Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.
Wednesday, August 28, 2013
I will miss you, Tatay...
Ayaw kong mag-blog nang mahaba dahil feeling ko, iiyak ako. Hindi man kami close ng Lolo ko... I know I would missed him. Heck, kapag naghuhugas ako ng plato, siya lagi ang naalala ko. Bakit? Siya lang naman kasi ang taong nagturo sa akin kung paano magtipid ng tubig.
Naalala ko yung mga araw kung kailan kailangan ko pang lumingon sa paligid habang naghuhugas ng plato. Kasi minsan, tinatamad akong gumamit ng batsa para maghugas nang madami. So I just use the faucet. Eh alam ko, patakaran mo na `wag ganoon. Natatakot ako na baka magalit ka kapag ginawa ko yun kaya kailangan ko pang i-secure kung nandoon ka ba sa paligid...
Ngayon, wala ng mangangaral sa akin sa tamang paggamit ng tubig kasi wala ka na. Hindi na ako matatakot pero siyempre, mami-miss kita. Feeling ko, kalakip na ng buhay ko yung pangangaral mo. Hehe. I know wala akong masyadong naggawa sa inyo, pero kayo marami. Kung `di dahil sa inyo, wala akong Mommy. At kung hindi niyo siya pinalaki ng mabuti, malamang ay baka kami ay napariwa rin... Kaya thank you po talaga. I'm so sorry rin kasi `di ko na naggawa yung promise ko sa inyo ng Inay na kapag nag-50th anniversary kayo, ako ang gagastos para sa lahat ng `yun... :(((
Wala man tayong gaanong moments, Tatay, pero deep inside my heart, I care for you.
Mami-miss po kita, Tatay... Mami-miss ko yung mga moments na ikaw ung kaagaw ko sa videoke. Na paulit-ulit mong kinakanta `yung El Mundo para sa pamilya natin... Yung paint my love...
Sana po ay maging masaya kayo diyan kasama nina Daddy at Tita Emily... Webcam kayo, ha? May facebook naman kayo at natuto pang maglaro ng tablet... Hehehe! I love you, Tatay. I will miss you.
xx
Cady
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment