Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, December 15, 2012

Anvaya Cove Escapade

Good evening! Yey! Status right now: ecstatic!

Finally, after weeks na iniisip ko ang "regrets" sa buhay ko, ngayon hindi na... Because I've done something/join in what I knew I will love and enjoy too :)

Last December 13 and 14, PHR staff/writers went to Anvaya Cove, Morong Bataan because of Brainstorming and also the writers christmas party. Sa totoo lang, dapat ay hindi na talaga ako kasama dito. Last November pa kasi nag-invite si Miss A, and I declined dahil may klase ako noon---na nagkataong thursday-friday pa at kinabukasan ay hell day ko. Inisip ko rin na mag-exam na kami kinabukasan kaya inisip kong `wag na lang. Pero dahil sa pagdaan ng days, nakita kong hindi magkaka-exam at maluwag ang schedules ko ng Thursday and Friday---tinext ko si Miss A. Sabi niya, di na raw puwede kasi naka-reserve na...Nagka-regrets na naman ako noong day na iyon. Pero nagtext siya last Monday and puwede na raw akong sumama---and yay! Muntik na rin akong magdalawang isip pero hindi! Nag-okay pa rin ako and its all worth it that I left school for 2 days just to join the activity---na actually halos whole week akong absent kasi absent rin ako last Tuesday to get my check sa PHR! He-he!

Tuesday night pa lang, excited na ako. Halos di rin ako nakatulog dahil naiisip ko na. Then kinabukasan, sabi ko sa sarili ko, di ako tutulog ng morning kasi baka di ako makatulog sa gabi. And yay! 12midnight na ako nakatulog and 3am ako gumising kasi ang call time ay 6am sa office and I'm from Batangas pa. Nagkita kami ni Tyra and Ate Jelaine (my fellow writers) sa Buendia. Kumain pa kami ni Tyra sa McDo ng Breakfast, na actually kumain ako kasi naisip kong baka late kami makadating ng Bataan at di ako makakain ng breakfast---na nag-iisa kong pinanghinayangan dahil may breakfast pala sa office! Hehe! Then mga 8am pa kami umalis papunta Bataan and 11 yata nandoon na kami. Super ganda ng place at ang sarap magrelax! Pero di rin relaxation/vacation ang peg kahit ganoon dapat ang lugar--kakulta ng utak dahil sa brainstorming! He-he! Pero okay lang naman sana...iyon nga lang, iniisip ko kasi na may pasok ako kinabukasan---na hell day ako kaya kinakabahan ako. But good thing, mabait pa rin si Lord dahil nawalan na naman kami ng klase this morning sa Law! Hindi haggard! Hahah!

Worth it sa pagkain sa Anvaya! As in, mawawalan ka ng appetite sa sobrang dami ng pagkain. LOL. And lahat `yun, may picture ako. :D

 Breakfast

Merienda:


Dinner: (Kaunti lang kasi busog na busog pa ako)


Breakfast: Napa-heavy XD


Lunch again ^___^

Cocktails:



I love their Iced Tea <3



At talagang food ang pinost ko `no? Eh bano lang, eh. Minsan lang---ahmm, first time lang pala ako nakaranas ng ganyang kabonggang food. Hahaha! As in, di man lang ako nakapagsalita na "gutom na ako" dahil hindi ka talaga magugutom. Ako pa naman ung babaeng palaging gutom, pero diyan, naging reklamo ko un. Hahah!


And here naman ang ibang pictures sa place at ako. Nyahah! :)






























It was such a nice place na kahit isang araw pa lamang akong nakakaalis doon ay gusto ko na muling bumalik. Mami-miss ko ang food doon! Hahah! Buhay baboy lang ang peg ko doon. Char! Sasarap pa ng food. Sana, sana makabalik muli :))


xx
Cady

No comments:

Post a Comment