Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Saturday, December 1, 2012

Rants

Last Night, I told myself I want to write a blog post about this because I feel so pressured and bad. Gustong-gusto kong maglabas ng sama ng loob kasi feeling ko, hindi ko na kaya. Na sobrang pagod na ako when the truth is, I am just starting. Pero dahil nasabi ko na last post ko na iyon na ang last, so ngayon na lang dahil December na. Kasi naman, kahit naiiyak ko na kagabi iyong sakit ng damdamin ko, hanggan ngayon napi-feel ko pa rin siya.

My schedule this sem is fucked-up. I'm taking 3 major subjects, with 3 hours time every Saturday. From 8am - 6pm nasa school ako at one hour lamang ang break ko. At talagang halos sa pagkain lang ang one hour na iyon.

My first subject every Saturday is law. My Law professor is so strict to the point na kahit nakasagot ka sa recitation, 75 ka lang. Samantalang iyong last sem law prof ko, 80 kahit di ka man lang magsalita habang nagre-recitation. At talagang kahit iyong mga classmate kong kulang na lang ay lagyan ng Magic Sarap dahil sa pangigisa niya, naka-80 lang. Isipin mo, nakatayo un ng 1 hour na siya lang ang tinatanong tapos 80 lang ang grade? Kaya naman ang sa 3 hour class namin today, 4 lang ang natawag.

My 2nd subject is MAS---Managerial Accounting and Services. And God, nakakaloka po ang mga assignment. Ni hindi ko nga alam kung saan hahagilap ng sagot lalo na at wala naman kaming background sa Cost Accounting. Super nakakaiyak na dahil everytime na lang may assignment. Maluwag ka nga sa weekend dahil wala kang major, pero dahil sa assignment, tadtad ka pa rin ng mga gawain.

And the last subject is Advance Accounting. At dahil may Accounting ito, wag na kayong magtaka kung mahirap talaga ito. Plus the added fact na last subject na namin ito---feeling namin dugo na utak namin. But good thing, kahit mukhang mataray ay magaling naman magturo ang professor. Ang dami kong naintindihan sa mga tinuro niya sa amin kanina dahil explain niya talaga lahat in a manner na madaling maintindihan.

And `yan, sinabi ko na lahat ng hinaing ko sa Saturday classes ko. At dahil rin sa mga `yan, wala tuloy di kami nakakuha ng Cost Accounting this sem kaya magsa-summer tuloy kami. Haay. Kaya iyon, ang dami kong regrets sa life ko na ngayon ko lang napagtanto.

Kung kinuha ko na sana ang Cost Accounting noong 2nd year pa lang ako, edi sana di na ako magsa-summer. Di naman kami overload `nun kaya puwede naming makuha at di rin conflict sa Sched. Sana nag-law na rin ako ng 2nd year pa ako para hindi ganito ang prof ko dahil hindi naman ito ang professor dati sa Law. Sana maluwag ang schedule ko ngayon. Sana di ako magsa-summer. Bakit ba kasi nagpasarap buhay ako noon? Nagdudusa tuloy ako ngayon.

When I'm doing some of my assignments, I always told myself, I regret picking this course. I know I am not really good in Math but the thing is, I challenge myself. I am not good in Math so I want to conquer what I am not good into. But still, I regret. Because I didn't follow what I really want. Kapag nakikita ko iyong mga ka-batch ko na kinukuha iyong course na gusto ko, naiinggit ako. Gusto ko kasi, sana man lang, nararanasan ko iyon. Na kahit mahirap mag-aral, at least, masyaa naman ako sa ginagawa ko kasi ginusto ko iyon. Ginusto ko rin naman ang challenge ko sa sarili ko. Iyon nga lamang, feeling ko, hindi ko na ito gusto. But you, know I can't just give up. I give up once---I don't want to give up again. Sandali na lang... Sandaling-sandali na lang, Cady... And after the challenge you gave to yourself, free ka na kung anong gustong gawin mo. `Di ba you have plans na? Na magsusulat ka muna. Na gagawin mo muna iyong bagay na gusto mo talagang gawin. Iyong bagay na kung saan ka masaya... Kaunting-tiis na lang `di ba? Kaunting iyak na lang kahit maraming-marami pang pressure...

Iyon `yun, eh. Iyong pressure kaya nahihirapan ako. Thinking that your friends are all good and you're not, that was the hardest part. Na iyong para sa kanila, ang dali-dali lang nito pero para sa `yo, hindi kasi hindi naman talaga iyon ang gusto mo. Na ang gagaling nila samantalang ikaw ang feeling mo sa sarili mo ang bobo-bobo mo. Palagi na lang, magsasabihan kami sa isa't isa, "Kaya natin ito! Kaya mo `yan!" when the truth is, ako, mukhang bibigay na. Kanina nga, kumakanta na lang ako ng "I won't give up," "Survivor", "I will survive" kasi gusto kong mag-survive. Pero kakayanin ko ito... Challenge lang ito ni God, `di ba? Sige na nga, TIWALA LANG.


xx
Cady




No comments:

Post a Comment