak pa nga ako nung concert nila sa Pinas dahil hindi ako nakapunta. Ang arte ko! hahahaha. Nabuhay ako sa rock songs nila. Tanda ko, bumili ako ng pirated na album nila. (O siya, magsaya na)


4. Paramore


Dahil alam kong marami ang aayon sa akin na magaling ang band na ito, tutal, tinatamad na akong mag-explain ng sarili ko, ito na lang ang sasabihin ko: Who wouldn't love PARAMORE?!

5. The Friday Night Boys


Katulad ng naunang banda, hindi sila gaanong sikat. But I love the songs! Ang cute ng parang effects ba iyon? Hehe. Kasi iyong stuttering! Iiiihh. Basta ang galing ng vocal. Ang galing ng band XD


6. Panic At The Disco

7. Boys Like Girls

8. All Time Low

9. Maroon 5

10. Stereo Skyline

Azec Chase ♥

Wednesday, June 27, 2012

Information Overload

Today is Wednesday. Tomorrow is Thursday my hell day. How I wish I can sleep well because of so much nervousness for tomorrow! Syeeet lang. Ayaw ko talaga ng recitation. Huhu. >___<

Please pray for my sanity. Wala pa akong assignment sa tax, may play kami sa Speech at may quiz sa Financial accounting bukas. Then ang law na every meeting ay recitation. Lord help me, please. Help me.

Plus my manuscript. Its been a month. Still no feedback. T___T I think I'm really going to lose my Sanity. just pray for me. I have to balance the things. I need to have focus on everything. Thank you.

Azec Chase ♥

Wednesday, June 13, 2012

Thank You To HIM

Good evening! Tomorrow, June 14--ang start ng unang klase ko ngayong Third Year College. Grabe, ang bilis ng panahon... Parang kailan lang, elementary pa ako. Naglalaro ng piko, nagte-ten-twenty, nagpapatintero. Samantalang ngayon, ni pagdya-jumping rope, hindi ko na malaro... Haay, time flies so fast. Third year na ako. Kaunting kembot na lang, papasok na ako sa real world.

 Ayaw ko man isipin na pasukan na bukas muli at tapos na ang huling bakasyon ko---dahil may summer class kami next summer---tapos na talaga. Good luck na lang talaga. Sana kahit may pasok, maisingit ko pa rin ang pagsusulat at makipag-chat...sa KANYA :)

 Yes. Sa KANYA naman talaga about ang Thank You post ko para ngayong gabi. Sa kanyang naging mabuting kaibigan ng halos isang taon na... Yey! September nang una kaming magkakilala and yeff! we're still chatmates and friends. I can't believe na aabot kami ng ganitong katagal bilang... friends, ha? Walang malisya. Chos! Kanina, medyo sad talaga ang mood ko kasi nga magpapasukan na bukas. Pero naka-chat ko siya, nang matagal kasi wala na naman ang Mommy niya sa bahay. Sabi niya, kung gusto ko daw magkaroon ng magandang future, kailangan ko daw mag-aral nang mabuti. Alam ko naman iyon, eh... Pero sadya lang siguro akong tamad! Hehe! Pero nawala din iyong sad mood ko nang maka-receive ako ng text kanina from the post office saying na nandoon na daw iyong "parcel" ko.

 Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang text. "Parcel?" Tinanong ko si Mommy, sabi niya piece of land daw iyon. Sabi ko, hindi. From India daw. Galing kay Riyan yata. (Alam ko na kasi na nagbabalak siyang bilhan ako ng gift, pero hindi ko alam na nabili na pala niya iyong book na iyon). Eh noong nabasa ko iyong text, kakatapos lang namin mag-chat. Nag-online muli ako and I ask him. Sabi niya, kuhanin ko na daw tapos mag-online ako sa Skype. Wala daw iyong palaka o butiki. (as if)

 Then kahit rainy ang weather kanina, kinuha ko nga. I'm so surprised talaga! Hindi niya kasi sinabi sa akin na binili na niya o napadala na niya. And FYI, hindi nga pala siya ang bumili! Hehehe. Iyong pinsan niya na nagwo-work sa Mumbai. Sabi niya, Mumbai is a big city, sure daw siya na mababasa niya ang book na matagal ko ng hinahanap. And voila! Nahanap nga niya. I am so so so so so happy!

 ----------------------> Ito nga pala iyong book.
Jessica Hart is my favorite harlequin author. Simula nang napagtrip-an kong bumili ng isang harlequin book sa book sale at siya ang author na napili ko, hanla, nag-adik na ako sa kanya. The first book I had is "Last Minute Proposal". Then nang magka-chance, bumili din ako sa NBS sa Festival Mall naman... Hanggang sa nakapunta na akong Recto at kung saan-saang online sites makahanap lang ng book niya. Good thing, nakakita ako sa India Bookstore(Online) at talagang suwerte kasi taga-India si Riyan. Siya ang nagbigay sa akin ng latest book ni Jessica Hart! :P


 So much Thank you talaga kay Riyan. He's still not working. Mag-aaral pa siya ng Masters in Engineering kaya naman touch talaga ako sa ginawa niya... Lalo na at nag-effort pa siya kasi kinontact niya iyong pinsan niya sa Mumbai na ang biyahe mula sa kanila ay 2-3 days. Medyo nahihiya nga din ako sa kanya pero sabi naman niya, "Money doesn't matter. It will come and go. But the friendship should remain."

 Kaya naman ito talaga ang librong hindi ko ipapahiram kahit kanino. And yep! Siya din ang kauna-unahang fiction book na ko-cover-an ko. Hahaha! Sabi ko pa nga kay Mommy, ipapa-frame ko din iyong nilagyan ng package. Okay. Super OA na! Hahahaha

 Anyway, tama na muna ito. I think I need to spend more time in my manuscript. Nagre-revise lang ako, aabutin pa yata ako ng isang linggo. Tsk. So Good night! :

Azec Chase ♥

Monday, June 4, 2012

Dear Cane...

Good evening. Its already 12:35 am in my clock but I'm still here, widely awake and writing my second installment for my "trilogy".

Last post ko, sinabi ko ang plano kong iyon. I finished the first book by Wednesday. I feel satisfied naman though I'm having 'doubts' again with its conflict. Yah, its my main problem. Pero sana... sana talaga, mali ang iniisip ko! Sana makapasa siya. Dahil kung hindi, feeling ko, masasayang lamang ang effort ko.

Now, I'm writing the 2nd story. The hero's name is Cane. And yeah, his giving me one hell of a headache. He was so suplado kasi. And I feel, I am not into the suplado kind of boys. Mas trip ko ang mga playboys. Mas magaan ang loob ko sa kanila. Chos! But seriously, gusto ko ng itapon si Cane.

Isipin mo, magwa-one week ko na rin siyang sinusulat, nasa chapter three pa lang ako. Nakaka-frustrate talaga. Iyong feeling na nag-aantay ka kung papasa ba iyong first book mo tapos pahihirapan ka pa ng character mo. As in, right at this moment, naiiyak na ako.

Pero kailangan kong mag-'all is well' katulad ng ginagawa ni Sugar. Kailangan kong huwag sumuko. I need to tame you, Cane. Magpamahal ka na kasi! Tigas ng puso mo, eh.

Azec Chase ♥

Tuesday, May 29, 2012

Minsan may isang puta.


****nakita ko lang sa FB ang story/essay na ito and yay! napahanga ako ng writer kaya na-feel kong i-post sa blog ko. Sana i-try i-read ng ilan sa mga followers at bumibisita sa blog ko :)


Minsan may isang Puta

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Saturday, May 26, 2012

A plan...

Bago pa magbakasyon, nasa isip ko na talaga ang 'plano' ko na ito. Pero hindi ko siya magawa dahil nawawalan ako ng lakas ng loob. After one returned and option to revise story at ilang buwan ko rin na blangko sa pagsusulat, (november-january) feeling ko, hindi na ako makakagawa pa ng approved story. Sabi ko nga sa Mommy ko, "Ma, akala ko talaga pagkatapos ni Derrick, mawawasak na iyong career ko," Then nang ma-approved iyong 4th story ko, doon lang ako nagkalakas ng loob.

It was a trilogy. Tatlong magpipinsan na nakasali sa isang dating agency. Ayaw ko pang magbigay ng details kasai natatakot ako! Saka na kapag na-approved o nagka-feedback (kung revision man) iyong story, saka siguro ako magpo-post ng ilan sa mga mangyayari. I am currently doing the first book. Pero may pag-aalinlangan pa din ako.

Nang una ko siyang gawin---siguro mga nasa chapter 3 pa lang ako, feel na feel ko na ma-approved ito. Lalo na at nakaisip ako ng magandang twist sa trilogy. Pero nitong mga di kalaunan na, ewan ko, napi-feel ko, na lacking ang romance. Ayaw kong mangyari iyon kasi doon ako nahihirapan. Pero sana... sana..

Palakasin niyo ang loob ko, please. Lord God, help me... Sana kahit for revision kapag napasa ko na, I will be happy. Gusto ko lang talagang magkaroon ng sequel-sequel story.

Azec Chase ♥

Thursday, May 17, 2012

Hesitation...

Kagabi ko pa nararamdaman ang 'hesitation' na ito dahil sa ginagawa, well ngayong tapos ko ng nobela. This is an option to revise story. It was Athena--Venus' sister sa I'll Stay In Love with You--na wala naman talagang nagre-request na gawin ko pero ewan ko, gusto ko siyang gawin, eh. I like her name. Actually, nagawan ko na talaga siya ng istorya last January pa. Pero palagi na lang siyang option to revise.

Dalawang beses nangyari iyon. At dahil naumay na ako sa istorya niya, pinalitan ko ng plot. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Nahihiya na ako sa editor ko so I want to make it perfect. Pero sa tingin ko, hindi na naman siya perpekto.

My main problem is the conflict. Natatakot akong sabihan na namang, "predictable o mababaw o common" iyong conflict ko. Pagod na pagod na ako pero wala na talaga akong maisip na mas babagay pa na conflict kundi itong ginagawa ko.

This story makes me feel insane so please, Lord God, help me. Kahit revision lang, I will be happy. Ayaw ko na po ng option to revise kasi mukha namang hindi rin siya revision kasi may "returned" na nasa unahan nung option to revise.

And please, pray for my sanity. Mag-isa lang ako sa bahay ngayon at wala pang tubig kaya inis na inis ako. Mababaliw na ako kasi kulang ako sa tulog pero mag-e-edit pa ako tapos mamaya, aalis na naman ako ng bahay. Haaay. Please. Please. Please.

Azec  Chase

Wednesday, May 9, 2012

This guy...

Kahapon, hindi ko alam kung anong nakain ko at bakit bigla na lamang akong... Haay... Alam ko na. Dahil iyon sa quote na nabasa ko sa isang libro.

This guy... This guy na crush ko noong Highschool, na naging major crush ko at naging major pasakit din sa puso ko noon. *shocks, ang drama! But really, sometimes, ayaw ko na. Pero dahil kapag nakikita ko siya, ewan ko, crush ko pa din siya, I think! Uggh. Ang hirap. Bakit kasi ang lakas ng charm mo? Nadadala tuloy ako...

But I really cant help it... Lalo na kagabi. Haay, para lang akong tanga.... Masyado akong nadala sa quote na iyon. Our conversation goes like this:

GM (group message) sa cellphone:

"Magmahal ka nang hindi nag-e-expect ng kapalit. Magmahal ka at hayaan mo ang sariling mahalin din. Magmahal ka kahit masakit dahil lahat ng `yan, Its worth it"


- A bloggers love story




- Lechemas, Gawin ko kaya ito? Haha
- Gudnyt sa 2log na. Sa ibang di pa, txt mu ko. Haha.
- At sau, makaramdam ka naman -.-


Then nagreply si Crush....



Crush: Yup. Pag nasaktan ka. Ewan ko na lang. Hahaha

ME: Haha. Nagawa mu na cgro un `no? Malay mu naman db? Haha. Un nga lang masakit kapag nasaktan.

Crush: Haha. Ikr. Nasa sa `yo naman eh kung ready ka na.

ME: Sa tingin mo, kaya ko? Ang hirap kasing magmahal ng tahimik.

Crush: Tahimik? Ano ibig mong sabihin?

ME: Siyempre, ung magmahal na ako lang ang may alam. Un na un. Haha.

Crush: Damn. Hindi ko gets. Yaan mo. Huwag mo muna intindihin iyon.

ME: Haha. Kc naman. Ang tagal na nito. Haha! Natatawa tuloy ako!

Crush: Teka, sino ba un?

ME: (sa loob-loob) Tanga, ikaw un! Hahaha




Haay.. Sometimes, pinagsisihan kong maging babae. Ang hirap magsabi ng feelings. Lalo na kapag ang kausap mo, hindi ka naman naiintindihan. Haaay! Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman niya ako gusto. Ramdam ko na iyon. Matagal na... Kaya maybe, I will love him na lang silently.. Or kakalimutan (Yeah, ito talaga ang dapat gawin) Naisip ko, hindi na lang muna ako makikipagkita sa mga HS friends ko para hindi na kami magkita. Lagi pa naman siyang present sa mga meet-ups.



Well, ang drama ko lang kagabi. Nakipagchikahan pa ako sa best friend ko na kailan niya lang nalaman ang aking lihim na pagsinta sa lalaking ito. Ang lihim ko kasi. XD



Azec Chase ♥

Sunday, May 6, 2012

Happy One Year Perfect Disaster!

Hello!!! One year na ang aking blog! Yay! Akalain mo iyon? Naka-one year ito. Hahaha! One year na may 27 followers. So lame. Anyway, wala rin naman kuwenta mga pino-post ko dito kaya hindi na rin kataka-taka. I'm just so happy na may nag-risk din namang nag-follow. Hahaha!

Ang dami na naming pinagdaanan ni Perfect Disaster... nandito na yata ang lahat ng buhay ko. Mula sa mga approved novels hanggang sa returned, sa mga crush at nakakainis na tao, sa mga mataas na exam at sa bagsak, nakalagay dito! Kaya mabuhay! Sine-share ko sa `yo ang ilan lamang sa mga iyon. LOL!

Anyway highways, masaya ako this month--may--kasi nagkaroon nga pala ako ng bagong approved manuscript! Shocks. Akalain mo iyon? Ako? Magkakaroon? Tawa lang talaga. Akala ko ay katapusan na ng career ko after Derrick's story. Pero mukhang naawa sa akin ang mga editors ng PHR at ina-approved ang novel ko na pangalan ng aking irog na si Guji ang ginawa kong hero. he-he. I remember my Mom told me, siguro wala ng writer ang PHR kaya in-approved iyong sa `yo? As in, DUH, Mommy! Maraming nagta-try, matuwa na lang kayo `no! Pero dahil alam kong joke lang iyon, hindi ko na lang siya pinansin. Hayaan mo, hindi ko siya patitikimin ng katas ni Guji! Joke! Hahahaha. I love my Mom kahit minsan isa pa rin siyang nagda-down sa buhay ko :P

And I'm writing a new one... Naalala ko, ganitong-ganito din ang oras na ginagawa ko ang kuwento nina Rodney kung kailan ko binuksan ang blogger. Hihi. How I wish, iyong ginagawa kong bago ngayon ay maging ganoon din. I'm attempting na naman kasi sa kuwento na ito na *sighs* palagi na lamang pinapasakit ang ulo ko. So please Lord, rain blessings? Hi-hi. I love you!

K. Malayo na naman sa title ang post. Wala lang ako maisip na sabihin. Kaya nga tinatamad din ako mag-blog. Happy Anniversary na lang muli, Perfect Disaster!

Azec Chase ♥