Sometimes we tend to deny our feelings to someone because we knew that there is something wrong with him/her.

Sunday, August 4, 2013

Emotions.

And yeah, I am trying to write a manuscript now. Ito `yung manuscript na matagal ko nang gustong isulat simula nang dumating ako sa point na `yun.

Bihira kong sabihin kapag may personal akong problema. I mean, the more drama side problem. `Yung nakakaawa `yung magiging turing sa akin ng tao pagkatapos. I don't like pity from others. I don't like self-pitying, too. Siguro ay minsan ganoon ako... pero `yung mga nakikita niyong `yun, wala pa `yun sa nangyayari sa akin sa loob ng kwarto. Kapag mag-isa ako.

I have a lot of posts here na hindi ko pina-publish. And most of them are the posts that contains the drama side of me. Gustong-gusto kong ilabas pero ayaw ko ng negative vibes. Ayaw ko rin na oras na malaman `yun nang tao, maawa sila sa akin.

There was this week na sobrang emotional ko. `Yun `yung week na nabuo ko ang plot ng manuscript na ito. Matagal na `yun, actually. Wala na rin ako sa stage na `yun. Siguro naka-moved on na ako. And things are getting better now kaya hindi ko siguro ganoon maramdaman. But still, I want to write a novel out of those feelings. Out of those experience.

`Yung iba, feeling ko normal naman. Nasabi ko na actually kay Riyan itong bagay na ito and feeling ko, iba `yung verdict niya sa nararamdaman ko. Feeling ko, hindi niya ako naiintindihan. Feeling ko rin kasi, abnormal `yung nararamdaman ko na `yun. Kahit `yung Mommy ko, noong time na sinabi ko `yun sa kanya... sinabihan niya ako nang "para kang tanga,". But I can't help it... I don't want to be at that point in time na...

Hindi ko sasabihin kung ano talaga `yung nangyari. Pero clue: Ayaw kong mangyari ang lahat ng ito dahil wala pa akong boyfriend. Wala pa akong someone to hold on to.

Ayan!!! Mukha ba akong desperada? But really, ito `yung nararamdaman ko on that time. Marami akong friends but still, its not enough. I can't demand with my friends... because I am only their friend. Haay! Mahirap i-explain. Pero over all, if ever man na matapos at maipasa ko ang manuscript na ito.... Ito ang pagbabatayan ko kung normal ba itong nararamdaman ko. Kapag returned, hindi. Kapag revision at ang problem na `yun ang pin-point, hindi rin. Kapag approved agad, edi normal talaga! Hahaha!

Medyo nabo-bore nga lang ako sa takbo ng story. Oh well, di kasi ako sanay sa ganitong klaseng nobela. Hindi kasi sila nag-aaway! XD


xx

Cady

No comments:

Post a Comment