Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.
Wednesday, August 28, 2013
I will miss you, Tatay...
Ayaw kong mag-blog nang mahaba dahil feeling ko, iiyak ako. Hindi man kami close ng Lolo ko... I know I would missed him. Heck, kapag naghuhugas ako ng plato, siya lagi ang naalala ko. Bakit? Siya lang naman kasi ang taong nagturo sa akin kung paano magtipid ng tubig.
Naalala ko yung mga araw kung kailan kailangan ko pang lumingon sa paligid habang naghuhugas ng plato. Kasi minsan, tinatamad akong gumamit ng batsa para maghugas nang madami. So I just use the faucet. Eh alam ko, patakaran mo na `wag ganoon. Natatakot ako na baka magalit ka kapag ginawa ko yun kaya kailangan ko pang i-secure kung nandoon ka ba sa paligid...
Ngayon, wala ng mangangaral sa akin sa tamang paggamit ng tubig kasi wala ka na. Hindi na ako matatakot pero siyempre, mami-miss kita. Feeling ko, kalakip na ng buhay ko yung pangangaral mo. Hehe. I know wala akong masyadong naggawa sa inyo, pero kayo marami. Kung `di dahil sa inyo, wala akong Mommy. At kung hindi niyo siya pinalaki ng mabuti, malamang ay baka kami ay napariwa rin... Kaya thank you po talaga. I'm so sorry rin kasi `di ko na naggawa yung promise ko sa inyo ng Inay na kapag nag-50th anniversary kayo, ako ang gagastos para sa lahat ng `yun... :(((
Wala man tayong gaanong moments, Tatay, pero deep inside my heart, I care for you.
Mami-miss po kita, Tatay... Mami-miss ko yung mga moments na ikaw ung kaagaw ko sa videoke. Na paulit-ulit mong kinakanta `yung El Mundo para sa pamilya natin... Yung paint my love...
Sana po ay maging masaya kayo diyan kasama nina Daddy at Tita Emily... Webcam kayo, ha? May facebook naman kayo at natuto pang maglaro ng tablet... Hehehe! I love you, Tatay. I will miss you.
xx
Cady
Saturday, August 24, 2013
The Voice
The Voice PH is my favorite show... as of now. Ito `yung show na dapat hindi ko mamiss dahil fan talaga ako ng mga singing contest. But this...post is not about the show! Hahaha! Its about my voice.
Noong bata pa ako, naniniwala ako na maganda ang boses ko. Oo, mayabang na kung mayabang pero feeling ko talaga! Hahaha! Ang lakas pa nga ng loob ko noon na sabihin sa Mommy ko na gusto kong sumali sa isang singing contest sa baranggay namin. Pero natawa lang siya sa akin. Seryoso naman ako noon at dahil malaki nga ang confidence ko na maganda ang boses ko...(noon), napakunot ang noo ko sa kanya.
But now... I understand her.
I am fund of singing. Kapag may mga videoke sa pupuntahan ko, `di ko papalampasin. Never akong nahiya... well, ngayon lang college ako. Napagtanto ko na mayabang talaga ako noong bata ako kasi ang lakas ng bilib ko sa sarili ko. Hahahaha!
Napagtanto kong pangit talaga ang boses ko dahil sa lintik na StarMaker yan. StarMaker is an app in Ipad. Pina-DL ko pa talaga `yun kay Kuya dahil nga mahilig akong kumanta... And because of that, I realized my weakness. Kapag kasi pine-play ko yung recorded voice ko... ang pangit! Hahaha!
Oh well, bakit ko ba pino-post ito? Natatawa ako. Tama na nga. Pero teka, gusto niyo bang marinig ang boses ko? Wag na. Baka bumalik si Maring. HAHAHA!

Wednesday, August 21, 2013
Writing and giving signs...
Naalala ko noong first year college ako, kapag kakain kami ng friend ko, minsan ay nagto-toss coin kami kung saan kami puwedeng kumain. One example of making decisions na sumusunod sa signs. Pero madalas, `di naman namin sinusunod! Hahahaha... But well, I am trying it in writing...Hindi nga lang sa pamamagitan ng toss coin.
My first installment for my trilogy was the first book I write na humingi ako nang sign. Paano ba ako humingi? Well, sabi ko lang naman ay...kapag natapos ko ang librong ito...ibig sabihin, naka-move on na ako sa ex ko. Ang ginawa ko kasi roon ay ginawa kong kontrabida ang ex ko... which is hindi talaga nangyari! Gusto ko talagang maging bad villain siya. But it turned out na bumait siya. `Yun yung ayaw ko kapag nagpaplano, eh. `Di ko rin nasusunod. `Di ko naman ginawang lovable siya basta `di lang siya naging ganoon kasama kagaya ng una kong plinano. Pero tinatanong siya sa akin ng editor ko kung gagawan ko raw siya ng kuwento dahil nang in-edit daw niya, na-feel daw niya na lovable ang guy na `yun... Naloka talaga ako nang sabihin niya yun! Hahahaha.
Anyway, may ginagawa akong bagong manuscript ngayon. And this book, hihingi pa rin ako ng sign. The sign is, if na-approve, it means malaki ang pag-asa na puwedeng maging kami. Kapag na-revise at `di sinabi ang tungkol sa conflict na `yun, meron din. Kapag pina-revise at yun ang comment ay about sa conflict or na-returned `yun, wala talaga kaming pag-asa ni eherm... Hahahaha. He's really my inspiration to this book... lahat ng nararamdaman ko tungkol sa kanya at ang conflict ng relationSHIT namin. Ahahaha!
Napaka-walang kuwenta ng post na ito. May mai-post lang. Hahahaha!

Sunday, August 4, 2013
Emotions.
And yeah, I am trying to write a manuscript now. Ito `yung manuscript na matagal ko nang gustong isulat simula nang dumating ako sa point na `yun.
Bihira kong sabihin kapag may personal akong problema. I mean, the more drama side problem. `Yung nakakaawa `yung magiging turing sa akin ng tao pagkatapos. I don't like pity from others. I don't like self-pitying, too. Siguro ay minsan ganoon ako... pero `yung mga nakikita niyong `yun, wala pa `yun sa nangyayari sa akin sa loob ng kwarto. Kapag mag-isa ako.
I have a lot of posts here na hindi ko pina-publish. And most of them are the posts that contains the drama side of me. Gustong-gusto kong ilabas pero ayaw ko ng negative vibes. Ayaw ko rin na oras na malaman `yun nang tao, maawa sila sa akin.
There was this week na sobrang emotional ko. `Yun `yung week na nabuo ko ang plot ng manuscript na ito. Matagal na `yun, actually. Wala na rin ako sa stage na `yun. Siguro naka-moved on na ako. And things are getting better now kaya hindi ko siguro ganoon maramdaman. But still, I want to write a novel out of those feelings. Out of those experience.
`Yung iba, feeling ko normal naman. Nasabi ko na actually kay Riyan itong bagay na ito and feeling ko, iba `yung verdict niya sa nararamdaman ko. Feeling ko, hindi niya ako naiintindihan. Feeling ko rin kasi, abnormal `yung nararamdaman ko na `yun. Kahit `yung Mommy ko, noong time na sinabi ko `yun sa kanya... sinabihan niya ako nang "para kang tanga,". But I can't help it... I don't want to be at that point in time na...
Hindi ko sasabihin kung ano talaga `yung nangyari. Pero clue: Ayaw kong mangyari ang lahat ng ito dahil wala pa akong boyfriend. Wala pa akong someone to hold on to.
Ayan!!! Mukha ba akong desperada? But really, ito `yung nararamdaman ko on that time. Marami akong friends but still, its not enough. I can't demand with my friends... because I am only their friend. Haay! Mahirap i-explain. Pero over all, if ever man na matapos at maipasa ko ang manuscript na ito.... Ito ang pagbabatayan ko kung normal ba itong nararamdaman ko. Kapag returned, hindi. Kapag revision at ang problem na `yun ang pin-point, hindi rin. Kapag approved agad, edi normal talaga! Hahaha!
Medyo nabo-bore nga lang ako sa takbo ng story. Oh well, di kasi ako sanay sa ganitong klaseng nobela. Hindi kasi sila nag-aaway! XD

Subscribe to:
Posts (Atom)