Hash tag, Rants.
`Cause I earn some money in writing, people around me thought I am rich. Well, not really rich but I have money. Ang akala ng mga kaklase ko, porque nagkakaroon ako ng pera sa pagsusulat, akin na yun. But no! I am saving the money for the future... but the future already happened dahil wala na akong pera. Huhu.
For the last few months, nagastos ko na lahat nang naipon ko sa pagsusulat. Last year, I paid almost half of my grandfather's expense in the hospital. I bought a new cellphone this April and even paid my tuition fee in my summer classes (na kapresyo rin ng cellphone ko ang halaga). I also paid for my tuition fee this sem. And it costs more than 40,000 pesos! Ugggh... I feel so broke pero ayaw ko namang umasa na sa Mommy ko. I am happy that hindi na siya ganoon gumagastos para sa akin at sa Kuya ko. Na nakakabili na siya ng mga bagay na matagal na niyang gustong bilhin---like a new TV and aircon. We also have installed able in our house. Masaya ako na hindi na kami pumupunta ng Afsplai every year to withdraw money for my tuition fee. Pero `yung bulsa ko, umiiyak na talaga. Huhuhuhu.
Last month, I got an approved manuscript. And after the day I got the approval mail, na-tempt akong bumili ng bagong bedsheet with comforter. Oh well, that is one of my dream and I am so grateful that I already fulfill that. Pinatos ko na kasi sale na rin naman and reward ko na rin sa sarili ko. Sabi ko noon, malaki-laki pa rin naman ang matitira sa pera ko dahil magkakaroon nga ako ng bagong approve. Pero wala, naabo rin. Bakit? Dahil I also pay for my grandfather's hospitalization/death expense. And today...the heartbreaking price of our prototype in feasibility study! Huhuhu talaga. At marami pang babayaran dahil sa grammarian, adviser and panel expense! Isama pa ang laboratory fees na babayaran ko na requirements para sa internship company ko. (I'm just glad na nakapasa ako sa Toyota! Sobrang kaba ko talaga rito dahil ang bilis ng time limit ng exam, akala ko bagsak na ako. Isama pa na feeling ko sablay `yung interview sa akin. Nakaka-trauma `yung nangyari that day sabi ko, `di na ako uulit. Chos!) Tapos gusto ko rin pumunta sa MIBF.... pero wala na talaga akong pera panggastos!!! ><
Kailan kaya ako makaka-debit Cash? Wala pa naman ako pending manuscript. Wala rin ako drive na magsulat. Tinatamad nga akong ituloy itong sinusulat ko to think na 2 chapters na lang yata at tapos na ito. Ugggh, Kaasar talaga. Feeling ko kasi, `di kami destined ni Riyan... at ng best friend turn to lovers story.... ><
Haay... Lord. Please help me.
xx
Cady
No comments:
Post a Comment