Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, April 27, 2012

Sometimes...

Patapos na ang April pero pang-apat ko pa lang itong post sa blog ko this month. Sorry naman kasi tinatamad ako, eh.

Anyway, naisip ko lang na-i-blog ito. Kasi si Mommy, nang basahin iyong "I'll Stay In Love With You", ang daming tanong sa akin. Tapos noong dumating sa kissing scene, tanong nang tanong, paano ko daw iyon nasabi? Bakit daw ganoon iyong mga pinaglalagay ko doon?

Natawa ako. Naisip ko, paano nga? Well, trabaho, eh. Ganoon talaga. Kahit walang experience sa mga bagay-bagay katulad na lamang ng kissing, kailangang palakasin ang imagination. Hahaha!

Minsan, nagre-research ako. Actually, habang sinusulat ko ito, naka-open ang isang tab kung saan nagre-research ako about "how would you describe a kiss". Natatawa lang ako sa sarili ko. Bakit pati ito nire-research ko? Hahaha. I'm running out of words. Hindi ko alam kung paano ide-describe dahil baka mamaya na-describe ko na iyon sa dati kong books.

Minsan din, naiisip ko, paano kaya ako nakakagawa ng isang scene na hindi ko pa nararanasan? Or iyong isang character na malayong-malayo sa character ko?

I will give some examples:

Rodney Abrenica sa Happily Ever After in His Arms. Wala pa akong nakakausap na lawyer sa buong tanang ng buhay ko kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila or something.

Marianne Picardal in Let Me Stay With You. Wala akong kilalang theater actress bukod kay Lea Salongga. Dalawang beses pa lang din ako nakakapanood ng Theater plays sa isang theater house.

Venus de Vera in I'll Stay In Love With You. I've been to Starbucks but never pa akong nakaka-order kahit isang kape doon. Hahaha! Totoo iyon. Kaya naman naiisip ko, ano ba yan, gumawa ako ng isang character na may-ari ng coffee shop samantalang ni hindi pa nga ako nakakainom ng kape sa coffee shop.

Siguro,, bilang writer, kailangan din nating magmuni-muni o mag-research sa mga bagay-bagay para makasulat tayo ng isang scene, gumawa ng character na malayo sa kung sino tayo o mga kakilala natin. Read books or ask people. Paganahin ang imagination...


Ay, ano bang post ito, walang kuwenta! Hahaha. Maka-post lang XD

Azec Chase ♥

Tuesday, April 24, 2012

HIM

While reading, I just cant get this out of my mind thats why I stopped and open my laptop to blog this about.

Alam ko, marami na akong post dito about sa taong ito. Well, by now, he's a special friend to me. And I know, I think, ganoon din naman siya sa akin. Its been 7 months since we knew each other at hindi ko maiwasang mapa-wow kapag naaalala ko iyon. You see, 7 months of chatting? May chatmates bang nagtatagal ng ganoon in real life? (May nagsabi sa akin once nito) :P

Anyway, nakilala ko siya sa isang chat site dahil bored ako ng araw na iyon. I just want to have friends and know people when I remember my friend told me about this site. Noong sinabi niya iyon sa akin, kapag bored lang talaga ako pumupunta doon kasi ang daming ****** doon. If I encounter one, I always disconnect. Pero good thing, naka-tiyempo ako ng isang matino. And that was HIM.

I told myself, I will make a new email ad for this. Kaya nang ibigay niya sa akin ang email ad niya, okay lang kasi hindi talaga un ang personal email ko. Sabi ko noong una, baka lokohan lang. Pero hindi ko aakalaing tatagal ng ganoon.

Sometimes, I ask myself, bakit nga ba tumagal ako ng ganoon kausap sa kanya? Hindi naman siya guwapo. Ang layo-layo pa ng personality niya sa akin bukod sa malayo din iyong place niya sa tinitirhan ko. Ina-ask nga din niya ako, bakit daw ganoon? I will always say naman kasi sensible siyang kausap. And that's true.

When I am down, hindi niya ako dina-down pa lalo. Marami kasi akong experiences sa ganyan and it hurts really. Iyong feeling na kapag mababa ka sa exam, sasabihin pa, bakit ang baba mo? Nakakainis lang kasi parang pinapamukha nila sa `yo na ang bobo mo kasi mababa ka sa exam. Pero siya, kapag sinasabi ko sa kanya na ganoon, he will always say that there is next time. In short, at least na sabihin niya sa akin ang mga bad things, mino-motivate niya pa ako.

Honestly, siya talaga ang motivator ko sa pag-aaral. Lalo na sa Math. He was very good in Math, unlike me. Kaya kapag nag-e-exam sa Math, palagi ko siyang iniisip. Parang palaging nasa isip ko na, I need to have a high grades para matuwa siya sa akin. Ewan ko, basta ganoon iyong feeling ko. Tapos kapag nag-aaral ako, sinusunod ko iyong mga tips na binibigay niya sa akin. And its effective.

Minsan, iniinis niya din ako like sending me frog pictures. Pero kahit nakakainis, nawawala din iyong inis. Kasi naman, nagso-sorry din agad siya. Tapos one time pa nang sinabihan ko siya sa chat ng I hate you, nag-out na siya na lalo ko pang kinainis. But around midnight sa kanila, minail niya ako telling that he is sorry. Hindi daw siya makatulog kapag naiisip niyang galit ako sa kanya.

Then he is so honest to me. Paano ko nasabi? Well, sinasabi niya lahat-lahat sa akin. Even bad things! Ha-ha. Ako naman, okay lang kasi at least hindi siya plastic di ba? Hindi katulad ng iba na pa-sikre-sikreto pa. Kunwaring pahinhin effect pero un pala, nasa loob ang kulo. Mas ayaw ko naman `nun `no.

But the thing I like the most in HIM is that he RESPECTS ME. He's a guy and I know things that a guy do. He never told me to his friends. Why? Kasi kapag sinabi daw niya ako sa kanila, mag-iisip sila ng masama sa akin. You know, something fishy between us. At first, I find it bad. Pero nang ine-explain niya sa akin iyong "fishy" thing, na-touch ako. Ayaw niya akong ipakilala sa iba dahil ayaw niyang mag-isip ng masama ang iba sa akin. Marami pa akong puwedeng patunay dito sa RESPECT ME thing, pero dahil baka mahirap i-explain dahil baka kung ano ang isipin ng iba, hindi ko na lamang isusulat. :)))

Anyway, hindi ko siya jowa, okay? hindi rin MU. Ay puwede rin pala, malabong usapan! Hihi.. Night!

Azec Chase ♥

Saturday, April 21, 2012

I'll Stay In Love With You - 3rd book

Tamad na tamad akong mag-blog post. Hahaha. Medyo sinipag lang ako ngayon... Anyway, my 3rd book was released last Wednesday... Thank you na agad sa lahat ng bumili! I already have my own copy :) May nakita lamang akong mali sa timeline---and I think sa pagkaka-edit iyon nagkamali. Pero keri gore, gusto ko ung pagkaka-edit sa kuwento. :)

This is the cover of my 3rd book under PHR and its teaser/caption:




I’ll Stay In Love With You
By Cady Lorenzana

“Ang dami kong nakilalang magagandang babae, pero hindi ko naramdaman sa kanila ang ganitong klase ng happiness at contentment… Kaya kung iniisip mong wala kang binatbat sa kanila, huwag. Dahil sila ang walang binatbat sa iyo.”

Habang masaya at “love is in the air” ang drama ng mga tao sa paligid ni Venus, siya naman ay naroon sa isang sulok, nagkukukot ang kalooban. Naturingang katukayo niya ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig, pero zero ang love life niya. Sa edad niyang beinte-sais, ni wala pa siyang first kiss!
Mukhang naawa sa kanya ang “anak” niyang si Kupido. Isang gabing lasing at depressed siya dahil sa kawalan ng love life, dinala nito sa harap niya ang kanyang Prince Charming. Hindi nakapagpigil ang puso niyang excited nang ma-in love, hinablot niya ito at hinalikan sa mga labi. The kiss felt good, it was almost divine. 
Pero nang mawala ang espiritu ng alak sa sistema niya, nahindik siya sa natuklasan. Ang lalaking hinalikan niya at napagkamalang kanyang Prince Charming ay walang iba kundi si Derrick Ramirez, ang lalaking unang minahal niya at siya ring dumurog sa puso niya noon…


FACTS AND TRIVIA'S PORTION:

x I got Derrick's name from my cousin's friend... Derrick iyong name niya and he's so cute. Hihi. Crush ko na sana siya pero feeling ko child abuse ako kasi Highschool pa lang siya :P

x Some of the name ng mga character dito, nakuha sa name ng mga ka-SMP ko. Naligaw yata ako sa group ng SMP habang nag-iisip ako ng names ng mga ibang character... Then si Franz Ian, galing siya sa name ng 2 kong friend na boys... Si Franz at si Ian. He-he. Tapos ung surname niya, pinagdugtong ko ung middle name ni Ian saka ung surname ni Franz. Ian's middle name is Almada and Franz is Aquino ^__^

x Favorite character ko dito si Artemis. Medyo na-inspired ako dahil sa 100 days to Heaven. Cute kasi ni Xyriel. Un, siya ung naging inspiration ko para sa kanya.

x I've thought about the whole plot nang magising ako ng alas tres yata ng madaling araw... tapos inisip ko iyong mga scenes nang pauwi ako galing sa SM Lipa dahil ang haba ng binyahe ko papunta sa bahay namin w/c is dapat mga less than an hour lang naman kasi naka-bus ako.

x Inspiration ko din ang sarili ko sa character ni Venus. Wala pa rin kasi akong first kiss kahit nagka-BF na ako :P


x Una nga palang pina-revise sa akin ang kuwentong ito. Then na-returned :( Pero nang inayos ko naman muli, na-approved na :) Muntik ko na nga itong iyakan dati nang na-returned siya kasi feeling ko nagkapatong-patong ung problema ko noong mga days na un.

x Nasa last part na ako ng kuwento nang makaisip ako ng title. Kinuha ko lamang doon sa isang lines sa kuwento. Wala kasi akong maisip na title :P


x Wala na akong maisip so I guess okay na ito. :P

Azec Chase ♥

Thursday, April 12, 2012

:(

Matagal bago muli ako nakapag-post dito sa blog ko dahil nagka-issue about sa isa kong post dito. But I erased it na... Anyway, ayaw kong pag-usapan iyon. Pero kahit ganoon, sad pa rin ako. I've been suffering for problems this days...And I hate it.

I am writing a manuscript na plano ko sana, one week ko lang gagawin. Pero tapos na ang one week ay hindi ko pa rin tapos. Puwede kong idahilan ang HOLY WEEK kasi ayaw akong pagsulatin ni Mommy. Puwede naman daw un after na lang so sinunod ko ung advice niya. Bad thing, nawala iyong mood ko sa pagsusulat after holy week. Ang masama pa, nakita ko ung parang magiging problema sa manuscript ko.

Saklap lang kasi kanina nasa 18k na ako and I feel like I want to erase it all. But I didn't. Ang nangyari? Feeling ko kukulangin ako ng words. Haay, ang hirap talagang maging writer... Minsan nga, gusto ko ng umayaw. But still, passion ko ito. Kapag wala naman kasi akong ginagawa sa bahay, naiisip ko lagi ang MS word. Ung mga character and etc. etc... Haay, ang gulo ko...

Anyway, please pray for this one. Sana umayos at ma-approve. Good night!

Wednesday, March 28, 2012

A strike to my heart

Rainy afternoon to all. Nakuha ko ang title ng blog post ko ngayon sa isang novel sa PHR---by Maricar Dizon. I'm not a fan of her actually. At first time ko lang makabasa ng novel niya na ito nga ang title. At isa lang ang masasabi ko---I liked it.

I liked it because it reminds me of my first love. Kahit hindi kami happy ending, naging masaya naman ako doon sa times na nakasama ko siya. May nabasa nga ako sa isang quote na, "Never regret something that once made you smile" kaya naman hindi ko ni-regret na minahal ko siya at kahit sinaktan niya ako.

Like Jayden--the hero in the story--magaling din siya sa sports. Sport superstar kumbaga. But not soccer although may nagsabi sa akin na magaling daw siya doon. Nakasama pa yata siya doon sa regional something ng laro na iyon. Pero ang alam ko talaga kasi palagi ko siyang nakikita na naglalaro noon, magaling siyang magbasketball.

Grade 6 nang una ko yata siyang makita. May hawak siyang bola ng basketball at kahit hindi ko siya kilala and I know, hindi rin niya ako kilala at napansin, parang na-attract na ako sa kanya. Taga-doon siya sa mga lola ko at dahil hindi naman ako nakatira sa mga Lola ko, minsan ko lang siya makita.

Until one summer...

Sa mga baranggay, uso iyong mga liga. Iyong mga naglalaro ng basketball tuwing bakasyon. At doon ko siya nakita muli at mas lumalim ang pagka-crush ko sa kanya. Why? Ang galing niya kasing mag-basketball at para sa akin, ang guwapo niya. Matagal bago ko siya naging crush at alam ko, matagal bago din niya ako napansin.

2nd year HS.

Ito iyong time na naranasan kong magka-BF. And guess what kung sino ang first? SIYA. (Feeling ko, ang landi ko tuloy, ang bata ko pa kasi noon! Hahaha) Pero dahil ang crush ay naging love di kalaunan, hindi ko mapigilan even if I don't think na serious siya sa akin. May reputasyon kasi siya bilang pagka-playboy.

Hindi rin naman kami nagtagal. Pero kahit ganoon, sariwa pa rin sa isip ko ang lahat. Naalala ko, nag-wish ako dati sa isang shooting star--na first time kong makakita--na sana magka-moment kami. That day, nakausap ko nga siya! Kaya talagang naniwala ako sa pag-wish sa isang shooting star. xD Sa simbahan kami nagka-usap. At kahit parang wala naman kaming pinag-usapan, kinilig pa din ako. Siyempre, super crush ko siya, eh. Then iyon...hindi nagtagal, naging kami... (landi ko)

At hindi rin naman nagtagal ay nasira din ang KAMI. Hahaha. Anyway, past na iyon. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko iyong nangyari dahil sa kanya ko naranasan ang unang mahawakan ng kamay ng lalaki at makasama siyang maglakad na parang kami lang sa paligid. I was so proud of him that time pa kasi noong mga panahon na kami, nakakuha siya ng 3 awards... Kasama na doon ang MVP. Pero sinira ng isang malandi ang pantasya ko. Kaya huwag na kayong magtataka kung bakit palaging 3rd party ang conflict ko sa mga story ko. Ehehehe. May pinaghugutan `yon, LOL!

Ayaw ko ng magsalita.... Naalala ko lang siya. And somehow nami-miss siya... :(

Azec Chase ♥

Monday, March 26, 2012

Another script for a play


Hello. Dahil sa project namin sa Physical Science, nagawa ko muling tignan ang youtube account ko. he-he. At dahil doon, nakita ko ang video ko with Ian---para sa isang play namin sa Humanities. Then nang nag-browse ako ng notes, nakita ko din iyong script namin! Hi-hi. Naalala ko, sabi ng prof ko, ako daw ang best actress dito. Hahahaha! Natuwa lang ako kasi may talent pala ako sa acting. At nang dahil diyan, nagka-interes tuloy ako sa mga theater, theater that's why ginawa ko iyong kuwento ni Marianne. Kahit naman sa pocketbook, madala ko ang pagigiging theater actress. Feeling Marianne lang `no? Hahaha. Nasa taas iyong video at ilalagay ko dito sa baba iyong script. xD



And the whole script.. Na connecting lines na naman. hehe. Ako rin nagdugtong-dugtong niyan :))) Feeling script writer kasi ako :D

Minsan, it's better for 2 people to break up.. so they can grow up. It takes grown ups to make relationships work
: Inihahandog ng Moon cinema. Comes a story about how true love waits for. Hopes for. para sa mga nagbreak up and still loving each other.


Boy: Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako!


Girl: Bakit ganoon? Pag mahal mo, mahal mo. Walang pero, walang bakit...kahit na sinasaktan ka na.


Boy: Ano ba kasing nangyayari sa iyo?


Girl: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! ako yung problema! Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan … Sana kaya ko nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba? (one more chance)


Boy: Sandali lang please, pag usapan natin ito.(one more chance)


Girl: Sana minsan makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Tayo na lang. Akin ka na lang ulit..(paano na kaya)


Boy: She loved me at my worst. You had me at my best. And you chose to break my heart.(one more chance)


Girl: Minahal kita. Mahal na mahal kita.(paano na kaya) At hanggang ngayon, Ang totoo hanggang ngayon umaasa parin ako na sabihin mong ako parin. Ako na lang. Ako na lang ulit.


Boy: nangyari na ang nangyari. hindi natin ginusto, hindi dapat pero nangyari na… wala ng tayo. Pero mahalaga ka sa akin at ---


Girl: Mahalaga ako sa iyo pero hindi mo ako mahal. (paano na kaya)


Boy: I love you. Don't you get it? I love you. Please let me love you. Again.(I love you so)


Girl: MAHAL MO BA KO DAHIL KAILANGAN MO KO? O KAILANGAN MO KO KASI MAHAL MO KO" (Milan)


Boy: : I'm sorry if I didn't love you in the way at that time that you did, pero maniwala ka, maniwala ka na minahal kita sa paraang alam ko"


Girl: Ang sarap pakinggan; mas masarap paniwalaan… Pero hanggang kelan? Bukas makalawa, may bagong darating; may bagong pagseselosan. It’s not you, it’s me. I’m so insecure. No love is enough for me— not even yours.(paano na kaya)


boy: i will stay with you-- isn't that enough?


girl:enough for now. Look, i love you more than everythingelse in the world combined. isn't that enough?


boy: yes it is enough. enough for Forever.


girl: Ten years from now, ganito parin kaya tayo?"


boy: Ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, forever and ever!


Girl: ‎"I never really believed in forever but i think I found forever in you.

:)

Azec Chase ♥

Script for a Rizal Play

Nag-browse ako ng notes ko sa FB dahil gusto kong tignan iyong poem na ginawa ko for english then nakita ko ang note ko na ito. Natuwa lang ako kasi ang sweet ng lines :) Hindi lahat ng lines dito, ako ang gumawa. Iyong iba, nabasa ko lang sa internet. Ganoon kasi ang ginawa namin sa Humanities---nag-connect-connect kami ng lines para sa isang drama play. Then ito, nag-come up kami sa drama na ito about Jose Rizal and Leonor Rivera. Sayang nga lamang, hindi sila happy ending... Hihi. So ito na iyon: (Sorry if may wrong grammar. Kailangan kasi namin dito ng english script kasi may kaklase kaming foreigner sa Rizal noong 1st year...)


* I could still remember those days.. Those days filled with love and romance..

She was the love of his life for 11 years. A love that might have lasted.. If only..



*flashbacks..



N: A woman got off from a jeepney.. The moment he saw her, he was mesmerized.. His heart beats faster on the sight of her.. At that moment, he knew.. He was in love..



Rizal: Not to be rude, but may I ask your name?

Leonor: (smiles) I am Leonor and you are?

R: Jose. My name is Jose. Are you from around here?

L: No. I came from Camilling, Tarlac. How about you?

R: No. I was from Calamba Laguna but I've been here much longer.





N: The conversation went on until they parted ways..



*courtship/playing songs..





Rizal: I love you not only for what you are but for what I am when I'm with you.. I love you not only for what you have made of yourself but more so for what you are making of me.

Leonor: And I love you too Jose, because you attempt to perfect my being of kindheartedness -- to live a life of love goodwill and gracious compassion..

R: If I had the whole world to write on to express how much I love you, it wouldn't all fit. No words can express how much I love you.



N: And then they had a relationship..



R: I'm leaving, Leonor. Just remember I will always love you. Remember me with smiles and laughter, for that's how I'll remember you.

L: There is an end to all things no matter how much we want to hold on to them, but I'll wait for you and please, do not forget me whatever happens, Jose.

R: I promise. I'll send you letters. This isn't goodbye for us. Never say goodbye because I know on one sunny day we will meet again

L: There are no goodbyes for us. Wherever you are, you will always be in my heart..



N: Then rizal go.. Leonor waited for him to come back but then Rizal didn't come back anymore. She waited for him until one day.. He doesn't fulfill his promises that he will send her letters.



Mother: I want you to be married to this British Engineer, Henry Kipping..

L: What? But I'm waiting for Rizal. He promised to come back for me, Mom. He's the one I love. He's the one I'm gonna marry with.

M: I don't like Rizal for you. He doesn't fit to be with you. He's a Filibustero. And Rizal didn''t come back, right? Choose Henry. He's the one I want to be with you. You are perfectly perfect for each other. Don't wait for Rizal, he had forgotten you and just forget him too.



N: Then Leonor doesn't have a choice. She believed that Rizal had forgotten her.


Henry: Just give me time, Leonor. And I’ll get you over with Rizal. You are, and always have been, my dream. I love you and I'm begging you to marry me. You are every reason, every hope, and every dream I've ever had, and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life. I will always be yours..

L: Do I have a choice, Henry? My mother wants me to get married to you. And I think, Rizal had forgotten me by now. I'm accepting your proposal no matter how it hurts. Just give me time to fall for you. I'm gonna make myself to love you too.

H: Thank you. I'm holding on for what you said.


N: Leonor and Henry got married when Rizal decided to come back..


Rizal : Maybe love is not just about being with the person you love. Maybe sometimes its about letting her go to be with the person she destined to be with...

(end of flashbacks..)


Then last scene, where Henry will kiss Leonor's forehead.

Wednesday, March 21, 2012

Let Me Stay With You - 2nd book

Sa wakas, out na si Caspian! Last November 10 siya na-approved and ngayon ay market na siya. Yieee. Sa lahat ng nobela na nagawa ko, ang kuwentong ito ang palaging nagpapaiyak sa akin kapag binabasa ko. I don't know pero iba ang damdamin ko habang binabasa siya...Dalang-dala ako sa mga eksena. He-he. Siya lang yata ang natatanging naisulat ko na umiyak din ako habang sinusulat. Sa kanya ko din naransan na gumawa ng draft sa notebook... Siya din yata ang nagpahirap sa akin ng ipa-revise siyang muli. In short, mahirap talaga ang nangyari sa amin kaya mahal na mahal ko ito! I think, ito ang pinakapinaghirapan kong nobela sa lahat kaya siya din ang pinaka-favorite ko. How I wish, magustuhan din ito ng mga readers. Inuhog yata ako dito `no! Hahahha


Anyway, ito ang teaser at cover photo ni Caspian.. Orange na naman siya! Oh yeah, suki ako ng orange, eh! Hahahaha... I like the picture. Ang ganda. Sana nga lang maganda din para sa iba...saka iyong content! Buwahaha.

LET ME STAY WITH YOU
By: Cady Lorenzana


"Hindi magawa ng puso ko na umibig sa iba tulad ng pag-ibig na inukol ko sa `yo."

Bata pa lamang si Marianne ay pangarap na niyang maging isang sikat na theater actress, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Pangarap niyang mahigitan ang tagumpay na naabot ng kanyang abuela na noon ay sikat sa larangan ng pag-arte.

Until she met Caspian Cameron Marasigan. Hindi niya pinlano na ma-in love sa edad na disiotso ngunit ginulo nito ang puso at isip niya. Palagi itong nasa tabi niya upang suportahan ang pangarap niya. Minahal siya nito kahit alam nitong wala sa isip niya ang salitang “pag-ibig.” Hanggang sa maramdaman na lang niyang nahuhulog na ang puso niya rito. Namomroblema siya dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pag-ibig at ang pangarap niya kahit na sinabi nitong kaya nitong manatili sa tabi niya sa kabila niyon.

Pero sa lahat ng mga ginawa at sinabi nito sa kanya, mas pinili pa rin niya ang pangarap niya kaysa rito.

Huli na nang matanto niyang nagkamali siya sa napiling desisyon…




FACTS AND TRIVIA'S PORTION: 

x I got Caspian's name from a book na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos mabasa. And nope, its not Narnia. The Hollow by Jessica Verday. Ang kyowt lang ng name kaya in-adopt ko. Cameron is from the Fallen series by Lauren Kate. Favorite character ko kasi si Cam kahit kontrabida siya. Ang surname naman niya, well, I got from somewhere over the rainbow. Hindi ko na matandaan.

x Si Marianne naman, nakuha ko siya sa pangalan ng elementary classmate kong si Marianne Reyes. Bigla kasi siyang nag-pop out sa isip ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit. Iyong surname naman niya, nakuha ko sa computer teacher kong si Ms. Picardal din noon sa elementary. Naku-cute-an lang ako sa apelyido niya noon. Ngayon, tinatanong ko iyong sarili ko, parang hindi naman ganoon kaganda.

x Casey---well, un lang kasi ang naisip kong name ng girl na malapit sa name ni Caspian.

x About naman doon sa sakit na Casey, muntik na akong mabaliw doon nang ipa-revise siya sa akin na may mali daw sa una kong ginawa. So I thank you Kuya Jessie Alvarez(na ka-close ko dahil sa social site na friendster at ngayon naman ay sa twitter) dahil siya ang tumulong sa akin sa part na iyon. BTW, RN siya. :)

x Some characters there, Lorie, Gracel, Yasmin and Jessica---sila ang mga nakasama ko sa workshop. Jessica is Jessica Blair. Si RJ. Pero siyempre, iba ang ugali ni Jessica kay RJ.

x I just wrote it for a week, I think. Or less. Dito ko rin naggawa ang pinagmamalaki kong 10000 words na siyang pinakamadami kong naisulat sa isang araw.

x The plot, nakuha ko siya sa kuwento ng The Eyes of A king by Catherine Banner. Katulad ng sinabi ko nga sa first page.

x Umiyak ako sa part na namatay si Casey habang sinusulat ko... Iyong pinagtapat ni Marianne ang lahat ng sakit.

x Iyong scene na nasa rooftop sila Marianne and Caspian, dapat sa sementeryo talaga un. Pero dahil feeling ko, kagaya ng scene sa A walk to remember, binura ko.

x The love scene? Natatawa ako habang sinusulat ko un. Di ko ma-imagine masyado un kasi---Hahahaha


-anyways keribels, wala na akong maisip. Kaya byeee!

Azec Chase ♥

Friday, March 16, 2012

Susi para sa sariling tagumpay

Good mid---night!
Feeling ko, wala ng kuwenta ang blog ko. Hahaha. Pero gusto kong mag-entry dahil napanood ko iyong video namin. Para sa akin, napaka-walang kuwenta ng talumpati ko na ito. Kung talumpati ba na matatawag ito. Project namin sa Filipino. I feel so lame dahil feeling ko paulit-ulit lang ang sinasabi ko. Wala talaga ako sa mood ng ginawa ko `yan. Ayaw ko ngang magsulat, eh. Kaya masasabi ko talaga na hindi ako magaling na writer. xD

Anyway, ito na iyon. Talumpati ito tungkol sa edukasyon entitled: Susi para sa sariling tagumpay


“Edukasyon ay di mananakaw ninuman,  kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan.”

Magandang hapon sa inyong lahat. Nandito ako sa inyong harapan upang magtalumpati ukol sa kahalagahan ng edukasyon. Sa labing walong taon kong pamumuhay sa mundo, labing apat doon ay madalas kong ginugugol sa pag-aaral ko kaya hindi na bago sa akin ang salitang edukasyon. Ang edukasyon ay ang pag-aaral sa isang kasanayan. Ngunit bakit nga ba mahalaga ang mag-aral? Bakit nga ba mahalaga ang edukasyon?

Marami ang nagsasabing napakahalaga ng edukasyon. Ito daw ang daan para sa isang magandang kinabukasan. Ako mismo ay naniwala doon. Kapag tayo ay may sapat na kaalaman at nakapagtapos ng pag-aaral, marami tayong mararating.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap. Karamihan  sa atin ay pangarap na makapagtapos ng pag-aaral o di kaya ay magkaroon ng isang magandang buhay sa ating hinaharap. Sino nga ba naman ang pangarap na magtinda sa kanto ng yelo? Sumigaw ng balot, balot, balot tuwing gabi? Umupo sa daan upang mamalimos? Wala, `di ba? Ngunit kung hindi natin pagbubutihan ang pag-aaral, maaring mapunta tayo sa lagay na iyon.

Mahirap ang daan upang makakuha ng isang kumikinang na diploma. Isa ako sa maaring magpatunay sa mga iyan. Marami ang kailangang pagdaanan para makamit natin ang ating pangarap. Nandiyan ang nakakahilong proyekto at mga nakakadugo sa utak na eksamin. Ngunit palagi nating tandaan na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madaling paraan. Sa pag-aaral, kailangan natin ng dalawang bagay na nagpasikat kay Manny Villar: Sipag at Tiyaga.

Ang edukasyon ay isang bagay na hindi mananakaw ninuman. Ito ang ating magiging daan upang makamit natin ang ating mga pangarap. Kaya ikaw na nasa upuan at nakikinig sa aking harapan, huwag nang tatamad-tamad kung gusto mong magkaroon ng isang magandang kinabukasan. Mag-aral ng mabuti dahil ang edukasyon ay ang susi para sa ating sariling tagumpay.

Azec Chase ♥

Saturday, March 10, 2012

My Dream Guy

Hello.. Its March and well---pressured na pressured na ako. Magpa-finals na at marami na kaming kailangang gawin. Gusto ko ng bumili ng pressure cooker dahil dito pero---ahmmm.. wala akong pambili. Lol. But anyway, kahit sa dami ng gagawin na wala pa akong naggagawa, honestly, naisip ko pa rin ang mga lalaki. Hi-hi. Well, natural na yata sa akin ito. Kaya naisip kong gumawa ng isang post about my dream guy.




Ano nga ba ang aking dream guy? Ano iyong mga katangian na hinahanap ko sa lalaki? Well... Ito ang mga iyon:



1.) MAGALING SA MATH. Why? Dahil hindi ako magaling sa MATH. Isinusuka ko iyon, promise! So I prefer someone na civil engineer, architect, or CPA. Basta magaling dapat sa math para kapag nagkaanak kami, hindi naman kawawa ang anak ko. Ayaw kong mamana niya ang genes ko sa kabobohan sa math.

2.) MAGALING MAGLUTO. Marunong akong magluto pero dahil hindi naman ako mahilig magluto, gusto ko, magaling siyang magluto. (O sige, i-gets mo) Mahilig kasi akong kumain, eh. Un nga lang, hindi kami BFF ni kitchen.

3.) HINDI ONLY CHILD OR FAVORITE SA FAMILY. Why? Kasi ayaw ko ng masyado akong kikilitasin ng family. I know, I'm not perfect. Marami akong flaws. Kapag kasi if ever na favorite child, apo or whatsoever si boy, laging ang galing mangilatis ng family. Mamaya, feeling nila hindi ko deserve ito at kung anu-ano pa ang sabihin sa akin. (Hahaha. Alam ang feeling?)

4.) SELOSO. Para lang akong tanga. Hahaha. Oo, tanga na. Pero ang cute kaya ng guy na seloso.

5.) MARUNONG SA GAWAING BAHAY. Oy, oy, oy! Siguro, iniisip niyo na gagawin ko siyang katulong `no? Partly.. Yes! Hahaha. Joke, hindi naman...GAANO. :P Gusto ko lang marunong din siya.

6.) GUWAPO. Siyempre. Sino ba ang may ayaw? Appearance - Tall, dark and handsome. :)

7.) MABAIT. Sus, napaka-common na nito. Pero alam kong marami pa rin na may gusto. Lahat naman, eh. Nakapasok na dito ang lahat--ang pagiging gentleman, may takot sa Diyos, marunong makisama and etc.

8.) SWEET/THOUGHTFUL. Okay---another common thing.

9.) UNDER. Gusto ko ako---madalas---ang masusunod. Aba, dapat ako ang boss! Ako ang babae at ako ang maraming responsibilidad kaysa sa kanya. Gawin niya akong boss. Ho-ho.

10.) MAHAL AKO. Aba, "dream guy" ito. Kaya kailangan lahat na. Kasali na din ang puso niya. At ako lang dapat ang makikita. Hahaha!


Isama na rin natin ang ilang katangiang katulad ng mayaman...? he-he. Ako naman, basta kayang buhayin nang maalwan ay okay na. And di rin ako ganoong naghahanap ng guwapo... Na-attract kasi ako mostly sa personality at hindi sa looks. ^__^


Another lame post. Pero...ang sarap mangarap. May ganito kayang lalaki? Aha! Alam ko na! IMAGINATION! "Dream Guy" nga, eh.

Azec Chase ♥