Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Monday, December 31, 2012

Bye 2012

So today is December 31, 2012...na muntik na akong magbagong taon sa bahay ng bestfriend ko...sabi ng tita ko. Joke! `De. Doon lang ako natulog sa bahay nila kagabi...kasi pinilit niya ako! Hahaha. Na-miss niya yata ako...kasi twice a year lang yata kami nagkikita. He-he. We watched a movie kasi, EL Presidente and...its worth watching...at sa sobrang sarap ng aming pagkukuwentuhan, ginabi na kami. Hehe.

Anyway...echos lang `yang first paragraph na `yan. Sinabi ko lang para ikuwento ang nangyari sa akin kahapon...Pero ang post na ito, ikukuwento ko naman ang nangyari sa aking buong taon. Pagbabalik tanaw sa year 2012!!!


JANUARY

January is my birthday month. At dahil I turned 18 this 2012, debut ko. After 11 years, nakapagpa-party ako nang ganoon kalaki. Well, not really that big naman ang debut party ko. Sabihin na lang nating, nag-celebrate ako ng birthday na ganoon kadami iyong handa. Eh kasi naman, debut rin ng Kuya ko this year. January 2 birthday niya and I'm January 5. 21 siya, 18 ako. So medyo marami yata. Hehe! Masaya naman ang birthday ko, (ayon sa aking natatandaan) kahit nakakapagod kasi ang tagal ko na bago di na kapag asikaso ng ganoon karaming guest. And ano pa ba ang nangyari sa January? Nag-debut rin pala iyong isa kong friend, which leads us to have a mini-reunion ng mga classmates ko noong highschool.

FEBRUARY

Love Month. Can I skip this? LOL. Ahmmm.. kuwento ko na lang ang nangyari sa akin noong Valentines Day kasi hindi ko matandaan kung ano nga ba ang nangyari sa akin ng month na ito. Natatandaan ko pa kasi iyong araw na iyon---na nawalan kami ng klase dahil absent ang professor. Eh isang subject lang iyon kaya wala buong araw. Nagpunta akong SM para...magbayad ng internet connection! Ahehe! And bumili ng cake...na nilagyan ko ng from Guji iyong card. Nyahaha.. Then bandang hapon, t-in-ext ako ni crush. (eherm!) telling me kung nasaan daw ako. Eh 4pm iyon, tulog ako kasi natulog ako ng 3pm. Nabasa ko 5pm. One hour late! Noong nagreply ako..w/c is 30 minutes after pa...sabi niya, yayain sana niya akong magdate!!!! Ahhh, s-in-ave ko pa ang text na iyon sa phone ko kasi kinilig ako...kahit nabuwisit ako sa sarili ko kasi natulog ako. Sayaaaaaaaang. ><

MARCH

Ito ang isa sa mga pinakamadugong month ng mga estudyante---finals kasi. At alam kong ganoon rin ako. Hindi ko masyadong maalala. Pero ang alam ko ay gumawa yata kami ng video noon sa physical science. at dinugo kami sa reporting sa quantech, ah, I mean, defense pala sa quantech. At lumabas rin ang aking 2nd book na bigla pa akong kinabahan kasi days before that, nagtext sa akin si Ate Karen, telling me "Caspian"... ewan ko, kinabahan ako sa paglabas niya. Hehe!

APRIL

Ito ang month na ginawa ko si Guji :) Na two weeks kong ginawa kasi...nagmahal na araw? And si HIM... nag-exam siya. Final exams nila and twice a week lang kami nagkaka-chat...na nag-adjust pa ako kasi di naman kami ganoon dati. Pero matagal naman a day iyong twice a week na iyon. And lumabas rin si Derrick my loves <3

MAY

Na-approve si Guji! And I cant...believe it. Yay! Nagkita rin kami ng mga fellow writers ko, which is first time ko rin pala na-meet si Ate Skye Reyes. Nag-bonding kami sa SM North which is first time kong pumunta doon kaya hindi ko alam kung paano umuwi. Pero buti na lang nakita ko si Maizee na nagturo sa akin ng daan pauwi! Hehe! First time ko rin...na nagpunta sa Recto! Ang dami kong first time sa Manila noong May. Kaloka! Nagtry rin ako ng entry para sa Angels Myth...pero di ko pinasa. I mean, di ko tinapos. Hehehe. And ginawa ko rin si Athena... at nagplan ako ng trilogy ko.... at ginawa ko rin pala ang first book. Hehe.

JUNE

Nakakalahati na ako! Yey! At kung ang March ay isa sa mga pinakamahirap na buwan ng mga estudyante..eh ang June rin. :P Kasi bye-bye vacation. Ahuhuhu! 3rd year college na ako...and HELL na pala ito...kasi dahil sa Law. Thursday is my hell day... pero wala namang saturday class. :P And Ahmmm.. dito ko pala nakuha iyong gift na padala ni HIM. :D

JULY

Returned si Patch. Huhu. Iyong first book ng trilogy ko. Revision pa rin si Athena. Nag-adjust ako nang bongga nito sa Law Class ko. To the point na nagsusunog pa ako ng kilay. "PA" talaga. Hehe. Nagbirthday rin yata si Ate Nikka ng month na ito so nagpunta muli ako ng Manila para makibonding.

AUGUST

Ito iyong bumagyo...nang bongga! Nawalan kami ng pasok for a week...at nasira ang nalintikan kong laptop! Ahh, nawalan pa ng internet connection noon for a week rin...noong week pa na walang pasok. So imagine-in niyo ang inis ko...NOON. Hehe! Nagkayayaan kaming manood ng mga classmates ko noong highschool ng The Reunion...which is medyo masakit sa akin...kasi...kasi... Hahahaha. Kasi na-feel ko ng bongga ang character ni Jessie Mendiola doon! At kung bakit...kasi.... i-message niyo na lang ako sa facebook kung may curious... At ito rin ang month na na-approve si Athena :))

SEPTEMBER

Ang month na...hindi na kami kagaya ng dati ni Riyan. Sad,,,,because he's entering masters and he needed to be serious. Minsan na lang niya ako i-chat. Until now!!! At may nangopya rin ng novel ko sa wattpad. Errr. and Na-approve ang first ever translation ko... Yey! At nabuo ang 2nd trilogy ko, (kasi na-returned ang first)... and... dito rin pala ang book fair na nakita ko muli ang aking soulmate---ay este, si host Jasper dahil siya ang host ng cocktail party ng PHR. I remember that was one of my happiest days because of my friends :*

OCTOBER

One of the busiest month rin sa college...sa mga college students kasi magse-sembreak. Nag-fieldtrip nga pala kami this month sa BSP. (Shocks, to think na ito ang first ever fieldtrip ko noong college) Hehehe. Kumain pa kami noon sa isang mamahaling restaurant---na ang kasama namin ay mga businessman. Nakakaloka ang mga itsura naming mga naka-jacket pa kasi malamig ang panahon. Pero sa isip-isip ko naman, eh ano, future businesswoman rin naman kami! Hahahah! Dito rin pala naganap ang carshow sa school namin....na yay! nakapagpa-picture ako kay James at nakasakay sa porsche. And so sad to say, ito rin ang month na namatay ang Mommy ng fellow writer kong si Ate Skye... and hindi ako nakapunta kasi poorita ako dahil na-ospital ang lolo ko that month at hiniram ni Mommy lahat ng ipon ko.

NOVEMBER

Half of it is sembreak. Namatay rin iyong Mommy ng fellow writer kong si Ate Karen... Pero nakapunta naman ako this time kasi binayaran ako ng slight... ni Mommy. Then this month ay ginagawa ko si Keith. Na nakailang ulit ako!!! Lumabas si Guji---ang aking 4th book. at napansin ako nang bongga ni Guji. So this is my happiest month of being a fan girl. Nyahahaha. At na-approve nga rin pala ang first book noong 2nd trilogy ko na hindi ko talaga expected... at naranasan ko rin...ang hagupit ng 3rd year 2nd sem.

DECEMBER

Ito na iyong month na umiiyak na ako dahil feel na feel ko na ang hirap ng pagiging estudyante. At nag-CBA week nga rin pala na kumanta na naman kami ng Bracken Siongers. Listen and If I Aint Got You ang kinanta namin... sa STAGE ha! Hahaha! Pero `di contest. Ang sakit talaga ng lalamunan ko pagkatapos, feeling ko, `di na ako nakapagsalita nang ayos after. Pero thumbs up kasi ang saya talagang kumanta sa stage. :p Nanalo rin pala ako sa Amazing Race, nakakuha ng 100 pesos gift certificate sa DQ at nag-sleep over ang brackens sa bahay after the dinner night. And yay! Dito ko rin nagawa na nag-skip ako ng school, na almost one week na wala akong sakit dahil sa brainstorming sa Anvaya na super worth it naman ang pag-absent ko. :P Struggling kami ni Stock...pero sana matapos ko na siya sa wednesday. Please. Please. And Christmas w/ my family...na enjoy naman. Nagbonding w/ my BFF and Perey dahil sa panonood ng El Presidente. And today, last day of the year.


And hoping... it will be better than this year. More approved manuscripts, good health to me and my family, good grades ( I hope) and HAPPINESS!!!


THANK YOU LORD!!!!


xx
Cady

No comments:

Post a Comment