Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Friday, May 24, 2013

5th book - Camp Speed 4: Fall Into Me

Last Saturday, the first five books of our collaboration series with my writer friends was released. I wrote the 4th book---Keith McGraw's story. So happy that it was really James Torres in the cover. Ahh,, he was my inspiration in this book...Kinda... Ang guwapo niya kasi! He-he!


CAMP SPEED 4: FALL INTO ME
By: Cady Lorenzana

Ang sabi nga nila, blessing comes to those who wait. Nahintay siya nito at natuwa siyang pareho silang nabasbasan ng blessing ng pag-ibig. She was happy he waited for her and she fell for him after that long wait.

Bata pa lang si Zia ay inis na inis na siya sa kinakapatid niyang si Keith. Kung umasta kasi ito ay para itong big brother niya at siya ang little sister nito. Daig pa nito ang magulang niya kung magbantay at magsermon sa kanya samantalang hindi naman niya hiniling dito ang mga bagay na iyon.
Ngunit lalong nadagdagan ang inis niya rito nang pagbawalan siya nitong pumunta sa Camp Speed kung saan member ito. Kulang na lang ay ipa-ban siya nito roon para hindi niya masilip ang crush niyang si Zeb Figuerroa. Iyon pa naman ang main purpose niya sa pagpunta sa Camp Speed pero sinabotahe rin siya ni Keith dahil isinumbong nito sa mommy niya ang kanyang plano.
“Ano ba’ng gusto mong gawin ko para tigilan mo na ang pang-iinis mo sa akin, Keith?”
“Gusto mo talagang malaman?” seryosong tanong nito. “Pumayag kang magpaligaw sa akin.”
Nagulat man siya sa seryosong mukha at sa sinabi nito ay hindi niya iyon ipinahalata rito, sa halip ay pinagana niya agad ang kanyang isip. Bigla siyang napangisi nang may maisip siyang kalokohan. Humalukipkip siya. “Game.”
Ngunit mukhang nagkamali siya ng desisyon dahil sa halip na ito ang maapektuhan ay nag-backfire sa kanya ang damdaming hindi niya inakalang mararamdaman niya. Hindi pa pala siya immune sa charm nito dahil nahulog na nang tuluyan ang loob niya rito.

x FACTS AND TRIVIAS PORTION


Characters:

KEITH MCGRAW

x I love “torpe” guys. Madalas ay natotorpe ang mga heroes na ginagawa ko. Pero sa lahat, si Keith ang pinakamatindi. Hi-hi.

x Dapat ay playboy dito si Keith dahil mahilig rin ako sa playboy. Pero as the story goes on, binago ko siya. Hindi siya playboy. Sakto lang.

x He was afraid of rejections.

x Bukod sa Formula One Race Car driver siya, may hidden talent rin siya. Ano `yun? Basahin niyo na lang `yung book. He-he.

x Protective si Keith. At nangyari `yun dahil kay Christian Grey! Ha-ha! Kakatapos ko lang kasing basahin `yung 50 shades habang sinusulat ko ito. Na-inspired ako roon nang slight. Char!


PATRIZIA/ZIA CIPRIANO

x I took the name from a reader/friend Patrizia Ann Gutierrez since nag-request siya sa akin a long long time ago na sana daw ay magamit `yung name niya as heroine sa pocketbook. Ginawa ko lang Zia `yung nickname niya.

x `Yung qualities ni Zia, madalas galing sa akin lahat. Well, most of the times, I always put myself in my heroine’s shoes.

x Maarte si Zia. Kagaya ko. He-he.

x She’s a model.

x Lagi siyang nai-i-inlove pero nasasaktan rin sa huli. May gusto siya sa isa sa mga triplets. :P


THE STORY

x Dapat ay ako ang pang-five sa magsusulat sa first batch. Pero dahil lumuwag naman ang schedule ko, nag-give way ako. He-he.

x I love Cats and Dogs stories. Ganoon ang theme ng kuwento nina Keith at Zia. Mahilig kasi ako doon sa mga scenes na palaging nag-aaway.

x Naka-ilang ulit rin ako nang simula sa story na ito. Mga three times yata! But I’m glad worth it naman `yun kasi na-approved agad siya.

x `Yung isang scene dito ay inspired sa Victoria Secret Fashion show last 2012 yata `yun. Ginamit ko rin `yun sa isang kuwento ng for revision manuscript ko pero dahil hindi ko na siya inayos, nilagay ko na lang siya dito. Isa `yun sa mga favorite scene ko.

x The lesson in the story? Ah, teka. Sasabihin ko na lang `yung mga ibang aspects na tinackle nito. He-he. The story is about handling rejections, trust and possessiveness thingy! Ahhhh, basta, hindi ko masabi nang diretso. Kayo na lang ang bahalang humusga. He-he.


xx

Cady

Tuesday, May 21, 2013

It was just a dream then.

So finally I have the chance to blog this out! Yay! Sobrang overwhelmed pa rin kasi ako noong Sunday Morning and nung afternoon hanggang Monday night, I am so depressed. Kaya wala. Wala talaga akong magawang matino. Ganoon kasi ako kapag may kakaibang nararamdaman. Ngayon lang tuloy ako nakapag-blog. :P

This post is all about last Saturday---one of the happiest and biggest event in my life. PHR Grand Fans Day. Like the post title, It was just a dream then. Totoo `yan. Last Grand Fans Day, ni `di ko nga inakala na sa susunod na grand fans day, tatayo na ako sa harap at kasali sa mismong program. I mean, last GFD, naiyak lang ako sa bahay kasi hindi ako makakapunta. Hindi ko makikita `yung mga favorite PHR writers ko. Tapos `yung susunod pala, `di lang ako pupunta. Kasali na ako sa mismong program...as one of the writers.

I planned to sleep at 12 in the morning since I want to finish another manuscript for Camp Speed. Pero dahil antok na antok na ako dahil may klase ako ng Friday morning at maaga akong nagising...hindi ko rin siya natapos. (Hanggang ngayon, `di pa rin tapos) I was with my mom in my room dahil ayaw na daw niyang matulog sa baba at ayaw rin niyang matulog sa sariling kuwarto niya. Okay lang naman `yun sa akin dahil sanay naman ako na katabi si Mommy noon. Pero nung gabing `yun, masama ang pakiramdam ni Mommy. Medyo nainis ako. Well, plano na kasi namin na pupunta siya sa GFD. Dapat `di masama ang pakiramdam niya. Pero inuubo siya. `Di ako makatulog. Kailangan ko rin siyang asikasuhin. Kaya I ended up sleeping at 3 in the morning and I woke up at 5am! Kasalanan yan nung kapitbahay namin! Ang ingay kasi nila. Lumipat ako sa kuwarto ng kapatid ko. Nakatulog naman ulit ako hanggang 6:30am.

6:30 am, nagre-ready na ako. Pero these days, mabagal na akong kumilos. Nakaalis ako ng bahay namin ng 8:30 dahil plano namin na 10 nasa SM north na dapat. Magpapaayos pa kasi. Pero 9am na, wala pa rin akong masakyan na bus! Naabutan na ako nung Kuya ko sa kanto dahil magpapalinis pala siya ng kotse na `di natuloy kaya `yun, naabutan niya rin ako nang makabalik siya. I even asked him na ihatid ako sa Turbina. Pero sa sobrang bait niya....hindi niya ako hinatid. LOL

Sa Turbina, ang saya ko kasi nakakita ako ng kasama! Haha! Nakita ko sina Majh at Charlene na alam kong pupunta rin sa GFD. Naging palaka pa ako sa harap nila dahil bigla na lang daw ako tumalon. LOL. Sabay-sabay kami papuntang SM North. Mga 11am, nasa SM North na yata kami.

Dahil nakita ko na naman ang aking mga writer friends, wala akong pasidlan sa tuwa! hahaha! I was so happy whenever I with them. Dahil late ako, I have to wait for others to finish. Nagpasama muna ako kay Ate Karen para pumunta sa Precious Pages para makita `yung cover ng Camp Speed. (I am so excited kasi eh! Hi-hi) Then hindi ko akalain na may lalapit sa akin tapos magpapirma! Yay! ~~ Akalain mo nga naman, napadaan lang ako, may nakapagpapirma na sa akin. Hanggang ngayon `di pa rin ako makapaniwala.  Then after that, balik ulit sa Going Straight. Sabay-sabay kaming nagpaayos sa Going Straight and jaran! Ang gaganda namin! HAHAHA! (Dapat kasama talaga ako) XD Medyo hindi ko lang gusto `yung mascara na nilagay sa akin. Feeling ko kasi umitim ung ilalim nung mata ko. Then `yun, nag-take out kami sa mcdo. Fries lang naman nakain ko at uminom ng coke. Pinagsisihan ko kasi sina Mommy pala ay nag-shakey's!!! Di man lang me sinama. >_<

Nanatili sa backstage ng ilang oras. May ilang nagpapirma---`di ko na maalala kung sino `yung mga nagpapirma sa backstage. Hehe. pero masaya ako kahit bawal pa raw pala. XD Kuwentuhan w/ writer friends. Na-miss ko sila sobra!!! Kahit 2 weeks pa lang naman simula nang hindi kami nagkita at palagi naman kaming magkakausap sa twitter at Fb. hehehe. Nang dumating sina Mommy sa 3rd floor, kailangan ko pa siyang ipakiusap kay miss mona dahil `di siya puwedeng hindi makaupo habang naghihintay. May sakit po kasi ang Mommy ko, eh. Kahit bawal kaming lumabas sa backstage, pinilit ko para kay Mommy. Ang bait ko `no? Minsan lang yan. Hahaha!

Nang bumalik ako sa back stage.. may kausap sa amin na guy. Nakipagkamay siya. Ang unang sinabi ko.. "Kuya ang guwapo mo!" HAHAHA! I'm so.. landi lang. Hahaha! Then I ask him, ikaw ba `yung host? Then he said "Yes." Tapos nagsabi siya na magtatanong daw siya sa amin. May mga tinatanong pa siya kung sinong inspirasyon namin sa pasusulat chuva. Tapos magtatanong daw siya, 'Have you been in love?' I said, sa akin mo itanong `yan. Sasabihan kita ng... "Yes. Right now." HAHAHAHA! OMG lang. Ang gwapo niya pero dahil wala kaming picture...feeling ko, `di kami meant to be! Hehehe! Kay host jasper pa rin tuloy ang puso ko <3

Matagal bago nag-start ung program. Matagal rin bago kami tinawag. Medyo kinakabahan ako na masaya. Wala akong stage fright dahil pangarap ko talaga na mag-artista! Hahaha! Pero nung dumating `yung time na nagsasalita ako sa stage... Naiiyak talaga ako. Hindi ko masabi kung malakas `yung sigawan sa akin dahil feeling ko, wala na ako sa sarili nun dahil ang makatayo lang sa stage ay masaya na ako. Seeing those people na makikinig sa akin, ahhh~~ heaven. Lalo na nung makita ko `yung Mommy ko na nakatingin pa sa akin na parang ang proud na proud sa akin. Kahit masama `yung pakiramdam ni Mommy, nagpumilit siyang pumunta. Ahhh, that was just so...overwhelming. Presence niya lang, masaya na ako. Hindi ganoon ka-supportive si Mommy. Pero nung araw na `yun, iba, eh. Nagdrama talaga tuloy ako sa stage kasi... pangarap ko rin lang talaga `yun. Hindi ko pa nga lubos maisip na mangyayari sa akin. Kaunting push na lang, iiyak na ako sa stage. Buti na lang, may bumubulong rin sa akin na `wag kasi sayang ang make-up. Hehe! Tapos nung dumating pa `yung time na pinalabas `yung video trailer ng Camp Speed... Malapit na. Malapit na talaga akong umiyak. Wow! Ni hindi ko plinano na magkaroon ng series. Tapos... sa mismong araw na `yun, ni-launch pa? I feel so special... And I'm so proud. Parang ang layo na ng narating ko. Kaya lang, mukha kaming eng-eng sa stage nung tinawag na kami. Lalo na ako na wala talaga akong masabi. I'm not ready, eh. XD



Pagkatapos noon, akala ko babalik na ako sa dating buhay---ang makikipagdaldalan sa aking mga kapwa writers. Pero `di nangyari `yung expectations ko. Lumabas ako sa backstage kasi kakausapin ko Mommy ko. Tatanungin ko lang kung ano pakiramdam niya. But wow! Bago ako makarating kay Mommy, may mga humarang sa akin at nagpapirma. `Di ko expected `yun talaga!!! As in sobrang overwhelmed ako dahil sa mga taong nagpapirma sa akin. Tapos `yung iba, naghihintay pa talaga para dumating `yung turn na maasikaso ko naman sila. Nagpa-panic ako kapag nakikita kong may mga dumadating at naghihintay para makapagpapirma sa akin. Like wow! Kahit papaano may pila. Gusto ko silang i-accomodate lahat. Iuuna lahat. Pero siyempre `di puwede `yun. Natatakot kasi ako na baka sa susunod ay umalis na lamang sila at hindi na magpapirma. But they waited. Ahhh. Eh hindi pa naman ako marunong pumirma ng nakatayo. Kaya I ended up doing this... : Sorry to my pinsan and inaanak---Raya! Hehe!


I was also happy that my cousins and tita/tito's are there, too. Noong una, wala talaga akong balak isama sila. I just want my mom and my brother to be there. Ayaw kong magdala ng maraming kasama dahil baka akalain naman nila, nagdala ako para may fans. Nahihiya ako. Okay na rin sana `yung isang pamilya ng Tita ko na kasama dahil pupunta rin sila sa Project 8. `Yung isa kong Tita sa Alabang, di ko expected na sasama kasi nung mismong day rin nila nalaman na may event. But I was glad they were there. May mga alalay ako. Charot! Hahaha! Seriously, kung wala sila, mukhang eng-eng talaga ako doon kasi `di ko alam kung paano ko i-a-accomodate `yung mga tao sa paligid ko. Tapos gusto ko rin may picture, eh. Sila humawak nung phone ko at nagpicture-picture sa akin kasama `yung mga nagpapirma sa akin. Sa totoo lang, I dont know most of them. Kahit sinabi nila `yung name nila sa akin, `yung iba talaga, `di ko matandaan. I don't have a sharp memory. And I am so sorry about that. May mga picture sila sa phone ko pero `di ko sila ma-tag kasi nga `di ko maalala `yung iba. Huhu.

Hanggang sa bumalik ulit ako sa backstage, may mga tao pa rin na lumalapit sa akin. Doon ako nagpirma sa nakita kong kahon ng desk fan sa may upuan.
Matagal-tagal rin ang pirmahan sa likod ng backstage. Lumipat na nga sina Mommy ng puwesto, doon na rin sa may backstage. Hahaha. Tapos `yun pala may-ari ng desk fan, inantay niya akong matapos hanggang sa sabihin niya na sa kanya `yung desk fan!!! I'm so sorry talaga, Ate. Kung sinuman siya. Ahhhh talagang nakakahiya moments 101 `yun. Bukod sa hindi ko nga nakilala `yung ibang nagpapirma sa akin. Kahit `yung mismong ka-chat ko pala sa FB nung gabi, hindi ko rin nakilala!!! Mali pa nga `yung name sa dedication. T____T Tapos `yung iba, mali rin ang mismong dedication ko. I committed a lot of mistakes. T___T I'm so stupid. ><







Anyway, I am also thankful to those people na nagbigay sa akin ng gifts and letters.
 Hindi ko inaasahan `yung iba. Lalo na `yung Ferrero ni Ate Liezel! Ah, feeling ko, nanalo ako ng lotto nung binigay niya sa akin `yun. Hehehe. Doon ko nasabing...masarap pala maging writer. hehe! Thankful din ako sa mga taong nagsabing ang ganda ko raw nung araw na `yun. Lalo na kay Lush na sinabihan ako na kamukha ko raw si Bea Alonzo. Hahaha! Tandang-tanda ko `yan dahil noon lang may nagsabi sa akin niyan. Pati daw boses ko, kahawig. Sabi ko naman, hindi `yung boses. Si Beyonce ang kaboses ko. Hehe! Thankful rin ako sa editor ko sa trilogy ko na kinausap ako that time.. (medyo natakot ako noon hehe!) na gusto niya raw `yung kuwento ni Price. Like...wow! `Di ko kasi siya ganoon kagusto. Heheh. Actually, I'm planning to make a new one nga sana. Major revision kasi siya. Pero okay naman `yung comments. `Di ko lang talaga siya trip i-revise kasi `di ko ganoon kagusto `yung kuwento. Hehehe! Pero nung sinabi niya `yun, okay. Buo na ang loob ko na ire-revise ko siya. Thanks talaga, Miss Aiko! Isa kayo sa nagpasaya ng araw ko noon. :)

Nang gabi na, gutom na gutom na ako. Hahaha. But I have to wait for my friends. Chika-chika muna kami. Nakita ko nga pala ang admin ng fan page ko na si Nico. She's so pretty and sweet. Binigyan niya kami ng pizza. Akalain mo nga naman, ang daldal pala niya. Unang kita ko pa lang sa kanya nung cocktail party, I thought, ang tahimik niya. Medyo nagulat ako noong GFD kasi ang ingay pala niya. Hehe! Kumain kami sa Gerry's grill for dinner.
 Sarap ng food! Hehe! Alam ko nagmukha akong PG pero wala! Pagod at gutom na ako. Hahaha! Then bago kami umalis, katuwa lang. Napansin talaga ako ni Ate Heart at sinabing... 'Ikaw ha? Paiyak ka na sa stage kanina!" hahaha! Yay! Katuwa lang kapag napapansin ako ng senior writers. Lalo na `yung mga idol ko. Si Ate Heart talaga, Idol ko `yun, eh. Pero nahihiya rin ako minsan na kausapin siya kasi... nanliliit ako kapag kasama siya. Heheh.

Gusto ko sanang mag-happy lemon pero umayaw si Ate Karen. Sayang! Hahaha! Thankful rin pala ako kasi inantay ako nina Mommy na umuwi. Past 9 na kami nakaalis sa SM North. Hassle rin magbyahe lalo na at palowbatt na phone ko. Pag-uwi ko, `di pa rin ako makapaniwala. Naiiyak ako dahil sa sobrang saya. Kahit pagod na pagod ako, ang saya-saya ko. One of the best days ever!!! Kahit late na ako makatulog dahil nga masaya pa rin ako, okay lang. Nagising ako noong umaga, umiiyak ulit ako sa sobrang tuwa. Lalo na noong ginawa ko `yung malanobela kong status. Kaya lang noong hapon na-depress ako dahil kay Guji. Ayaw ko ng sabihin `yung ibang details kasi nade-depress talaga ako... but `yun na `yun. :P

Pero mabuti na lang talaga at hindi na ako naiiyak ngayon. Ubos na tissue sa bahay namin, eh! HAHAHAHA!

BTW, here are some pictures:










xx

Cady




Sunday, May 12, 2013

Reunited again.

A get together. My third year classmates which is mostly known "Troopers" in our school had a get-together yesterday at my classmate's resort. I was excited then... hanggang sa naudlot na nang naudlot `yung swimming namin. Tinamad na ako. Pero pinalipat ko pa rin `yung date na napili nila dahil alam kong hindi ako makakasama dun sa May 4 dahil sa refresher course. Kaya kahit nagkaroon ako ng maraming signs na wag na sanang um-attend....Um-attend pa rin ako dahil somehow ay nahihiya ako... At dahil na rin kay "HIM". I need to, looking forward(kinda) to chat him this Sunday. At kung matutulog ako doon sa mga Lola ko, malaki ang chance na hindi ako pauwiin nila Mommy dahil doon ako boboto bukas. At hindi ko maka-chat si "Him". No! Hindi puwede! Kaya napilitan na akong um-attend para may malaki akong dahilan na umuwi sa mismong bahay namin. XD

May "dalaw" ako nung araw na `yun... Isa sa mga signs na hindi na ako sasama. Umuulan pa bago ako umalis ng bahay. Marami rin akong dahilan kung bakit ayaw kong sumama.... Pero `yung ibang mga dahilan naman ay hindi nangyari talaga. Thank God to dahilan number one. But I don't know, hindi ako natuwa na hindi natupad si dahilan number 2. I always said I'm over that na lang! Hahaha! Pero nalungkot ako sa isiping hindi nangyari `yun. >< I am expecting na mangyayari dahil malaki talaga ang pag-asa... Pero waley. Saklap! Hahaha!

But anyway, okay naman `yung swimming... Torture lang dahil super daming palaka. Na kahit nasa bahay na ako, napa-paranoid pa rin ako!!! Masarap rin na makausap `yung iba at nakakatuwa lang isipin na... Hahaha! OMG, ayaw kong isipin na nakakatuwa ito since hindi talaga nakakatuwa. Okay, defensive na ako. Joke lang talaga `yung pinost ko sa isang group sa FB. Natutuwa lang talaga ako sa kanya. That's all. Mehehe! Napagtanto ko `yan pagkagising ko. :P 

Nagpaka-vain rin nga pala ako dahil hindi ako naligo. :P And this is what I enjoyed the most! Hahaha And here, ipopost ko `yung ibang pics namin...

Nang bago pa lang ang gabi...









Photoshoot sa kuwarto...




















Solo photos...
















O di ba? Sobrang vain lang. Hahaha. Ganyan ang nagagawa ng wala pang tulog. :P


xx

Cady